Snooky Serna's estranged husband uncooperative in annulment case

"He's not cooperating, pero palagay ko, maggi-give in din siya.Let's see. Hindi ko rin kasi alam what's in his head now. Medyonakakaalarma ang silence niya, dahil hindi na niya ako ginugulo," says Snooky Serna about the annulment case she filed against estranged husband Nino Mendoza.



Alone but not lonely ang drama ni Snooky Serna ngayong Valentine's day. She plans to spend it with her two girls, Sam and Sachi, at makikipag-dinner lang siya kasama ang kanyang family. Wala kasing lalaki sa buhay niya ngayon.



"Hindi ko naman sinasabing hindi na importante ang lalaki sa buhay ko, pero hindi ko hinahanap sa ngayon. I stopped looking," natatawang sabi ni Snooky sa PEP (Philippine Entertainment Portal).



Sa dalawang lalakeng pinakasalan ni Snooky noon, aminado ang aktres na mas nami-miss niya si Ricardo Cepeda kesa kay Nino Mendoza.



"Ayoko na lang sanang sabihin ito, pero nightmare ang pagpapakasal ko kay Nino," diretsong sabi ni Snooky. "Mas pursigido ako na mapa-annul ang kasal namin, kesa yung nangyari sa amin ni Ricardo. But don't get me wrong. Ayoko na ring makipagbalikan kay Ricardo, kasi ayaw na rin niyang makipagbalikan sa akin," natatawang dugtong niya.



Masaya si Snooky sa mga naririnig na muling pagpapaka-active ni Ricardo sa trabaho. Alam din niya ang natatanggap na talent fee ng dating asawa na kinakagat ng mga producer dahil may demand sa tipo ni Ricardo bilang character actor.



"Natutuwa na lang ako dahil alam kong nagtatrabaho rin siya para sa aming dalawang anak. Yun lang ang reason of joys na nararamdaman ko, para na lang sa dalawa kong anak," nangingiting sabi ng aktres.



Kumusta na ang proceedings sa annulment ng kasal nila ni Nino?



"I was adviced not to talk much about it," iwas ni Snooky. "Basta, nasa korte na siya, and I have people to back me up.



"Ang napapansin ko lang, Nino is not bothering me anymore when the news came out that I have filed the annulment case with the help of my lawyer [Atty. Abraham Espejo]. Before kasi, ang akala niya, pababayaan ko lang 'yon. Wala kasi akong pera ngayon para makapag-file ng ganung kaso, and I'm just happy may mga taong tumutulong sa akin at naniniwalang kailangan na rin kasing mapawalang-bisa ang kasal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"He's [Nino] not cooperating, pero palagay ko, maggi-give in din siya. Let's see. Hindi ko rin kasi alam what's in his head now. Medyo nakakaalarma ang silence niya, dahil hindi na niya ako ginugulo," pagtatapat ng aktres.

Paano siyang ginugulo ni Nino?



"Tawag siya nang tawag. Sabi nga niya noon, mahihirapan akong ipa-annul ang kasal namin. Hindi nga raw siya makikipag-cooperate. Basta, kung anu-ano ang sinasabi niya. So, I decided to put things in the most legal manner para matigil na rin ang kung anu-anong sinasabi niya laban sa akin. I don't want to be his wife anymore. Yun lang," mariing sabi ni Snooky.



Inaamin ni Snooky na may hatred siya kay Nino, pero nagagawa niyang tanggalin ito sa sistema niya kung ganyang kailangan niyang magtrabaho para sa dalawa niyang anak.



"Ang gusto ko lang, huwag na niya akong gambalain," pahayag ng aktres. "I'm glad because when the news came out na nag-file na ako ng annulment sa Quezon City, nag-stop ang pangungulit niya sa akin."



Binibigyan siya ng magandang trabaho ng GMA-7. Hayan at naka-cast siya bilang ina nina Glaiza de Castro at Lovi Poe sa Kaputol ng Isang Awit.



"Habang hinaharap ko ang tungkol diyan, magtatrabaho naman ako for the new Sine Novela ng GMA-7. The least daw na maga-grant ang annulment, six months to one year, kung pagpupursigehan ko. Yun ay sa kaso namin ni Nino.



"Mas matagal yung annulment namin ni Richard [palayaw ni Ricardo] noon, one year ding mahigit inabot. Pero mabilis na 'yon, kasi nag-cooperate naman si Richard.



"I'm just positive na mapapadali ang annulment ng kasal namin ni Nino. I was a battered wife, and I can always prove that," matapang na pahayag ni Snooky.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN