Mark Bautista co-stars with Rufa Mae Quinto in upcoming movie

Singer-actor Mark Bautista is scheduled to co-star with sexy comedienne Rufa Mae Quinto (inset) in the Viva Films movie titled Singles. Mark and Rufa Mae were linked before but the singer insists they were just friends.



Sa katapusan ng February ay muling aalis ang singer-actor na si Mark Bautista, kasama ang grupo nina Sarah Geronimo, Rachelle Ann Go, at Christian Bautista para sa 11-city concert tour sa U.S. Buong buwan ng March ay wala sila sa bansa at sa April ang balik nila.



Sa pagbabalik ni Mark ay agad siyang magsu-shooting para sa pelikulang may tentative title na Singles para sa Viva Films, kung saan makakasama niya si Rufa Mae Quinto.



Biniro ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Mark na dapat ay kasama siya sa tell-all interview ni Rufa Mae para sa YES! magazine dahil na-link din sila dati. Pero sabi ni Mark, mabuti na lang at hindi siya isinama dahil wala naman daw anything intimate na naganap sa kanila ni Rufa Mae.



"Naging magkaibigan lang talaga kami," ngiti ni Mark. "Nagkasama kasi kami ni P-chi [palayaw ni Rufa Mae] sa isang group sa church. Sila pa ni Erik [Santos] noon. Kaya kami naging close kasi nga lagi kaming nagkakasama noon sa church. E, noong nag-break na sila ni Erik, hindi na uma-attend si P-chi. Pero we remained good friends naman."

Wala pa raw idea si Mark kung ano ang magiging role niya sa pelikulang gagawin niya na ididirek ni Jose Javier Reyes. Pero sigurado raw na comedy ito dahil si Rufa Mae ang bida rito.



"Wala pa naman silang sinasabi sa akin kung ano ang gagawin ko sa movie. Pagbalik ko na lang daw nila sasabihin sa akin. I'm looking forward to it naman," sambit ni Mark.



Sa pagbalik ni Mark sa April ay tatapusin na rin niya ang bago niyang album under Viva Records. This time ay all-original songs na ang laman ng album niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN