Sid Lucero has no problem showing off his butt in movies

"Hindi naman requirement na I have to show my butt in all my movies.Wala namang gano'n. Nagkataon lang siguro. Okay naman ang butt ko, diba? Hindi naman bagsak. Matambok na matambok pa siya!" Sid Lucero laughs out loud.



Kung sa unang pelikula ni Sid Lucero na Donsol ay may eksenang nagpakita siya ng kanyang puwet, dito sa bago niyang pelikula na Selda ay muli niyang ipapakita ang kanyang behind sa love scene nila ni Ara Mina.



Natawa si Sid nang biruin siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung sa bawat pelikula ba niya ay magiging bentahe na ang kanyang puwet. Sinabi naman ng aktor na hindi lahat ng ginawa niyang pelikula ay kinakailangan niyang gawin ito. Nagkataon lang daw na kailangan sa eksena.



"Sa unang film ko kasi na Donsol, may love scene ako with Angel Aquino. Siyempre, hubo't hubad ako at ako ang nakapatong kay Angel kaya kita puwet ko. Dito naman sa Selda, may love scene kami ni Ara Mina and nasa ibabaw na naman ako. So yun ang makikita nila agad.



"Hindi naman requirement na I have to show my butt in all my movies. Wala namang gano'n. Nagkataon lang siguro. Okay naman ang butt ko, di ba? Hindi naman bagsak. Matambok na matambok pa siya!" malakas na tawa ni Sid.



Wala ngang kiyeme si Sid kung sakaling mag-pose siya nang sobrang sexy para sa isang magazine. Basta raw lalabas na artful at may katuturan ang mga kuha sa kanya, at walang frontal na kuha.



"Basta nasa kundisyon ang katawan ko, why not?" sambit niya. "Ayoko namang mag-pictorial na sexy na may bilbil ako or bagsak ang katawan ko. I want to be fit and trim para maging inspiration ang katawan ko ng ibang tao diyan who wants to stay healthy."



Healthy and active lifestyle si Sid. Hindi raw siya basta-basta sumusubok ng bisyo na alam niyang makakasira ng kanyang pagkatao. Dala raw kasi niya ang pangalan na Eigenmann kaya iniisip niya muna ang sasabihin ng kanyang pamilya bago niya pasukin ang isang bagay.



"I have high respect for my family, lalo na sa daddy ko [Mark Gil]. Parati niya akong nire-remind na isipin nang mabuti ang mga ginagawa ko para maging proud siya. So far, wala pa naman akong nagagawang palpak. And my Dad always says na he's proud of me," nakangiting pahayag ni Sid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Wala rin daw balak maging isang matinee idol si Sid. Mas gusto raw niyang makilala bilang isang aktor at hindi bilang isang artista na boy-next-door ang image.



Pero nilinaw ni Sid that he has nothing against boy-next-door image. Aniya, hindi lang siya para sa ganung klaseng packaging. Mas gusto niyang makilala siya bilang serious actor.



"Para kasing hindi bagay sa akin ang ganung image. May mga tao talaga na para sa ganun. Ako kasi, since nagsimula ako, I was never matinee-idol material. Yung mga naging kasabayan ko, sila ang mas may karapatan na maging ganun," pagtatapos ni Sid.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN