Riza Santos swamped with work after "PBB Celebrity Edition 2"

"I'm so happy that I'm given this much opportunity after PBB. Hindi ko alam na ganito ang mangyayari sa akin," beams Riza Santos about the opportunities coming her way after placing second in Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2.



Hindi pa pala nakukuha ng Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2nd Big Placer na si Riza Santos ang kanyang premyong one million pesos.

Ayon kay Riza, marami pa raw kasing ikakaltas sa napanalunan niyang cash prize kaya siguro hindi pa ito naibibigay sa kanya. Kabilang daw sa ikakaltas ang tax, ang pangako nilang ten percent kay Yayo Aguila dahil sa pagyao ng ama nito last December, ang donasyon nila sa isang charitable institution, at ilang komisyon.

Sumatutal ay baka kalahating milyon na lang ang matira kay Riza. Pero okay lang daw ‘yon sa beauty queen dahil itatago naman daw niya ang pera for future use.

Ngayon ay sunud-sunod na ang mga trabaho ni Riza sa bakuran ng ABS-CBN at sa management niya na Viva Artist Agency (VAA). Kasama siya sa pelikulang Ikaw Pa Rin ng Viva Films na pagbibidahan nina Robin Padilla at Ai-Ai delas Alas. Kasama rin siya sa bagong gag show ng Dos at may maganda rin siyang role sa Sine Serye na Utoy, na pagbibidahan nina Dolphy at Makisig Morales.



"I'm so happy that I'm given this much opportunity after PBB," nakangiting sabi ni Riza sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Hindi ko alam na ganito ang mangyayari sa akin. I never expected na I would end up sa Top 4. I'm happy sa suporta na ibinigay ng mga tao sa aming lahat."

Gusto nang umuwi ni Riza sa Canada dahil na-miss niyang mag-Pasko at mag-New Year kasama ang kanyang pamilya at mga kaibigan doon. Pero mukhang matatagalan pa bago siya makapagbakasyon dahil sa dami ng trabaho niya.



"I really miss my family and friends back in Canada. But there is so much work and I don't want to miss out on the opportunities. Sana maging maganda na lahat for my career," asam niya.



Tinanong din namin si Riza kung nagkita na ba sila ng nabalitang boyfriend niya na si Mark Bautista. Sabi ni Riza ay nag-duet lang daw sila noong nakaraang Linggo, January 20, sa ASAP ‘08. Pero before that ay wala silang communication ni Mark.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"He texted me once, pero nakalabas na kami ng Bahay Ni Kuya. He congratulated me and that was it. Pero noong magkita naman kami sa ASAP, he was okay naman," kuwento ni Riza.



Tungkol naman kay Mariel Rodriguez, na minura siya patalikod habang nasa loob sila ng Bahay ni Kuya, sinabi ni Riza na wala siyang kinikimkim na sama ng loob dito. Kung ano ang nasabi ni Mariel sa loob ng Bahay Ni Kuya ay napatawad na niya ito.



"Mariel admitted that she had too much to drink kaya may mga nasabi siya that she did not mean to say. Whatever she said, for me tapos na ‘yon. Hindi naman ako ang nagkaroon ng mga negative reactions, e. As long as someone says sorry to me, okay na ‘yon. We can move on now and be friends again," pagtatapos ni Riza.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN