Newcomer Precious Adona not yet comfortable with her sexy image

"It's not that I'm having second thoughts. Pero siyempre, nakakagulat because hindi pa naman ako sanay sa ganungimage na ipapakita ko. Adjusting pa lang ako sa gusto ng Viva for me," explains Viva artist Precious Adona about going sexy.


Ibini-buildup bilang next sexy star ng Viva Films ang newcomer at Be Bench finalist na si Precious Adona. Nagsimula na siyang mag-shoot para sa pelikulang Torotot mula sa direksiyon ni Maryo J. de los Reyes.



Pero mukhang hindi pa handa o hindi pa kumportable si Precious na matawag bilang isang sexy star. Nagdadalawang-isip ba siya sa pinasok niyang imahe dahil masisira ang pag-build up sa kanya ng Viva Artist Agency?



"It's not that I'm having second thoughts," paglilinaw ni Precious. "Pero siyempre, nakakagulat because hindi pa naman ako sanay sa ganung image na ipapakita ko. Adjusting pa lang ako sa gusto ng Viva for me.



"I appreciate what they are doing and I want them to really trust me with good projects. Sabi nga nila na sa edad ko [23 years old], I should decide things for myself na. Isipin kong mabuti kung ano ang gusto ko talaga. I want to be in showbiz talaga and I will make the sexy image work for me," pahayag niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal).



Inamin din ni Precious na malaking tulong sa kanya financially ang pagpasok niya sa showbiz. Kinailangan nga raw niyang tumigil ng kanyang pag-aaral sa College of Saint Benilde (CSB) para magtrabaho dahil hindi na kaya ng kanyang pamilya ang tuition.



"Hindi kasi biro ang matrikula sa CSB," sambit ni Precious. "Trimester pa doon kaya grabe ang gastos. Nasa second year na ako noong mag-stop. I got into modeling at nasa Viva na ako even before I joined Be Bench.



"Kapag nakaipon na ako, babalikan ko ang pag-aaral ko. I might transfer na lang ng school. I want to try out yung UP Open University. Mas lenient daw sila doon for working students like me."



Sa pelikulang Torotot ay may mga love scenes si Precious with Yul Servo and Anton Bernardo. May mga topless scenes din si Precious, pero tiniyak niya na maganda ang pagkakakuha ni Direk Maryo sa mga eksena niyang iyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Marami na kaming love scenes na nakunan ni Yul," sabi ng newcomer. "Okay siya and he's such a gentleman. Kagalang-galang na nga siya kasi councilor na siya ng Manila.



"Ninenerbiyos lang ako sa mga kukunang love scenes namin ni Anton Bernardo. Hindi ko pa kasi siya nakikilala, pero may nagsabi sa akin na panoorin ko raw ang mga nagawa na niyang movies. Tiyak na magugulat daw ako kung gaano siya ka-daring. Tuloy, ninerbiyos ako! Maging gentle sana siya sa akin!" sabay tawa ni Precious.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN