Former lead star Matthew Mendoza okay with his toddler joining showbiz

"Okay lang kung gusto niya, pero masyado pa siyang bata. Commercials, okay lang. Gusto ko rin naman na maranasan niya ang mundong ginalawan ko noong kabataan ko," says Matthew Mendoza about his two-year-old son Luke.



Pinadalhan ng nagbabalik-showbiz na si Matthew Mendoza ang PEP (Philippine Entertainment Portal) ng litrato niya kasama ang kanyang bunsong anak na si Luke. Guwapo ang two-year old son na ito ni Matt at biniro namin na baka gusto rin nitong mag-artista tulad ng daddy niya.



"Okay lang kung gusto niya, pero masyado pa siyang bata," sagot naman ni Matthew sa amin via e-mail. "Commercials, okay lang. Gusto ko rin naman na maranasan niya ang mundong ginalawan ko noong kabataan ko. Right now, mahilig maglaro si Luke. He just turned two years old last September. Daddy's boy ‘yan, e, kaya makulit."



Nahihilig daw sa mga tools na ginagamit sa kotse si Luke. Tulad ni Matthew, mahilig daw magkutkot ng kung ano-anu ang bata at gustong baklasin ang mga laruan nito at saka aayusin ulit.



"Nagmana yata sa pagiging mekaniko ko!" sambit ni Matthew. "Nakikita niya kasi ako na mahilig magbutingting ng mga sasakyan. Marunong din siya. Hilig niya mga laruang eroplano at helicopters. Baka maging pilot siya someday."



Paminsan-minsan ay may mga guestings pa rin si Matthew at hindi niya nakakalimutan ang showbiz kahit na naka-base siya sa Palawan at inaasikaso ang kanilang business na isang resort hotel. Huling napanood si Matt sa Kokey ng ABS-CBN.



"Kung hindi ako masyadong busy, okay lang sa akin ang mga guestings sa TV. Pang-balanse rin ng buhay natin ang showbiz. I have my business, our family business, my family and showbiz. Doon lang naman umiikot ang mundo ko ngayon."

Matatandaang isa sa pinakasikat na leading man noon ng Viva Films si Matthew. Ipinakilala siya sa pelikulang Dyesebel bilang leading man ni Charlene Gonzalez. Ang iba pa niyang mga pelikula ay: Bridesmaids and Ikaw Naman ang Iiyak opposite Charlene; Sabado Nights and Lihim with Ina Raymundo; Tatlo... Magkasalo and Nag-aapoy na Laman with Ara Mina; Nag-iisang Ikaw with Mikee Cojuangco; Pusong Mamon with Lorna Tolentino; and Nang Iniwan Mo Ako with Sharon Cuneta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang magbalik siya sa showbiz noong 2006, Matthew starred with Maricel Soriano in Inang Yaya and with Marian Rivera and Oyo Sotto in the GMA-7 soap opera Agawin Mo Man ang Lahat.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN