Director Maryo J. de los Reyes turns down kiddie soap to make digital movie

"To be honest about it, kailangan ko kasi ng regular work. Pero parang hindi na ako natsa-challenge sa ganoong klasengproject. I already did Mga Anghel na Walang Langit and Calla Lily for ABS-CBN, and both are kiddie soaps. Gusto ko munang lumayo sa ganoong genre and try something new," says director Maryo J. de los Reyes about turning down offer to direct Makisig Morales in a TV series.



Sinadya ng PEP (Philippine Entrtainment Portal) ang award-winning filmmaker na si Maryo J. de los Reyes sa West Mansion office ng kanyang Productions 56, malapit sa West Avenue, Quezon City, para kumpirmahin ang paggawa niya ng isang indie production.



"Matagal ko nang baby ang project na Torotot (The Noisemaker), from Jun Lana's screenplay. Sa Viva ko na ito unang inilapit noon, but since nauso ang digital productions, and Viva is so active in producing that kind of project, na-revive yung interest nila for the project," panimula ni Direk Maryo.



Kasagsagan na ng shooting—by this time sa Los Baños, Laguna—para sa proyektong tatampukan nina Yul Servo, Baron Geisler, Maui Taylor, Anton Bernardo, TJ Trinidad, at isang bagong nymphet na ipakikilala rito.



Kung tutuusin, puwedeng ang maging follow-up ni Direk sa blockbuster hit niyang A Love Story—starring Maricel Soriano, Aga Muhlach, and Angelica Panganiban na iprinodyus ng Star Cinema—ay isa uling romantic drama.



Paliwanag ng direktor, "Pero decision kong may pagitan muna ang klase ng mga ginagawa kong movies. Kung pera lang siguro ang iniisip ko, nag-demand na siguro ako ng ganoong project, na tipong commercial. There's nothing wrong with that.

"Palagay ko, nagagawa ko pa rin namang different yung style at takbo ng kuwento para maging appealing sa mga tao. Salamat na lang at naa-appreciate na ng masa ang ganoong changes, na normally hindi napapanood sa pelikula.

"As much as possible, I don't want to do movies na ang tema o takbo ng istorya, hindi na nalalayo sa mga melodramatic soap sa TV. Napapanood na 'yan nang libre ng mga tao sa TV, sa pagbabayad nila sa sine, yun pa rin ba ang ibibigay natin sa kanila?" katuwiran ni Direk.



Para kay Direk, personal film ang Torotot. He makes it a point na gumawa ng ganitong klaseng pelikula every now and then, gaya sa napatunayan niya sa Magnifico, Sa Paraiso ni Efren, at Naglalayag na indie ang dating.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Ito ang dahilan kaya nagawa niyang tanggihan ang alok ng ABS-CBN for him to direct Makisig Morales in a fairytale drama hango sa Pinocchio, ang Utoy, intended as a TV series.



"To be honest about it, kailangan ko kasi ng regular work," pag-amin niya. "Pero parang hindi na ako natsa-challenge sa ganoong klaseng project. I already did Mga Anghel na Walang Langit and Calla Lily for ABS-CBN, and both are kiddie soaps. Gusto ko munang lumayo sa ganoong genre and try something new.

"Kinausap ko naman nang mahusay ang creative team ng ABS-CBN, na ang feeling ko, the project is not really meant for me. Okay lang daw at hahanapan nila ako ng proyekto kung saan magiging interesado ako at gusto kong gawin talaga. So, habang pahinga muna ako sa TV, pelikula muna ang iintindihin ko."

Nabanggit namin kay Direk Maryo na kumakalat ang balitang kaya niya tinanggihan ang alok ng ABS-CBN dahil pagkatapos na makumpirmang pumirma na ng non-exlusive contract si Jose Javier Reyes sa GMA Films, si Direk Maryo naman daw ang susunod.



"Hindi totoo 'yan," tanggi niya. "Nagtataka nga ako kung bakit may ganyang chika. Maganda itong standing ko na nakagagawa ako sa Star Cinema, sa ABS-CBN, sa GMA-7. Pasalit-salit lang, para maiba.



"May alok sa akin ang GMA Films, pero wala sa usapan na kailangang exclusive ako sa kanila. Hindi ko pa naaasikaso ang tungkol diyan. Kasi gusto kong tapusin muna itong para sa Viva Digital," paglilinaw ng direktor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN