Piolo Pascual on Lolit Solis: "She knows in her heart na it didn't happen."

"Nothing really transpired on that day, so we just want the truth tocome out and we gave her many chances to retract her statement to comeout with the truth," says Piolo Pascual about the libel case he and Sam Milby filed against Lolit Solis (inset).



Nagkamay sina Piolo Pascual at Manila Mayor Alfredo Lim kahapon ng umaga, February 7, bago magsimula ang parada ng ABS-CBN Team Kapamilya primetime programs—ang Kung Fu Kids, Palos, at Lobo—kasabay ng selebrasyon ng Chinese New Year sa Binondo, Manila.

Habang nagaganap ang pakikipagkamay ni Piolo kay Mayor Lim, nasa Manila City Hall naman ang columnist-TV host-talent manager na si Lolit Solis para sa hearing ng libel case na isinampa nina Piolo at Sam Milby laban sa kanya.

Matatandaang si Mayor Lim ang punong-bayan sa Manila noong naganap ang scam sa 1994 Manila Film Festival, na kinasangkutan ni Lolit at ilang mga artista (Gabby Concepcion, Gretchen Barretto, at Ruffa Gutierrez).

"I just got a text this morning from Atty. Joji Alonso [Piolo and Sam's lawyer]. It's really ctitical, so medyo mahirap magsalita. Let's just wait for the decision," bungad ni Piolo nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng parada sa President restaurant sa Ongpin.

Ayon sa mga nakausap ni Lolit sa hearing, nagsisisi na raw ang sikat na talent manager kung bakit isinulat pa niya na nakita niyang magkasama sina Piolo at Sam sa Hotel Sofitel. Kung alam lang daw ni Lolit na aabot sa ganitong situwasyon ang isinulat niya, sana raw ay hindi na lang niya ito ginawa.

Ano ang masasabi ni Piolo rito?



"You know, it's a matter of pride lang naman ‘yon, e," sabi ng aktor. "We asked for a retraction. She knows in her heart na it didn't happen. Nothing really transpired on that day, so we just want the truth to come out and we gave her many chances to retract her statement to come out with the truth."

Sinabi rin daw ni Manay Lolit, since it's the Year of the Rat ngayong 2008 ayon sa Chinese calendar, sana ay kainin na lang daw yung affidavit ng mga daga para magkaroon ng chance ng reconciliation outside the court.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"We're just waiting," simpleng tugon ni Piolo nang hingin namin ulit ang kanyang reaksiyon.



On a lighter note, nag-enjoy naman daw si Piolo sa pakiki-celebrate niya ng Chinese New Year sa mga kababayan natin sa Chinatown, Ongpin. Maraming bagay rin daw ang pumapasok sa isip ni Piolo nang makita niya for the first time kung paano sila mag-celebrate ng Chinese New Year.

"I really enjoyed the parade kasi it's the first time to join them and it's good to be with our Kapamilya shows early morning and experience the Chinese New Year," masayang sabi ni Piolo.



Samantala, wala naman daw choice ang kanyang leading lady sa Lobo na si Angel Locsin kundi ang maka-date si Piolo sa Valentine's day.



"She's my date kasi may taping kami ng Lobo," sambit ng matinee idol.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN