Rochelle Barrameda and Jimwell Stevens give contradicting statements about their relationship

"Okay kami ni Jimwell, pero hanggang ngayon, hindi ko nakakalimutan ang ginawa niya," says Rochelle Barrameda about her husband Jimwell Stevens.



Akala ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ay nagkaayos na ang mag-asawang Rochelle Barrameda at Jimwell Stevens nang sabay silang dumalo sa cast party para sa pagtatapos ng principal photography ng Ate, ang pelikulang pinangungunahan ni Ara Mina, kasama ang kapatid nitong si Cristine Reyes. Producer rin si Ara ng pelikula.



Unang nakausap ng PEP si Jimwell at ang sabi niya, "Wala namang isyu, e. Pinapalaki na lang ng iba. Okay kami ni Rochelle. Nagkasama nga kami ni Nadia [Montenegro] sa Nivea event sa Davao [last Janury 24 to 27], as in talagang wala 'yon."



Iba naman ang pahayag ni Rochelle nang makausap namin. Sinabi niya na ang tsismis kina Jimwell at Nadia ay hindi niya palalagpasin ng ganoon lang.



"Hindi ko na lang pinipilit si Jimwell na magsalita tungkol sa bagay na 'yan dahil hindi ko pinangarap na aamin siya tungkol diyan. Pero hindi 'yan lilipas sa akin na parang malilimutan ko ng ganyan lang," matigas na pahayag ni Rochelle.



Napansin nga namin, habang nagkakasayahan ang lahat sa cast party ng Ate, na ginanap sa Zayteenya Bar sa Timog Avenue, hindi basta nagkikibuan ang mag-asawa.



Nakikipag-usap si Rochelle sa kapatid ni Korina Sanchez na si Milano, na naroroon din that night, samantalang si Ara ang kausap ni Jimwell.



Sa mga pahayag ni Rochelle sa amin, nararamdaman naming may tensiyon pa rin sa pagitan ng mag-asawa. Obviously, magkasama pa rin sila sa iisang bahay, pero hindi na basta nagsisiping pa sa kama.



Ayon kay Rochelle, "Parang nag-uusap na lang kami as business partners at yung tungkol sa mga anak namin ang topic. Magdaraos ng third anniversary ang JR [carwash at bar na pag-aari ng mag-asawa] at may mga plano kami para doon.



"As much as possible, ayaw naming maapektuhan ang negosyo namin, at yung routine ng mga anak namin. Okay kami ni Jimwell, pero hanggang ngayon, hindi ko nakakalimutan ang ginawa niya," sambit pa ng dating aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinangka rin naming kunan ng pahayag si Nadia tungkol sa isyung ito. Nang malaman ni Nadia ang topic, ang text niya sa amin, "My God, 2008 na! Lumang isyu na 'yan. I was advised by Tito Dougs [Douglas Quijano] and Boy [Asistio, her husband] to refrain from talking about it. Nagkausap na kami ni Rochelle, and that's enough."



Kaso nga, everytime na nakakausap ng PEP si Rochelle lately, yung hinanakit pa rin sa nabanggit na isyu ang ipinagsisintir nito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN