Diether Ocampo says his relationship with Kristine Hermosa is still okay

Actor Diether Ocampo reiterates that the only woman in his life now is Kristine Hermosa. This, despite rumors that Kristine is dating Oyo Sotto while Diether is being linked to Bubbles Paraiso.



Sa kabila ng pagkaka-link ni Kristine Hermosa kay Oyo Sotto at ni Diether Ocampo kay Bubbles Paraiso, marami pa rin ang naniniwala na tuloy pa rin ang relasyon nina Kristine at Diether.



Bagama't nagbitiw ng salita noon si Kristine na hindi na sila gaanong nagkikita o nakakapag-usap ni Diether, at sa kabila ng madalas na paglabas-labas nila ni Oyo, marami pa rin ang naniniwala na posibleng lie-low lang ang relasyon nila ngayon ni Diether, pero hindi ito naputol kailanman.



Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Diet sa pictorial ng Maligno, ang bagong horror series ng ABS-CBN, kitang-kita sa mga sagot ng aktor na mukhang naayos na ang problema nila ni Kristine.



"Ask Kristine kung okay kami, kasi for me, oo naman, we're okay. Ako, ganun para sa akin; ewan ko sa kanya," sabi ni Diether.



Hiningan din namin ng reaksiyon si Diether sa pahayag noon ni Kristine sa past interviews nito na hindi na sila gaanong nakakapag-usap at hindi na rin ganun ka-open ang communication line nilang dalawa.



Ani Diether, "Matagal na ‘yan. Mag-usap kayo uli ngayon kasi marami nang nabago. Sa palagay ko, matagal na kayong hindi nakakapag-usap."

Tungkol naman sa pagkaka-link ni Kristine kay Oyo, sinabi ni Diether na napag-usapan na nila ito ng aktres at tinanong niya na ito tungkol dito. Tiniyak din ni Diether na walang ibang babae para sa kanya kundi si Kristine lang kaya't pinagtawanan niya lang ang issue linking him to Bubbles.



"Napag-usapan namin yung tungkol kay Oyo. Sabi niya, hindi raw, e. Ako naman, I believe her. Yung kay Bubbles, di totoo ‘yon. Nabigyan lang ng malisya at kulay ng ibang tao.

"Yung mga bagay na di totoo, dapat tinatawanan mo na lang. Di naman ako kasi ipokrito na tao. Ayoko na ng paliguy-ligoy, gusto ko straight to the point. Life is too short para magpaliguy-ligoy pa. Gusto mo ito, e, di gawin natin," paliwanag ng aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Balita rin na boto raw ang ina ni Kristine na si Mrs. Mai Hermosa kay Oyo. Ano ang reaksiyon dito ni Diether?



"Well, ano ang masama dun? I respect that. Ang importante ay kung sino ang mahal ni Kristine," sabi ng aktor.

Noon pa bali-balita na naibaba na raw ang desisyon ng korte tungkol sa nullification case ng kasal nina Diether at Kristine. Ayon sa aktor, hindi niya maintindihan kung bakit ang paghihiwalay nila ni Kristine ang inaabangan sa kanila ng publiko.



"Bakit interesado sila sa ganun? Yun ang tanong ko sa kanila, bakit interesado sila na malaman ang mga ganyang mga bagay-bagay? Ayaw ba nilang malaman kung masaya kami?" pagtatapos ni Diether.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN