Returning sexy actor Mike Magat wants to see grown-up Katrina Halili

Actor Mike Magat returns to the country after working in Japanfor five years. He recalls, "Nakaka-miss din ang mga nakagisnan mong trabaho. Nagsimula akokasi sa showbiz noong 1992 pa. Nasanay na tayo sa shooting araw-araw...."


Masuwerte ang muling pagbabalik sa showbiz ng dating sexyactor na si Mike Magat. Tatlo kaagad ang shows na lalabasan niya sa GMA-7. Unana rito ang Joaquin Bordado, pangalawa ang Babangon Ako'tDudurugin Kita, at pangatlo ang Kamandag.

Pero nilinaw ni Mike sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na hindi naman kalakihan ang mgaroles niya sa mga nabanggit TV shows. Pasulpot-sulpot lang daw siya peronagpapasalamat siya at hindi siya nahirapan na maghanap ng acting job sa muling pagbabalikniya.

Aniya, "Natutuwa naman ako kasi mga limang taon din akong nawala sasirkulasyon at nagtrabaho ako sa ibang bansa. Sa pagbalik ko, hindi ko namanbinalak na umarte ulit. Gusto ko lang magnegosyo ulit at makasama ang pamilyako rito. Malaki na kasi ang anak ko, e.

"Pero siguro nga may lugar pa tayo sa showbiz at noong maymakaalam na nandito ako, kinuha na ako mag-guest at nabigyan pa tayo ng mgalalabasan na mga shows. Kaya heto umaarte ulit tayo," masayang sabi ni Mike.

Mga tatlong taon ding nagtrabaho sa Japan si Mike bilanglead vocalist ng isang banda roon. Okay naman daw ang kinikita niya, perona-miss din daw niya ang showbiz.

"Nakaka-miss din ang mga nakagisnan mong trabaho," pag-amin niya. "Nagsimulaako kasi sa showbiz noong 1992 pa. Nasanay na tayo sa shooting araw-araw.Nagsimula tayo bilang stuntman, hanggang sa magbigyan ng chance na maging extratapos makasama sa supporting cast at umabot ako sa pagiging lead actor. Maramiakong pinagdaanan kaya hindi ko basta-basta makakalimutan ang showbiz."

Nakilala si Mike sa mga sexy films gaya ng NightsOf Serfina, Curacha: Ang Babaeng Walang Pahinga, Ang Babae SaBubungang Lata, Phone Sex, Pukyutan, Dalawang Pisngi ngLangit, Saranggani, Sekswal, Hubad Sa Ilalim ng Buwan,Mainit na Bala, Huling Birhen sa Lupa, at iba pa. Nakatambal niyasa mga pelikulang sina Rosanna Roces, Georgia Ortega, RitaMagdalena, Ara Mina, Camille Roxas, Aya Medel, at ilan pang mga dating sexystars.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung may isang sexy star ngayon na gustong makita ulit ni Mike, ito aywalang iba kundi si Katrina Halili. Sabi ni Mike, nakilala niya si Katrinanoong 16 years old pa lang ito at sobrang hilig na raw nitong mag-artista. Naisama panga raw niya ito sa kanyang mga shootings noon. Ngunit nang mangibang bansa siMike ay hindi na sila nagkausap ni Katrina.

"Masaya ako sa nangyayari kay Katrina. Hindi ko akalain namagiging malaking artista siya. Noong makilala ko 'yan, wala pang StarStrucknoon. Pero hilig na niyang mag-artista noon talaga.

"Gusto ko lang naman siyang makita ulit at i-congratulate.Natupad na kasi ang mga matagal niyang pangarap. Sana nga, ngayong nagtatrabahona rin ako sa GMA-7, e, makasalubong ko naman siya para batiin ko siya. Siguronaman kilala pa niya ako hanggang ngayon," pagtatapos ni Mike.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN