Mike Tan's Artist Center contract expires next month but he wants to stay Kapuso

"Ever since na nanalo ako sa StarStruck, walang pagkakataon nanawalan ako ng trabaho. Parati akong may show at guestings. Kaya kahitpapaano ay nakapagpundar ako ng bahay at sasakyan," says Mike Tan.



Next month pala ay mag-e-expire na ang kontrata ng young actor na si Mike Tan sa GMA Artist Center. Pero wala naman daw plano ang StarStruck 2 Ultimate Male Survivor na iwan ang GMA-7. Kung ire-renew daw siya ay mas pabor daw sa kanya ‘yon dahil ibig sabihin ay patuloy ang pag-aalaga sa kanya ng Kapuso network.

Overall ay satisfied naman si Mike sa pag-aalaga sa kanya ng Artist Center. Never naman daw siyang nabakante sa trabaho magmula nang manalo siya sa StarStruck.



"Yun naman ang ipinagpapasalamat ko sa GMA-7, kasi ever since na nanalo ako sa StarStruck, walang pagkakataon na nawalan ako ng trabaho. Parati akong may show at guestings. Kaya kahit papaano ay nakapagpundar ako ng bahay at sasakyan," sabi ni Mike sa presscon ng Maging Akin Ka Lamang noong Lunes, January 14, sa Annabel's restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.



Yun nga lang ay never pa raw nakapagbida si Mike sa anumang palabas ng GMA-7, unlike ng ibang male winners ng StarStruck na sina Mark Herras, Marky Cielo, Aljur Abrenica, at Mart Escudero na nakakapagbida na sa primetime at afternoon soap dramas.



"Maraming nagtatanong sa akin kung bakit nga raw hindi pa na ako gawing bida. Mukhang kaya ko naman daw. Pero okay lang naman na support-support ako sa mga shows. Ang importante kasi ay hindi ako nawawalan ng trabaho. Lahat naman ng ibigay sa akin na trabaho ay pinahahalagahan ko. Wala namang issue sa akin kung bida or support lang ako," paliwanag ni Mike.



Sa Maging Akin Ka Lamang ay ginagampanan ni Mike ang papel ng kaibigan ni Nadine Samonte na pagseselosan ni Polo Ravales. Bago ang Maging Akin Ka Lamang, huling napanood si Mike bilang si Choi sa top-rating primetime drama na Marimar.



Abala rin si Mike sa grupo niya na Studs. Sunud-sunod nga raw ang mga raket nila sa bars at out-of-town shows. Baka raw this year ay makapagbiyahe ang Studs dahil may producer na interesado silang kunin for shows sa Hong Kong at Japan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Sana nga matuloy ‘yon para makapaghatid kami ng saya sa ibang mga kababayan natin sa ibang bansa," ngiti ni Mike. "Tinatapos na rin namin ang workout DVD namin at salamat sa mga bumili ng sexy calendar namin noong nag-show kami last December."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN