Cheska Garcia defends relationship of her brother Patrick and Jennylyn

"Ako, never kong inisip na magbi-break sina Jen and Patrick. Kasi, whyleave room for bad vibes? Huwag ninyongtuldukan ang hindi pa natutuldukan. Give them the chance naman," says Cheska Garcia about the negative reactions on the relationship of her brother Patrick Garcia with Jennylyn Mercado (inset).



Sa biglaang pagsugod noon nina Patrick Garcia at Jennylyn Mercado sa isang judge sa Makati City para magpakasal sana dahil sa pagbubuntis ng young actress, inisip agad ng marami na kung natuloy ang civil wedding ng dalawa ay sukob ito sa kapatid ni Patrick na si Cheska Garcia at sa kasintahan nitong si Doug Kramer, na magpapakasal na sa October 9.



Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Cheska noong January 13, sinabi niya na personally ay hindi siya naniniwala sa sukob. But she believes na kung mauuwi man sa kasalan ang relasyon nina Patrick at Jennylyn, it would probably happen two years from now.



"Sa akin kasi, if they want to get married, it's okay, it's their life," sabi ni Cheska. "But I don't think it's gonna happen this year or next year. If they decide to get married, siguro 2010 pa.

"What I know kasi, they asked for advice from a judge and the judge made it clear na hindi ka puwedeng pumunta sa judge at magpakasal ng ganun-ganun lang. Di ba, kailangang bunutan [raffle] na ngayon? My brother asked for an advice and he knows very well also that I'm getting married on October 9. Ako, I don't believe in sukob, but everybody is saying it's not good."

Hindi pa man nauuwi sa kasalan, marami na ang humuhula na mauuwi rin sa hiwalayan ang relasyong Jennylyn-Patrick kung kaya't mabuti raw na huwag nang magpakasal ang dalawa. Bilang nakatatandang kapatid ni Patrick, nagbigay ng kanyang reaksiyon si Cheska tungkol sa isyung ito.



"Para ‘yang mga predictions... Sometimes kasi, parang law of attraction na pag ‘yan ang iniisip n'yo, ‘yan talaga ang mangyayari. Para sa akin, why live in bad vibes? Ako, never kong inisip na magbi-break sina Jen and Patrick. Kasi, why leave room for bad vibes? Any bad messages or bad e-mails, I always erase it because you leave room to think about it. Huwag ninyong tuldukan ang hindi pa natutuldukan. Give them the chance naman," pahayag ni Cheska.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CHESKA ON JENNYLYN. Nilinaw rin ni Cheska ang napabalita noon na hindi siya boto kay Jennylyn para sa kapatid niya. Sa katunayan nga raw, siya pala ang isa sa unang pinagsabihan ni Jennylyn ng kalagayan niya bago pa man ito nagsalita sa iba at lumabas sa media.



"Ako, never akong nakialam, contrary to what other people perceive me to be, na sinasabing ayaw ko kay Jen. I never do anything naman na nagpakita ako ng masama sa kanya.



"Tinawagan ako ni Jen way before my Mom found out and all the other people found out. I already found out about it, before pa mag-Christmas, alam ko na. I supported her. Siyempre, she's scared, di ba? So I told her na iisipan namin yun ng paraan. I suggested her na tawagan niya si Mommy, kausapin niya, sabihin ang problema, na huwag siyang mag-aalala. I comforted her. Alam ko ‘yan, babae ako. Kung nangyari din ‘yan sa akin, I'll also be scared, lalo't wala sa timing," lahad ni Cheska.

PATRICK & ONLINE CASINO. Nagbigay rin ng pahayag si Cheska tungkol sa balitang pagkakalulong ni Patrick sa online casino, kung saan umabot na raw ito sa pagbebenta ng cell phone at iPod ng kapatid.



"May cell pa naman si Pat, may iPod pa naman siya," sabi ng aktres. "I don't believe in that and I refuse to believe because I want to believe my brother is smarter than that.

"First and foremost, any vice, I do not like. ‘Yang mga casino na ‘yan, whether for fun or not for fun, ako, never ko ‘yang gagawin, choice ko ‘yan. Lahat ng casino sana masunog na. Mananalo ka nga, pero pagkatapos manalo, matatalo ka. Wala naman ‘yang idinulot na maganda kasi gambling ‘yan. Dapat masunog ‘yan. Kung senador ako, ipapatanggal ko ‘yang mga casino na ‘yan. Pampasira ‘yan ng pamilya, ng relasyon at ng buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Alam ko yung brother ko nagka-casino, di ko alam ang trip niya. Di ko alam kung nag-i-stay ba talaga siya diyan o ano ba. I'm also busy with my life," saad ni Cheska.

THE WEDDING. Nalalapit na ang kasal nina Cheska at Doug. Bagama't garden wedding daw ang magiging seremonyas, nang makausap namin si Cheska ay hindi pa raw sila sigurado kung saan gaganapin ang kasal. Wala pa rin daw silang kumpletong listahan ng mga magiging ninong at ninang.

"It will be on October 9, wala pang venue," nakangiting sabi ni Cheska. "Today [January 13], I'll decide na kung anong venue, I have to see the last two places na pagpipilian. I have to talk to my wedding coordinator. Definitely, it's not a church wedding kasi Born Again [Christians] kami ni Dougs, so it's gonna be a garden wedding.

"The reason why I'm so particular with the venue, kasi October ‘yon. So meaning, rainy season. Just in case, may alternative ako na place na malilipatan. The only problem lang naman is my wedding ceremony.

"Regarding ninong and ninang, I keep on changing my mind. Doug and I have to sit down and finalize things. We already made our list ng mga guests, but I wanna trim it down pa. The designer of my wedding gown is Poy Quiones," pagtatapos ni Cheska.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN