Buzz about Regine Velasquez's transfer to ABS-CBN gets louder

Rumors are circulating that Asia's Songbird Regine Velasquez is planning to transfer to ABS-CBN. According to the report, the Kapamilya network is just waiting for Regine's signature to seal the deal.



Patuloy sa pagde-deny ang kampo ni Regine Velasquez na lilipat ang Asia's Songbird sa ABS-CBN. Sa panayam nga ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa kasintahan ni Regine na si Ogie Alcasid, na lumabas noong Martes, Pebrero 5, ay itinanggi nito ang balitang lilipat ng TV network ang singer-actress sa Kapamilya network.

Pero taliwas ito sa pahayag ng isang source na nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal). Ayon sa source, na may alam sa nangyayaring negosasyon, ilang beses na raw nitong naulinigan ang kampo ni Regine na nag-uusap-usap at mukhang pinaghahandaan na ang paglipat sa Kapamilya network.

Ang kapatid ni Regine na si Cacai Velasquez ang tumatayong manager ngayon ng Asia's Songbird.



Isang pirma na lang daw ni Regine ang hinihintay at hindi na siya isang Kapuso star. Ayon pa sa source, hindi natanggihan ni Regine ang napakalaking deal na inaalok ng ABS-CBN sa kanya kaya may verbal approval na diumano mula sa kampo ng Asia's Songbird.



Dagdag ng source, kasama sa deal na ito ang sariling musical-variety show na si Regine ang major star. Ibabalik daw ng ABS-CBN sa pamamagitan ni Regine ang dating uri ng musical-variety na siyang nagpatindi sa kasikatan nina Nora Aunor at Sharon Cuneta noon.



Humahanap lang daw ng timing ang kampo ni Regine para sa pagbubunyag ng lipatan, unless may malaking puwersang biglang pipigil sa desisyong ito ng singer-actress. Giit ng aming source, may katotohanan sa kumakalat na balitang lilipat si Regine sa ABS-CBN mula sa GMA-7.

Ang deal ng ABS-CBN kay Regine ay hindi lang daw pang-TV. Kumbaga, multi-media agreement ito na sakop pati recording career niya at pati ang pelikula para sa Star Cinema Productions.



Magiging exclusive si Regine sa ABS-CBN kapag nagkataon with this "multi-million peso deal" na "ikawiwindang" diumano ng GMA-7.



Sa ngayon, tahimik ang kampo ni Regine kapag natatanong tungkol sa lipatan issue. Itinatanggi nila ito. Puwedeng paniwalaan dahil may movie deal pa si Regine katambal si Ogie para sa GMA Films at Viva Films na may pamagat na Love is Deaf and Blind, to be directed by Dominic Zapata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Pero sabi ng aming source, ito na diumano ang huling movie deal na gagawin ni Regine para sa GMA Films. Itinatanggi rin daw ni Ogie ang deal ni Regine with ABS-CBN dahil mukhang wala ring alam ang singer-songwriter.



"Wala namang pakialaman sa kanya-kanyang career sina Ogie at Regine," sabi ng aming source. "Kung ano lang ang alam ni Ogie, yun lang ang sinasabi niya. Pero sabi ng kampo ni Ogie, stick pa rin sila sa GMA-7 if in case totoo nga na pumayag na si Regine sa deal with ABS-CBN."



Hindi na nga raw sana matutuloy ang Regine-Ogie movie sa Viva at GMA Films, pero kapwa hindi natanggihan ng dalawa ang alok. Wala raw kaalam-alam ang GMA Films na yun na ang magiging last movie ni Regine sa kumpanya nila kung saka-sakali.



Kapag nawala si Regine sa GMA-7, ang unang magsa-suffer dito ay ang Sunday musical variety show na SOP. Tiyak na mapipilayan daw ito kung saka-sakali.

May nakapagsabi rin sa PEP na hindi raw tatapatan ni Regine ang SOP kung sakaling maging opisyal na Kapamilya star na siya. Bukod kasi kay Ogie, kasama rin sa show ang malalapit na kaibigan ni Regine na sina Jaya at Janno Gibbs.

"But just the same, mahirap paniwalaan ito," sabi pa ng source namin. "Kapag opisyal nang Kapamilya si Regine, gagawin ng Dos ang lahat para durugin ang SOP."



Only time can tell kung saan hahantong ang ipinahayag ng aming source.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN