Director Joyce Bernal dreams of shooting "Marimar" in Mexico

"Alam ba n'yo, dream ko sanang mag-end ang Marimar sa Mexico,kung saan talaga naganap ang story nito na unang ginampanan ni Thalia?Pero mahirap, magastos at baka sa Mexico, Pampanga, na lang kamimag-taping!" says director Joyce Bernal.



Balik-Punta Uiuan sa San Antonio, Zambales ang taping ng Marimar. Dinalaw ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang naturang lugar last Tuesday, January 29, at nakausap namin ang direktor ng nangungunang primetime show ngayon sa bansa na si Joyce Bernal.

Tinanong muna namin si Direk Joyce kung nagkaroon siya ng chance na mapanood ang nag-pilot na tatlong shows ng ABS-CBN—Kung Fu Kids, Lobo, at Palos—noongMonday, January 28, at kung hindi ba sila na-pressure dahil dito.

Sagot ng lady director, "Wala namang masyadong pressure, dahil alam ko namang hindi magpapabaya ang GMA-7 na i-promote ulit ang Zaido, Kamandag, at Marimar. Pero aminado akong isa rin itong reality check sa amin, na dapat pag-ayusin pa namin ang aming trabaho. Hindi kami dapat maging kampante.

"For curiosity sake, pinanood ko ang mga shows dahil mga friends ko rin naman ang mga nandoon, like si Direk Toto Natividad na direktor ng Palos. Gusto ko rin naman si Jake Cuenca [bida sa Palos]. Maganda rin ang flow ng pilot episode ng Lobo. Pero nagpapasalamat ako sa patuloy na pagtangkilik ng mga televiewers sa Marimar," nakangiting sabi ni Direk Joyce.

Hindi rin nagkait ng updates si Direk Joyce sa nalalapit na pagtatapos ng Marimar sa March 5. Nagsimula silang mag-taping ng Marimar noong last week of June 2007 kaya halos siyam na buwan ang tatakbuhin ng programanag pinagbibidahan nina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

"Dahil malapit nang matapos, sunud-sunod na ang mga revelations at marami nang shifting ng characters, kung sinu-sino na ba ang magkakakampi. Utakan na ito sa mga puwede nilang gawin.

"Alam ba n'yo, dream ko sanang mag-end ang Marimar sa Mexico, kung saan talaga naganap ang story nito na unang ginampanan ni Thalia? Pero mahirap, magastos at baka sa Mexico, Pampanga, na lang kami mag-taping!" nagbibirong wika ni Direk Joyce.

Dagdag niya, "Sa ngayon, hindi ko pa alam kung saan kami magsu-shoot ng ending, pero sisiguruhin ko na magugustuhan ito ng mga tagasubaybay nina Marimar at Sergio."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aware ba si Direk Joyce na may nagpupustahan pa kung ano ang mangyayari sa mga eksenang ipinalalabas nila? Gaya ng alam na ng mga viewers na magpapakasal sina Sergio (Dingdong Dantes) at Angelika (Katrina Halili), kaya pinagpupustahan na nila kung matutuloy ang kasal o hindi.

"Natatawa nga ako dahil kahit ang six-year-old daughter kong si Liam, nag-text sa akin kaninang umaga. Sabi niya, ‘Mommy, huwag mong hayaang makasal si Sergio kay Angelika.' Alam kasi niyang ‘yon ang eksenang kukunan ko today. Abangan na lang nila kung matutuloy ang kasal, o makakakawala ba si Sergio sa pamba-blackmail sa kanya ni Angelika," nakakabiting sabi ni Direk Joyce.

Since malapit nang matapos ang taping ng Marimar, ano ang susunod na project ni Direk Joyce sa GMA-7?

"Dyesebel," diretso niyang sagot. "Pero gusto ko munang magbakasyon naman ng kahit one or two weeks lamang. Tuluy-tuloy kasi ang trabaho ko sa Marimar at gusto ko naman ng break."

Tinanong din namin si Direk Joyce kung sino ang gaganap na Dyesebel. Noon kasi ay sinabi ng direktor na si Marian ang perfect na gumanap bilang Dyesebel.

"Yes, kasi nakikita ko sa kanya yung buntot ni Dyesebel, yung mahusay na paglangoy niya, at yung willing siyang hindi magtakip ng boobs kapag siya na si Dyesebel. Kaya lang, hindi ko pa sure talaga who will play Dyesebel. Pabagu-bago pa ang isip ng management. Yung unang name na sinabi nila sa akin, napalitan na raw, hindi na raw siya. Kaya hihintayin ko na lang kung sino ba talaga ang pagaganapin nila sa role ni Dyesebel.

"Wala pa rin akong alam kung sino ang makakatambal niya at kung saang beach namin isu-shoot ‘yon. Pero sabi nila, sa March na raw kami magsisimulang mag-taping. Sa ngayon, isi-set ko muna ang beach wedding nina Sergio at Angelika," natatawang paalam ni Direk Joyce.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN