Fans mob "Marimar" taping in Pampanga

Pampangueños thronged a memorial park in Angeles, Pampanga, to watch the taping of Marimar, starring Marian Rivera and Dingdong Dantes. Because of distraction by the adoring and curious crowd, taping of the soap opera had to be stopped until Marian pleaded for silence and the people obeyed.



Another proof that Marimar is still the number one primetime show in Philippine television.

Dinumog ng mga taga-Pampanga ang taping ng Marimar yesterday, January 15, sa isang memorial park sa Angeles. Hindi magkandaugaga ang production staff kung paano mapipigilan ang sanlaksang PampangueƱo na dumagsa sa location set ng primetime soap nina Marian Rivera at Dingdong Dantes. Sabi raw ng staff, "daig pa ang miting de avance."

"Grabe ang mga tao, bata man o matanda, hindi napigilan sa pagdagsa nang malaman nilang nandoon ang cast ng Marimar," kuwento ng isang staff.

Halos napuno raw ang lugar at walang magawa ang batalyon ng pulis at barangay tanod na tinawag para tumulong sa problema. Hindi nila alam na kinailangan lang pala nilang iharap sa tao si Marimar.

"Sina Marian at Dingdong na ang hinarap namin sa tao para pakiusapan sila dahil hindi talaga kami makakilos. Nagtsi-cheer sila ng Marimar at nang hinarap na ang dalawa para pakiusapan, sumunod naman sila na parang mga bata," aliw na kuwento ng staff.

Tinanong daw ni Marian ang mga tao kung mahal siya ng mga ito. "Oo!" sagot ng lahat.

Then, dinagdag ni Marian, kung mahal siya ng mga ito, kapag sinabing quiet, dapat quiet lahat. Natuwa ang mga staff na sumunod naman lahat. Pasado alas-tres na ng hapon nang nakapagsimula sila. Before lunchtime dapat ang call time.

Mas dumami pa raw ang mga tao noong bandang gabi at madaming nasira sa park dahil hindi mapigilan ang mga tao kahit isinara na ang gate.

Lahat daw ng cast, tinatawag ng mga tao sa mga character names nila sa Marimar.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN