Allen Dizon gets to play a rich character for the first time in "Kung Fu Kids"

Former sexy actor Allen Dizon's showbiz career is on an upswing as he gets a good role in ABS-CBN's new action-adventure series, Kung Fu Kids.



Pagkatapos manalo ng dalawang awards for best supporting actor noong nakaraang taon sa Star Awards for Movies at FAMAS para sa pelikulang Twilight Dancers, tuloy-tuloy ang suwerte para sa dating sexy actor na si Allen Dizon. Kamakailan lamang ay binigyan siya ng parangal sa kanyang hometown sa Pampanga. Iginawad sa kanya ang Juan Crisostomo Soto excellence award sa larangan ng pelikula. Kasama niyang tumanggap ng parangal si Elwood Perez, ang multi-awarded director na tubong-Pampanga rin.

Masaya rin si Allen dahil tuluy-tuloy na ang kanyang pagiging wholesome actor. Kasama siya bilang regular cast sa pinakabagong adventure series ng ABS-CBN, ang Kung Fu Kids, na magsisimula sa January 28. Excited si Allen sa kanyang role dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay gaganap siya bilang politician.

"Kadalasan kasi ang papel na ibinibigay sa akin ay mahirap ang buhay at hindi nakapag-aral. For a change, mayaman ako dito, palaging naka-coat and tie, high-end cars ang idina-drive at Inglisero. May anak ako dito, si Jane Oineza, na miyembro ng Kung Fu Kids. Sa umpisa ay mabait ako pero gagamitin ng masamang elemento sa kuwento. But still, makikita nila ang aking good side," kuwento ni Allen tungkol sa kanyang role nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Kung Fu Kids kahapon, January 22, sa Studio 1 ng ABS-CBN.

Bukod sa Kung Fu Kids, kasama rin si Allen sa romantic comedy film na pagsasamahan nina Robin Padilla at Ai-Ai delas Alas under Viva Films. Si Allen ang gaganap na boyfriend na kinalolokohan ni Ai-Ai bago nito naging boyfriend si Robin.

Nasa post-production na rin ang first film project ng ATD Entertainment Productions ni Allen titled Crossroads, na pagbibidahan niya kasama sina Ms. Gloria Romero, Snooky Serna, Angelu de Leon, German Moreno, Joseph Bitangcol, Krista Ranillo, at Jay Manalo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN