PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

LJ Reyes's new suitor is grandson of the owner of SM chain of malls

LJ moves on after relationship with Alfred Vargas.
by Nitz Miralles
Published Feb 6, 2008
"Hindi na kami nagti-text and the last time he texted me was last Christmas para i-greet ako ng Merry Christmas at happy birthday. Hindi na lang ako nakapag-reply, dahil nasa subway ako ng New York that time. Late na nang mabasa ko ang message niya," replies LJ Reyes when asked if she still has communication with ex-boyfriend Alfred Vargas.

Biniro namin ang young actor na si Marky Cielo na pasalamat siya't break na sina LJ Reyes at Alfred Vargas dahil kung may relasyon pa ang dalawa, baka nasuntok si Marky sa pagkalabit niya ng hita ni LJ.

Nangyari ang insidente sa final presscon ng Zaido kung saan dumating si LJ na naka-all white top and shorts. Kaya kitang-kita ang kaputian at kinis ng mga hita ng young actress. Hindi yata nakapagpigil si Marky dahil habang kinukuhanan ng litrato ang dalaga sa tabi niya, dalawang beses niya itong kinalabit.

Noon lang din muli nakakuwentuhan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si LJ. Ibinalita nitong nag-renew siya ng three-year contract sa GMA Artist Center. Ang una niyang project ay ang Babangon Ako't Dudurugin Kita , bilang ka-love triangle nina Yasmien Kurdi at JC de Vera. Noong Monday, February 4, nag-taping na si LJ, pero sa ikalawang linggo pa ng teledrama papasok ang kanyang character.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gagampanan niya ang role ni Joey o Joanna Marie Salcedo, ang tomboyish best friend ni Derek (JC).

Matatandaang nakapareha na rin ni LJ si JC sa "Mukha" episode ng Now & Forever at nagtambal din sila sa ibang shows ng GMA-7. Ibinabalik lang ng network ang tambalan nila, ngunit sa pagkakataong ito, si Yasmien talaga ang kapareha ng young actor.

Maganda ang aura ni LJ habang kausap namin. Nang usisain namin kung kumusta na siya pagkatapos ng breakup nila ni Alfred Vargas, "okay na okay" na raw siya at naka-move on na. Wala na raw silang communication ni Alfred. Balewala rin sa kanya kung may iba nang dini-date at isinasama sa panonood ng sine ang dati niyang boyfriend.

"Hindi na kami nagti-text and the last time he texted me was last Christmas para i-greet ako ng Merry Christmas at happy birthday. Hindi na lang ako nakapag-reply, dahil nasa subway ako ng New York that time. Late na nang mabasa ko ang message niya," lahad ni LJ.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakatulong kay LJ para madaling makalimot at makapag-move on ang non-showbiz suitor niya na kahit ayaw pangalanan, nag-leak din sa press ang identity nito. Makikilala at makikita rin ng press ang suitor ni LJ dahil inihahatid at sinusundo nito ang young actress sa trabaho, sakay ng Porsche.

Apo ni Henry Sy ng SM mall of chains ang bagets na kasing-edad ni LJ. Naging kaklase hanggang maging kaibigan na nauwi sa panliligaw ang drama ng dalawa. Ipinakilala na ng binata ang young actress sa ama nito na tuwang-tuwa dahil marunong mag-Chinese si LJ.

Ibinalita rin ni LJ sa PEP na balak nilang ibenta ang bahay nila sa may Lagro. Masyado na kasing malaki para sa kanya ito dahil sumunod na sa ina nila sa New York ang kanyang kapatid. Bukod sa malungkot mag-isa sa bahay, malayo rin ito sa kanyang trabaho at sa De La Salle, kung saan Economics major si LJ.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Baka ibenta na lang namin ang bahay at bibili na lang kami ng condo unit o townhouse sa may Ortigas Center o sa Valle Verde. Babalitaan ko kayo," pangako ni LJ sa PEP.

Read Next
Read More Stories About
LJ Reyes, Alfred Vargas
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Hindi na kami nagti-text and the last time he texted me was last Christmas para i-greet ako ng Merry Christmas at happy birthday. Hindi na lang ako nakapag-reply, dahil nasa subway ako ng New York that time. Late na nang mabasa ko ang message niya," replies LJ Reyes when asked if she still has communication with ex-boyfriend Alfred Vargas.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results