Bea Alonzo and John Lloyd Cruz touted as new Box Office King & Queen

"Ako kasi, mas importante sa akin na naa-appreciate siya ng tao,masaya na ako dun. Kung sakaling kumita at may ganyang award, bonus nalang sa amin," says Bea Alonzo about reports that she is this year's Box Office Queen because of the box-office success of One More Chance.


Wala pa mang official announcement na inilalabas ang Guillermo Mendoza Memorial Foundation, pero malakas ang bulung-bulungan na sina Bea Alonzo at Johh Lloyd Cruz ang napiling Box Office King & Queen this year dahil sa box-office success ng pelikula nilang One More Chance ng Star Cinema.



Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Bea sa dressing room ng ASAP '08 kahapon, February 10, sinabi ng young actress na kung sila nga ni John Lloyd ang tatanghaling Box Office King & Queen, isa itong magandang regalo sa kanya sa pagpasok ng taon. Pero nilinaw niya na sa ngayon ay wala pa siyang natatanggap na anumang imbitasyon o impormasyon man lang galing mismo sa Guillermo Mendoza Foundation.



Wala pa mang kumpirmasyon, pero heto't may negatibong reaksiyon na kaagad ang ibang fans, gaya ng mga tagahanga nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo. Very open sila sa pagsasabing kung box-office result daw ang pag-uusapan ay hindi makukuwestiyon ang kinita ng Sakal, Sakal, Saklolo sa 2007 Metro Manila Film Festival.

Ano ang reaksiyon ni Bea rito?



"Ako, I'm sure naman na Guillermo is always fair," panimula niya. "I'm sure naman si Juday [palayaw ni Judy Ann], hindi siya papaapekto sa ganitong intriga because I know she's a rational person and I'm a big fan of hers. Saka unang-una, parehong galing sa Star Cinema ang Sakal, Sakali, Saklolo and One More Chance. Kung sinuman ang mapili sa kanila, I'll be very happy. Iisang kumpanya kami, magka-Kapamilya kami dito."



Patuloy ni Bea, "Saka ako kasi, mas importante sa akin na naa-appreciate siya ng tao, masaya na ako dun. Kung sakaling kumita at may ganyang award, bonus na lang sa amin."

Sa laki ng kinita ng One More Chance, inamin ni Bea na may pressure sa kanya ang susunod na pelikulang gagawin niya.



"Siyempre, may pressure but it all boils down sa fact na ginagawa namin ito to inspire people. Like kung gaano karami ang na-inspire nila Popoy and Basya [mga pangalan nila ni John Lloyd sa pelikula] sa One More Chance. Kumbaga, mas dun nakatuon ang pansin ko, mas dun ako naka-focus," pahayag ni Bea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BEA-JOHN LLOYD TANDEM. May kasunod na ba silang movie ni John Lloyd after One More Chance? Natuloy na kasi ang plano ng Star Cinema na ipareha muna sila sa iba at pansamantalang ipahinga ang tambalan nila sa pelikula.



"Kay Lloydie, none yet," sagot ni Bea. "Pero, di ba, kasi yun talaga ang nasa plano na mag-separate muna kami after One More Chance? I have to do a movie with Derek Ramsay and Direk Rory Quintos.



"I know people, especially our fans, think na bubuwagin na yung loveteam namin [ni John Lloyd]. Tingin ko naman, hindi. Lloydie is always gonna be there. Kumbaga, magkadugtong na ang mga career namin. Siyempre, ang tagal-tagal na naming magkasama. Isa siya sa talagang pinasasalamatan ko kaya ako nandito. Ang laki-laki ng utang na loob ko sa kanya."

Konsolasyon na regular pa ring napapanood ang tambalang Bea-John Lloyd sa teleseryeng Maging Sino Ka Man. Hindi rin maiiwasang maikumpara ang Book 1 at Book 2 ng naturang drama series. Tanggap ni Bea na maaaring may mas makagusto sa Book 2 kesa sa Book 1 and vice versa.



"Siyempre, kanya-kanyang taste 'yan," sabi niya. "Mayroon namang iba na mas nagustuhan nila ang Book 2 kesa Book 1. Book 1 kasi is mas poetic, iba yung approach nung Book 2. Saka sa Book 2, kinakailangan talaga yung lahat ng characters for the story, hindi ipinasok because kailangan lang ipasok yung isang character. You really have to respect the decision of the management and the writers."

MICO PALANCA. Open book na rin sa showbiz na masaya ngayon si Bea sa piling ng boyfriend niyang si Mico Palanca. Pero sa kabila nito ay hindi maiiwasang may mga gusto pa ring pumorma at manligaw kay Bea. Isa na nga rito si Kian Kazemi ng Pinoy Big Brother (PBB) Season 2 na nagbitaw ng salita na patuloy pa rin niyang susuyuin si Bea, lalo't hindi pa naman daw kasal ang young actress kay Mico.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento ni Bea, "Nung nagkasakit kasi ako before, I received flowers kasabay nung ipinadalang flowers sa akin ng Cyber Tropa, my fans. After five minutes, umakyat uli yung guard sa condo, mayroon na naman daw akong flowers. Ang nakalagay, ‘Continue touching lives. I wanna get to know you more. From your No.1 fan, Kian Kazemi.'

"Hindi ko naman alam ang apelyido niya. I know him though I didn't know his surname. Kahit papaano, nagkaroon ako ng idea na hindi siya galing sa isang grupo kundi sa isang tao lang. I asked my road manager kung si Kian ba ito from PBB, hindi niya rin daw alam. Ang nangyari tuloy, di ko siya napasalamatan.



"I have a boyfriend and I don't know what to react. But it's so inappropriate, right?" tanong niya.



Three days from now ay Valentine's day na. Sa ngayon ay wala pa raw plano sina Bea at Mico.



"Wala pang plano," sambit ng young actress. "I have work, saka Mico's stepdad passed away two weeks ago. Hindi naman magandang tingnan na mag-celebrate kami habang nasa grieving period pa sila."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN