"Maalaala Mo Kaya" director Jerry Sineneng is all praises for KC Concepcion

"Napakahusay niyang bata. Napaka-natural niyang umarte. Pati yung pag-iyak niya, napaka-sincere. At sobra, napakabait na bata!" exclaims director Jerry Sineneng (inset) about KC Concepcion.



Kakatapos lang daw kaninang umaga, February 13, ng huling taping ng episode ng Maalaala Mo Kaya, kung saan si KC Concepcion ang bida sa kanyang kauna-unahang pag-arte sa telebisyon. Ito ang napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) nang makausap namin mismo ang direktor ng naturang episode na si Jerry Sineneng.

Puro papuri ang mga nasambit ni Direk Jerry patungkol kay KC.



Aniya, "Napakahusay niyang bata. Napaka-natural niyang umarte. Pati yung pag-iyak niya, napaka-sincere. At sobra, napakabait na bata! Siguro yung galing niya sa pag-arte, puwede mo rin talagang sabihin na malamang nasa dugo na ng bata dahil nga sa [Sharon] Cuneta-[Gabby] Concepcion. Marami akong naidirek na first timer sa pag-arte, pero iba, iba talaga yung ipinakitang husay ng bata."

Ayon pa kay Direk Jerry, bago ang taping for MMK, nagkaroon muna sila ng four-day workshop ni KC. Three hours every day. Sa workshop pa lang daw, nakitaan na niya ng malaking potential ang tinatayang magiging superstar in the near future.



"Ako talaga, noong sinabi sa akin yung episode na ito, na ako ang magdidirek kay KC, nandoon yung takot. Hindi ko pa alam ang ugali. Oo, alam ko anak ni Sharon Cuneta, pero siyempre, iniisip ko, ‘Ano kaya ang attitude ng bata? May attitude kaya?' More than anything else, yun ang ikinakatakot ko, baka may attitude.



"Pero sobrang humble. Walang kaere-ere. Walang attitude. Iniisip ko noon, ‘May paghuhugutan kaya ito? Lumaki sa luho, napakayaman...napakaraming endorsements...' Pero meron, meron palang paghuhugutan talaga. Saka yun nga, magaling talaga ang bata.

"Tinext ko nga siya [KC] pagkatapos. Sabi ko sa kanya, 'With your talents, you will surely go places,'" buong paghanga na pahayag ni Direk Jerry kay KC.



Wala raw ideya si Direk Jerry kung may say si KC sa pagiging direktor niya ng naturang episode ng Maalaala Mo Kaya na mapapanood sa Biyernes, February 15. Ang alam lang daw niya, sa walong true stories na ipinadala kay KC, ginawa nila ang napili niya mismo .

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Kuwento ni Direk Jerry, "Sa walong ipinadalang script, lahat yun magaganda siyempre. Talagang pinili na yung pinakamagaganda, pero ‘eto ang napili niya. Siguro, dahil first time niyang aarte sa telebisyon. She found it challenging. ‘Tapos, malapit sa totoo... Yun nga lang, siyempre in real life, hindi naman sila naghirap."



Kinumusta rin ng PEP kay Direk Jerry ang chemistry nina KC at ng leading man niya sa MMK episode na si Derek Ramsay.



"Meron! Meron po talaga," sambit niya. "E, si Derek naman kasi, para ‘yang chameleon. At sa nakita ko sa kanilang dalawa, they got along well."



Para kay Direk Jerry, it's an honor na siya ang naging direktor ng episode na ito ng MMK.



"It's an honor talaga!" ulit niya. "Ngayon kasi, masasabi kong part na ako ng acting career ni KC dahil ako ang unang nakapagdirek sa kanya sa telebisyon. Pangalawa, sobrang nag-bond din kami rito dahil napakabait talagang bata."



Dahil sa mainit na pagtanggap ng tao at todong-suporta ng ABS-CBN sa espesyal na episode na ito ng MMK, hindi itinanggi ni Direk Jerry na bilang direktor nito ay nakakaramdam talaga siya ng pressure at kaba.



"Sobrang pressure sa akin talaga!" pag-amin niya. "Alam mo kasi, simula pa lang nang ni-launch yung trailer ng soap sa TV, nakakatanggap na ako ng more than fifty text messages sa cell phone ko, congratulating me or sinasabing ang galing daw umarte ni KC. E, ngayon lang nangyari sa akin ‘yon na makatanggap ako ng ganoon karaming messages, na trailer pa lang ang ipinapakita, may mga nagte-text na. Kadalasan, kapag ipinapalabas na, or after na ito mapanood ang buong episode.



"So, doon ako mas nape-pressure. Diyan ako kinakabahan. Alam ko na maraming nag-aabang, marami ang gustong makapanood. So, in a way, sa rating, since first venture ng bata, parang it's a make or break din [for her]," lahad ni Direk Jerry.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Si Jerry Sineneng din ang direktor ng seryeng Anna Liza ng ABS-CBN. Nilinaw ng direktor na hindi totoong shelved na ang naturang series. In fact, nakapagsimula na sila ng taping, pero kinailangan lang nilang i-postpone muna para makahanap ng mas magandang schedule, kahit three weeks na dire-diretso.

Ang location daw kasi nila ay either Baguio or Batangas. Ang masasabing pinakamalapit sa Manila ay ang Tagaytay location nila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN