Bangs Garcia shifts from teenybopper to sexy image

"I'm very overwhelmed until now. Hindi pa po nagsi-sink in na I reallygot the role. I'm just so thankful kayGod [kasi] sobrang blessed ako. I'm sofortunate to have this opportunity," says BangsGarcia when asked about getting the lead role in theteleserye Palos.


Kapansin-pansin ang malaking pagbabago sa young actress nasi Valerie "Bangs" Garcia sa press conference ng Palos noong Huwebes,January 17, sa 9501 restaurant ng ABS-CBN compound. Bukod sa wala na ang prominenteng bangs niya, mas sexy narin ang kanyang pananamit kumpara sa kanyang roles noon sa teen-oriented showna Let's Go.

Ayon kay Bangs, ang kanyang pagpapalit ng image ay dala ngkanyang role bilang leading lady ni Jake Cuenca sa bagong action teleserye ng ABS-CBN na Palos.

"Kasi first major project ko ito at saka yungpagiging sexy actress ko dito, hindi naman magpu-focus doon, e. Action din siya this time, kasimarami din akong matitindi na action scenes. Challenging siya, parang gusto kong ma-try lahat ng klase ng acting sashowbiz," paliwanag niBangs.

Kuwento pa ni Bangs sa PEP (Philippine Entertainment Portal),hindi naging madali para sa kanya na makumbinsi ang kanyang mga magulang sa pagigingsexy actress niya para sa Palos. Idagdag pa diumano ang kissing niya with Jake Cuenca na talagangpinag-uusapan ng mga nakakita ng trailer ng naturang programa.

Aniya, "I had discussions pa with my parents para mapapayagakong maging sexy. At saka noongunang-unang nalaman ko na magpa-Palos ako, I didn't know na magse-sexyako.

"Yung Papa ko, sobrang medyo nagagalit siya sa kissingscene. Siguro okay lang kung smack,pero nung nakita nila yung kissing scene, parang na-shock sila, yung family ko."

Gayunman, sinubukan naman itong ipaliwanag ni Bangs sakanyang mga magulang. "I explained naman na may paghuhugutan kasi yungstory. Kasi yung kissing scene namin,hindi lang naman basta-basta kissing scene yun, may story behind it," pahayagni Bangs.

Dagdag ng young actress, "Pero kahit papaano, I'm readyfor it kasi I'm twenty years old naman, e, parang I'm at the right age na."

Sa kanyang pagtanggap ng sexy roles, hindi ba siya nag-alalana maaaring puro ganito na ang roles na ibigay sa kanya sa mga susunod naprojects niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I don't wanna stick to that kind of role lang," sagot niBangs. "Gusto ko pong ma-experience lahat. Aside from being sexy, puwede naman po siguroakong maging sexy-dramatic actress. Kasi I've been in a comedy [show] pero I really want to get into drama. I'll try my best din po to show that Ireally can act. So gagalingan ko potalaga dito sa Palos."

Samantala, sa general interview naman noong pressconference, naitanong kay Bangs kung may balak ba siyang gamitin angkanyang tunay na pangalan na Valerie ngayong wala na ang bangs niya.

Sagot niya, "Sa ngayon po, so far, ang napag-usapannamin ng manager ko, Direk Bobot [Mortiz], Bangs Garcia pa rin talaga. Kasi nandun pa rin po yung mystery na nakuhako from Let's Go, kasi yung viewers po talaga never pa po nila nakitayung mukha ko. I mean, I get to play in[Maalaala Mo Kaya] pero as Valerie, hindi po nila alam na ako po 'yongsi Bangs.

"This time, as Bangs Garcia, lalabas ako sa Palosnang walang bangs. So parang pangpain na rin sa viewers na, ‘A, si Bangs, Iwanna see her face now.' So sa ngayon po, Bangs Garcia po yung napag-usapannamin. Pinag-uusapan pa nila kung papalitan or what, pero ako, masaya naman poako sa Bangs."

Sa bandang huli, hindi lamang daw ang kanyang acting skillso ang pagiging prominente niya dahil sa kanyang bangs ang maipagmamalaki niya sashowbiz. Sinabi ni Bangs, "In my ownopinion, I think my edge is my personality kasi very flexible din po ako. I am confident enough to say that I have apleasing personality kasi kaya kong makibagay sa kahit kaninong tao."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN