Veteran actor Eddie Garcia still gets prime roles after six decades in showbiz

"Sa mga kapanabayan ko, marami na ang wala. Angnaririyan na lang ay si Dolphy. Kapag nakikita ko siya, kahit paano,nagno-nostalgia ako sa dami rin ng nagawa naming pelikulang magkasamanoon. At hanggang ngayon, naririto pa rin kami," says veteran actor Eddie Garcia in a nostalgic mood.



Laging walang masamang tinapay sa veteran actor na si Eddie Garcia. Ito siguro ang dahilan kung bakit nagtagal siya ng mahigit sa anim na dekada sa mundo ng showbiz. Heto nga't kasama pa siya sa bagong teleserye ng GMA-7, ang Joaquin Bordado, na pinangungunahan ni Robin Padilla.

"Nagge-guest naman din ako sa ABS-CBN. Hindi ako exclusive sa GMA-7, pero nagkakataon kasing nagkakasunud-sunod ang regular exposure ko sa kanila [Kapuso network]. Kung wala akong ginagawa sa Siete, nasa Dos ako. Ganoon lang. Walang problema," paliwanag ni Eddie sa PEP (Philippine Entertainment Portal) nang tanungin kung bakit mas madalas siyang napapanood sa Kapuso network.



Per project lang ang kontratang pinipirmahan ni Manoy (bansag kay Eddie sa showbiz). Pero madalas nga siya sa GMA-7 dahil natutuwa rin siya sa pag-aalaga ng Kapuso network sa isang veteran actor na gaya niya.



"Aware ako na may network war, pero kung hindi natin iintindihin, wala rin naman," saad niya. "Huwag na lang tayong makisali sa ganyan dahil parang conflict lang 'yan ng iilan, e. Maging masaya na lang tayo lahat."

Bukod sa TV, humihirit pa rin sa pelikula si Eddie. In fact, siya ang gumaganap na lolo nina Ara Mina at Cristine Reyes sa pelikulang Ate ng Posh Entertainment, na pinamamahalaan mismo ni Ara.



"Masaya ako sa pagtatrabaho sa kumpanya ni Ara dahil very professional sila doon. Wala namang nag-prima donna. Wala akong puwedeng ireklamo," banggit ng veteran actor.

CLEAN RECORD. Hindi kailanman nakaladkad sa iskandalo ang buhay ni Eddie Garcia. Isang bagay na hahangaan talaga sa kanya. And yet, nariyan pa rin siya, commanding star status and respect na ibinibigay pa rin ng industriya sa kanya.



"Hindi kasi ako naniniwalang kailangan 'yang mga gimmick-gimmick," tahasang sabi ni Manoy. "Paano maipapaliwanag na may mga pelikulang sinaksakan ng gimmicks, pero hindi rin kumikita? Sa bandang huli, ang panonoorin pa rin ng mga tao riyan, yung kabuuan ng pelikula, kung mahuhusay gumanap ang mga artista. Mayroon silang hinahanap sa istorya na gusto nila, at 'pag nakita nila yun, panonoorin nila at magugustuhan nila. Hindi dahil yung kung sino'ng nasangkot sa eskandalo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naman puwedeng sabihing takot ang mga taga-industriya kayManoy para hindi siya intrigahin. Ni walang reputasyon si Mang Eddie nananakit ng reporter o press people dahil naisulat lang ng masama.



"Anoba kasing isusulat na masama sa akin?" napapangiting sabi ni Manoy."It's not in my nature na pumatol sa ganyang mga bagay. Gusto ko langmagtrabaho, at nakikisama naman ako. Wala akong tinatapakang tao."

Dagdagniya, "Wala naman tayong mapapala sa mga intrigang 'yan. Kaya anginiisip ko, iiwas na lang ako. At kung hindi maiwasan ang kalokohan,just be discreet. Dapat ay alam ng isang artista kung paano dadalhinang sarili sa harap ng publiko."

DEATH OF ACTION FILMS. Isang genre sa local movies na tila naghihingalo nang husto ay ang action, kung saan mabiling-mabili rin noon si Manoy at nakapagbibida pa.

Ayon kay Eddie, "Parang mahirap nang basta ibalik ang lakas ng action dahil hindi kakayanin ng producer ang makipagsabayan sa Hollywood films na matindi ang effects sa action.

"Dito sa local movies, makakita lang tayo ng dalawang bulok na sasakyang naghahabulan, alam na nating pasasabugin. Kasi nga, okay lang na sirain dahil bulok na. Wala tayong ilalaban sa Hollywood action movies ngayon na nagpapasabog talaga ng bago't mamahaling sasakyan para lang maging realistic ang mga eksena nila," opinyon ng mahusay na aktor at direktor.

Para kay Manoy, sa kabila ng mga pagbabago, buhay pa rin ang pelikula sa pamamagitan ng digital at indie films.



"Gumagawarin ako niyan," sabi niya. "Medium pa rin 'yan na puwedeng paggamitanng propesyon ko bilang artista, at ang maganda, iba't ibang klasengpelikula ang nagagawa kahit sa maliit na budget. Para sa akin, okay'yan. Walang problema. Basta may resulta ang creativity ng mga artistaat filmmakers."

SIX DECADES AND COUNTING. Eddie Garcia has been in show business for six decades. Record-breaking 'yan for an actor.

"Sa mga kapanabayan ko, marami na ang wala," banggit ni Eddie. "Ang naririyan na lang ay si Dolphy. Kapag nakikita ko siya, kahit paano, nagno-nostalgia ako sa dami rin ng nagawa naming pelikulang magkasama noon. At hanggang ngayon, naririto pa rin kami."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN