Ogie Alcasid's ex-wife Michelle and their kids will fly over for his September concert

"Accepted ng mga bata ang situwasyon. Malapit sila kay Regine dahil nakikita naman nila na friends ang mommy nila [Michelle] at si Regine," says Ogie Alcasid about the reaction of his children with Michelle Van Eimeren (inset, top) to his relationship with Regine Velasquez (inset, bottom).


Parang kailan lang, pero 10 years old na pala ang panganay na anak nina Ogie Alcasid at Michelle Van Eimeren at five years old naman ang kanilang bunso na si Leila. Proud na proud na nagkuwento si Ogie tungkol sa kanyang mga anak, na pareho raw maganda, at pati na tungkol sa kanyang dating asawa na si Michelle.

Kung noon ay iwas na iwas si Ogie na pag-usapan ang kanyang pamilya sa Australia, ngayon ay very open na ang singer-comedian.

Tinanong namin si Ogie kung totoo ang balitang may sarili siyang bahay na ipinatayo sa half-acre land niya sa Australia, kasama ang bahay for Michelle and their kids, at isa pa para sa mga in-laws niya.

"No, wala akong ipinatayong sarili kong house. Maganda lang ang pagkakatayo ni Michelle ng bahay namin doon at pinagawan niya ako ng sariling room na parang separate, pero nakadikit sa house," paglilinaw ni Ogie sa presscon ng My Funny Valentine.

Kasama ni Ogie dito sa concert sina Vernie Varga, Diana Zubiri, at Ai-Ai delas Alas at gaganapin ito sa February 8 sa Crowne Plaza Ballroom, Ortigas, Quezon City.

Last Christmas ay nagpunta si Ogie, kasama ang kanyang kasintahan na si Regine Velasquez, sa Australia. Okay lang ba sa mga anak ni Ogie ang relasyon nila ni Regine?

"Yes!" mabilis na sagot ng singer-composer. "Accepted ng mga bata ang situwasyon. Malapit sila kay Regine dahil nakikita naman nila na friends ang mommy nila [Michelle] at si Regine. Nakakalungkot lang na hindi na sila marunong magsalita ng Tagalog. Ibinili ko sila ng books na Tagalog, pero hindi na nila mabasa."

Si Michelle, marunong pa rin bang magsalita ng diretsong Tagalog?

"Ay, oo!" bulalas ni Ogie. "Bilib nga ako sa kanya kasi kapag nag-uusap kami, ako English ang tanong ko, siya Tagalog ang sagot sa akin. Siguro dahil matagal din siyang natira sa Pilipinas, kaya hindi niya ‘yon nalilimutan. Saka noon, kapag nasa Australia ako at may pinag-uusapan kaming personal na ayaw naming marinig ng mga bata, Tagalog ang usapan namin. Kapag magkasama sila ni Regine, Tagalog din ang usapan nila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Malusog pa rin ba si Michelle tulad ng dati?

"Medyo mataba, pero feeling ko, mas bagay sa kanya ang ganun. She's happy sa nangyayari sa amin, although dumaan din naman kami sa butas ng karayom. Siya pa nga ang nagtatanong kung bakit ang bagal naman ng annulment dito sa atin, samantalang sa kanila, madali lang ang divorce," pahayag ni Ogie.

Dream din ni Ogie na madala ulit sa Pilipinas ang dalawang anak, sina Leila at Sarah.

Aniya, "Mababait naman ang mga anak namin kahit doon [Australia] sila lumaki dahil maganda ang pagpapalaki sa kanila ni Michelle. They are already responsible, lalo na si Leila. Pero gusto kong madala sila dito sa Pilipinas.

"Lagi kong sinasabi sa kanila na dapat lagi silang nagpapasalamat sa Diyos dahil lahat ng blessings, natatanggap nila, na hindi nangyayari sa ibang bata dito sa atin. Gusto kong makita nila kung ano naman ang kalagayan ng mga batang tulad nila sa ating bansa. Kaya sa concert ko sa September 27, uuwi silang lahat dito—si Michelle at ang mga bata—para makita naman ulit nina Leila at Sarah ang Pilipinas."

Marami nang nagawang kanta si Ogie, pero alin sa mga ito ang ginawa niya para kay Regine?

"Isa rito iyong ‘Pangarap Kong Ibigin Ka,' na ikinuwento ni Reg sa akin ang character niya sa movie, na in love siya kay Christopher de Leon. Hindi niya alam that time, in love na ako sa kanya. Kaya yung character niya sa movie, ako ‘yon. Noong kami na, isinulat ko naman yung ‘Sa Piling Mo' na theme song ng Captain Barbell, na movie namin nina Bong Revilla sa Viva Films. Ang pinaka-latest, yung theme song ng Lobo, ang ‘Ikaw Ang Aking Pangarap.' Para rin sa kanya ‘yon, may binago lang akong ibang lyrics para tumama sa story ng Lobo," lahad ni Ogie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN