Maine Mendoza “one of life’s biggest blessings” ni Arjo Atayde

by KC Cordero
Nov 6, 2021
Maine Mendoza posts throwback photo of her and Arjo Atayde
Sa kanyang Instagram post noong kanyang 31st birthday last November 5, sinabi ni Arjo Atayde na sinimulan niya ang kanyang selebrasyon kasama si Maine Mendoza, na para sa kanya ay “one of life’s biggest blessings.”

Nag-celebrate ng kanyang 31st birthday ang aktor na si Arjo Atayde last November 5.

Sa mismong petsa ng kanyang kaarawan, nag-post siya sa kanyang Instagram ng photo nila ng kanyang girlfriend na si Maine Mendoza.

Maine Mendoza posts throwback photo of her and Arjo Atayde

Caption ng actor sa kanyang IG post: “Starting 31 with one of life’s biggest blessings. I love you sooooo much, bubba. Thank you for everything!”

Continue reading below ↓

Nilagyan pa niya iyon ng heart emoji.

Sa kanyang IG account ay nag-post naman si Maine ng throwback picture nila ni Arjo na kuha sa isa nilang bakasyon habang nakasakay sa bangka.

Batay sa kanilang mga suot, kuha iyon nang mag-celebrate si Maine ng 26th birthday nito last March 3.

Maine Mendoza posts throwback photo of her and Arjo Atayde

Continue reading below ↓

Simpleng “happy birthday” ang inilagay na caption ng aktres.

Nag-reply naman ng “I love you” ang aktor.

Sa December ay magdaraos ang magkasintahan ng kanilang third anniversary.

Matatandaang noong October lang ay inamin ni Arjo na napag-uusapan na nila ni Maine ang pagpapakasal.

Sa isang vlog ni Julius Babao ay ipinaliwanag ng aktor na handa na siya at nasa tamang edad na rin para magpakasal.

“Obviously, I’m not naman wasting time. At the same time, sobrang mahal ko po yung tao, very sincere yung tao,” ayon kay Arjo.

Dagdag pa niya, “Yes, of course, napag-uusapan iyan. I’m at the right age, we’re not getting any younger and we’re both very happy, hopefully until we get old. Ito na po iyon, I think so.”

Kandidato ang aktor bilang congressman ng 1st District ng Quezon City—isang desisyon na aprubado at suportado aniya ni Maine.

“Alam niyang magulo ang mundo ng pulitika. But I gave her my promise to behave, and walang kalokohan sa loob. My will is just to serve nang tapat at tunay sa mga tao,” ayon kay Arjo.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa kanyang Instagram post noong kanyang 31st birthday last November 5, sinabi ni Arjo Atayde na sinimulan niya ang kanyang selebrasyon kasama si Maine Mendoza, na para sa kanya ay “one of life’s biggest blessings.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results