Piolo Pascual and Sam Milby present 12 witnesses for libel case against Lolit Solis

Sam Milby and Atty. Joji Alonso watch Rica Peralejo as she signs documents in connection with her being a witness to the libel case Sam and Piolo Pascual (inset) slapped against Lolit Solis (not in photo).



Nagkaroon uli ng hearing kaninang umaga, January 17, ang libel case na isinampa nina Piolo Pascual at Sam Milby laban sa Pilipino Star Ngayon (PSN) columnist na si Lolit solis at sa entertainment editor nitong si Veronica Samio. Ginanap ang pagdinig ng kaso sa sala ni Assistant Prosecutor Dennis Aguila sa Manila City Regional Trial Court sa Manila City Hall kaninang alas-onse ng umaga.

Ang P12-million libel case na isinampa nina Piolo at Sam ay kaugnay ng isinulat ni Lolit sa kanyang column sa PSN na "Take It, Take It" noong October 15. Nakita niya diumano ang dalawang aktor na magkasama at nagbubulungan sa coffee shop ng Hotel Sofitel noong October 12.

Iprinesenta ng prosecution ang kanilang 12 witnesses para kina Piolo at Sam. Kabilang dito ang showbiz personalities na sina Angel Locsin, Rica Peralejo, Pokwang, at Cristy Fermin. Kasama rin sa mga witnesses ang dalawang empleyado ng Essensuals by Toni & Guy, kung saan nagpagupit diumano si Sam. Ang mga naturang tao raw ang mga nakasama o nakasalubong nina Piolo at Sam nung mga oras na sinasabi ni Lolit na nakita niya ang dalawang aktor sa Hotel Sofitel.

Kasama rin sa iprinesentang mga testigo ng prosecution ang ilang mga ordinaryong tao—UP professor, Nursing graduate, at yaya—para ma-establish daw ang epekto ng artikulong isinulat ni Lolit.

Aminado ang abogado nina Piolo at Sam na si Atty. Joji Alonso na nahirapan silang kumuha ng mga ordinaryong tao na uupo bilang witness. Ayaw raw ng mga ito noong una na ma-involve sa kaso, pero sa bandang huli ay napapayag din sila.

Sa panig naman ng abogado ni Lolit na si Atty. Noel Malaya, "suspicious" daw ang pagpipresenta ng mga witnesses ng prosecution sa puntong ito ng kaso.

"Bakit ngayon lang nila idi-disprove after three months? Two days after the article came out, at the very least, dapat nag-present na sila ng witnesses," pahayag ni Atty. Malaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kabila ng pagpipresenta ng witnesses nina Piolo at Sam ay hindi pa rin natitinag si Lolit. Ayon sa kanya, wala raw sa paramihan ng witnesses ang laban, kundi sa kredibilidad at integridad ng nagsasalita.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN