Rafael Rosel not keen on entering any gay relationship

Rafael Rosel is set to play the role of a devil in Maligno, ABS-CBN's horror series which premiered last January 28.


Isa sa mga Star Magic talents ngABS-CBN na talagang walang anumang attitude problem ay itong si Rafael Rosell.Kaya naman kahit sinasabi ng iba na naging mabagal ang tutok ng ABS-CBN sakanya, kuntento pa rin siya sa breaks na naibibigay sa kanya.

"Masaya ako, and I don'tsee any reason why I should be bothered about my career. Tuloy pa rin angcharacter ko sa Prinsesa ng Banyera.Then, people will be watching me inMaligno, where I play a very important role.

"Naiisip ko nga na bakaito na yung time na napapansin na ako talaga. Hindi naman ako particular sa ganyan,na kailangang lagi akong napapansin. I'm just doing what I am supposed to do, peronararamdaman ko rin kasi," sabi ng aktor.

Nakakaipon na rin kahitpaano si Rafael. With two regular commitments sa Dos, kasama pa ang ibang raket, hindi nakapagtatakang nagbubunga rin ngmaganda ang pagsisipag niya.

Pero, sabi ng iba, masmatatalbugan ni Raf ang iba kung papayag lang daw siyang "magpaalaga"sa isang gay TV executive na very powerful sa Kapamilya network.

"Nababalitaan ko lang yung mga ganyan, but I don't really know. Wala pa namang nagtatangkang lumapitsa akin for an indecent proposal kapalit ng malalaking breaks. Kaya, hindi akopuwedeng mag-comment," sambit ng binata.

Sa tipo ni Rafael, we're verysure, may mga nag-aasam sa kanya at kayang-kayang ibigay ang kailangang break nito sa career.

"Kaya lang, honestlyspeaking, I wasn't brought up that way. Ewan, pero napaka-straight kasi ng upbringing ko. Papatol pa siguro ako sa babae—basta hot naman siya—kapalitng materyal na bagay, pero hindi sa gays.

"No offense meant sagays, pero ganoon lang kasi talaga ang prinsipyo ko. So, wala pa naman sigurong nababalitaan sa akin na okey ako sa gay relationship. Kaya wala nangnaglalakas ng loob na lapitan ako," natatawang pahayag ni Raf, ang palayaw ng binata.

Bulung-bulungan nga na naunahan na siyani Jake Cuenca, na kahit bagu-bago sa ABS-CBN kung ikukumpara kay Raf ay mas umuusad ang career. Si Jake ang bida sa TV series na Palos. Ang chika ay "alaga" raw ngisang gay TV executive si Jake.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kilala ko si Jake, athindi naman siya yung tipong ganyan. Magkasama kami as 'Coverboys' sa A.S.A.P.'08, at nagiging open din siya sa akin about his problems.

"Friends kami ni Jake,at kahit nga nabibigyan na siya ng malalaking breaks, hindi pa rin siyanagbabago. Hindi naman mayabang si Jake, kaya siguro, nagugustuhan din siya.Aside from the fact that he deserves din naman the kind of breaks that he hasbeen getting.

"Kasi, kung feelingsikat na siya, hindi na 'yan sasama sa amin sa grupo. But, Jake is not like that,in all fairness," depensa ni Rafael kay Jake.

Ang laki ng improvement ni Raf bilang aktor kaya he also deserves bigger
breaks.

"I'm not that selfish tothink about those things," sabi niya. "Kuntento at masaya na akosa ganitong pacing ng career ko. Siguro, ganito lang muna ang dapat sa akin.Hindi rin ako nagmamadali.

"Gusto kong tumagal saindustry. Kahit siguro mag-asawa na ako o magkaanak, I still want to act. Kayananiniwala ako that while I'm honing my craft, darating din yung iba pangpagkakataon para sa akin.

"At saka, principles nakasi ang pinag-uusapan dito. Papatol nga ako sa gay para sumikat, ang lakasnaman ng guilt, hindi rin ako matutuwa sa ganoon.

"I can still work on thebigger breaks, and I'm looking forward to them. Kung hindi dumating, at least, I've done my best. Tatanggapin ko kung hanggang saan ako,"nangingiting ipinahayag pa ni Rafael.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN