Arlene Muhlach says sister Almira and Bong Alvarez have reconciled

"Despite all the hiwalayan and everything na isyu, talagang magkasama pa rin sa hirap at ginhawa. Till death do they part," says Arlene Muhlach about half-sister Arlene Muhlach and Bong Alvarez (inset).



Kinumpirma ng aktres na si Arlene Muhlach na nakipagbalikan na ang half-sister niyang si Almira Muhlach sa mister nito na si Paul "Bong" Alvarez. Matatandaan na nabalitang lumayas sa tahanan nila ni Bong si Almira dahil diumano sa violent ways ng dating basketball player.



"Oo, sila pa rin. Despite all the hiwalayan and everything na isyu, talagang magkasama pa rin sa hirap at ginhawa. Till death do they part," lahad ni Arlene sa presscon ng Kung Fu Kids.



Kuwento ni Arlene, nagkita sila ni Almira sa birthday ng ama nila na si Alex Muhlach last January 15.

"She's okey naman," paglalarawan ni Arlene sa kanyang kapatid.



May advice ba siyang ibinigay kay Almira?



"Keep calm. Be patient," kasunod ang pahayag na hindi na raw nila pinag-uusapan sa pamilya ang sinapit ni Almira noon kay Bong.



Samantala, two months na ang bunsong anak ni Arlene na si Augusto. Masayang ibinalita ni Arlene na 48 lbs. na ang kanyang second baby, na ipinanganak by caesarian operation.



"I hope he becomes an actor someday," sambit ni Arlene.



Pagkatapos makapanganak ay nag-report agad sa taping ng Kung Fu Kids si Arlene.



"I had to tape nga two weeks after I gave birth. Pero siyempre, mababait naman ang mga direktor namin. Sabi naman nila, walang walking na mahaba, walang takbuhan.," kuwento ng ate ni Aga Muhlach.



Gusto pa ba niyang dagdagan ang kanyang mga anak?



"Ay, wala na!" sagot niya. "Nagpaputol na ako. Nagpa-ligate na ako. I'm 39. Bale one girl, one boy."



Kasabay ng masayang pangyayaring ito sa buhay ni Arlene ang pagkamatay naman ng ina nila ni Aga na si Mrs. Anita Aquino.



"Yeah, three days after [kong manganak], namatay siya. It was hard, pero siyempre kailangang kayanin mo lahat ‘yan, but the pain doesn't go away. We're coping," pagtatapos ni Arlene.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN