Marian Rivera being courted by ex-boyfriend again

Marian Rivera was spotted watching a movie with her ex-boyfriend, John Ervic Vijandre, at Alabang Town Center. According to a PEP source, the cager-model is courting the Marimar lead star again.



Dahil biglaan at phenomenal ang pagsikat ni Marian Rivera via her launching soap Marimar, nothing much is known about her private life. Kung nagiging laman man siya ng pahayagan ngayon concerning her lovelife, it was a brief and almost non-existent affair with StarStruck Mark Herras.

Isa sa mga ex ni Marian ang nag-surface recently, ang basketball player- turned-model na si John Ervic Vijandre. Balitang nakita ang dalawa sa Alabang Town Center during the holidays to watch Marian's other festival movie bukod sa Bahay Kubo, ang Desperadas.

Dumiretso ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa isang taong malapit kay Marian to confirm kung totoo ang sinasabing date nina Marian at Ervic.

Indirect ang naging sagot sa amin ng aming kausap. Aniya, "Nothing wrong naman if it's true, di ba? The guy is obviously trying to court her again."

We asked a follow-up question to confirm ang muling panliligaw ni Ervic.

"Mukhang nanliligaw nga, along with a few others," sagot ng aming source.

This time though, according to our source, Marian is focused on her career bago mag-lovelife muli.

"Ayaw pa raw niyang magka-boyfriend for now, e. Paano na ang career? Hindi na nga halos umuuwi si Marian dahil sa dami ng trabaho ever since nag-resume siya ng work this year. Sasabihin niya raw sa akin kung gusto na niyang magka-boyfriend ulit. Right now, nag-e-enjoy lang siya," pahayag ng aming kausap.

Ervic is reportedly 21 years old—although nang lumaban siya noon sa Pinoy Muscle na ipinalabas sa RPN 9 almost three years years ago, his age then was listed at 20—and a native of Taguig. Natapos siya ng kanyang elementary and high school sa St. Francis of Assisi Taguig campus at nagtapos naman siya ng college sa De La Salle Manila with a diploma in Bachelor of Arts in Philippine Studies, Major in Filipino Mass Media.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

He is a Team B member (reserved player) of De La Salle's Green Archers in UAAP, but he played for the softball team Green Batters.

Bukod sa Pinoy Muscle, lumaban din last year ang 6' 2" na si Ervic sa Be Bench talent/model search ng Bench and ABS-CBN.

Hindi matukoy ng aming kausap kung saan at kailan nagkakilala sina Marian at Ervic. Kung sa Taguig campus nagtapos ng high school si Ervic, sa Bacoor campus naman ng St. Francis Assisi nag-graduate si Marian. At kung sa La Salle Manila nag-aral si Ervic, sa La Salle Dasmariñas naman nag-college si Marian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN