Sid Lucero: "I'm proud of our family."

"I have never seen a familly happier than ours. Grabe! I love all mycousins and my siblings. Hindi na importante kung sino pa ang tatay onanay, basta magkakapatid kami, and we support each other," says Sid Lucero about his family.



Nagkasunud-sunod ang magagandang pelikula ng aktor na si Sid Lucero. Puro indie films nga, pero ang ganitong mga klaseng pelikula naman daw kasi ang mas realistic at hinahangaan ng mga kritiko.



Recently, napansin ang husay ni Sid sa Tambolista bilang halang ang bitukang sumira sa buhay ng dalawang magkapatid; at sa Selda, kung saan pinarangalan siya ng Gawad Tanglaw bilang Best Actor para sa pagganap niya bilang bilanggong nagkaroon ng kaugnayan sa isa pang kriminal.



Kaya nagulat kami dahil tinanggap ni Sid at ng manager niyang si Ricky Gallardo ang role bilang Kung Krung, ang martial arts expert na magtuturo sa pitong kabataang bida sa latest action teleserye ng ABS-CBN, Kung Fu Kids.



"Pambalanse ang commercial needs sa acting career ko. It's all about being an actor, and tackling different kinds of roles," paliwanag niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

UNUSUAL INCIDENT. Minsang mag-taping ang Kung Fu Kids sa isang building sa Marikina, nagkaroon ng insidenteng hindi malilimutan ni Sid.



Kuwento ni Sid, "Nagpapahinga lang kasi ako at suot ko yung getup ni Kung Krung, na taong grasa kasi yung role. Nagulat ako kasi yung guwardiya, lumapit sa akin. Tinutukan niya ako ng baril. Siyempre, nagtanong ako. Sabi ko, 'Bakit mo ako tinututukan?' Ang unang pumasok siyempre sa utak ko, hindi niya ako kilala. Napagkamalan talaga niya akong taong grasa.

"Matatanggap ko pa na pagsabihan ako na bawal magpahinga roon, pero para tutukan ako ng baril? Hindi dahil sa hindi niya alam na artista ako, or what. Ang sa akin lang, kahit sino pa, kahit taong grasang marumi 'yon o pulubi, kung naghahanap lang naman ng shelter, bakit tatratuhing ganoon?



"Actually, napikon ako. I finally showed my anger. Hindi na lang siya nakakibo at umalis. Pinilit ko pa ring ma-contain yung galit ko," pahayag pa Sid.



Hindi na lang nagreklamo si Sid, pero ipinaalam niya sa staff at sa kanilang EP (executive producer) kung bakit ganoon samantalang nasa parameters sila ng location at dapat ay secured 'yon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Wala namang basta papasok doon kung alam ng security na may shooting. Alam nila kung sinu-sino yung nandodoon. Nakagugulat lang na mapagkamalan talaga akong pulubi doon. Ang hindi ko nagustuhan, okay lang sanang napagkamalan na lang ako, pero yung tututukan ako ng baril?" napapailing na sabi ng aktor.



Anyway, kinalimutan na lang ni Sid ang pangyayaring 'yon so as not to spoil the fun, lalo na't aminado siyang more than anything else, he loves his role in Kung Fu Kids.

MAMA'S BOY. Samantala, may impresyong naiwan si Sid sa mga tao na hanggang ngayon ay Mama's boy pa rin siya. Sa poder pa rin daw kasi ng ina niyang si Bing Pimentel nakatira hanggang ngayon ang aktor.



"Sinasabi lang nila 'yon, kasi nakatira kami sa iisang building," paglilinaw ni Sid. "But we stay in separate units. Ang kasama ko, isa kong friend. But you know, I don't mind being tagged as a Mama's boy. I love my Mom so much. There's nothing wrong with being a Mama's boy, huh!"



Matagal nang divorced si Bing sa stepdad ni Sid na si Mark Gil. Naitanong namin sa aktor kung may epekto ba sa kanya ang pagiging bahagi ng isang "dysfunctional family."



"Alam mo, hindi ko gusto yung term na dysfunctional," pagtatama niya. "Kasi hindi porke hiwalay ang parents ko, hindi na kami nagpa-function nang matino. What I mean to say is, it doesn't mean that when the family is being kept as a whole, it's functioning better than those with parents who are separated. I don't believe in that.

"Kahit magkahiwalay ang parents ko, friends pa rin sila. Maayos ang family namin. Para ngang na-extend lang yung pamilya. As I grow old, wala akong nakikitang hindi normal doon.



"Kaysa naman nagsasama, 'tapos nag-aaway lang. Palagay ko, yun ang mas dysfunctional. I have never seen a familly happier than ours. Grabe! I love all my cousins and my siblings. Hindi na importante kung sino pa ang tatay o nanay, basta magkakapatid kami, and we support each other.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"I'm proud of our family. Kahit ganoon ang nangyayari, well, we cope up. We still survive as one big happy family," pagwawakas ni Sid.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN