FIRST READ ON PEP: Gretchen Barretto and Nadia Montenegro confrontation turns ugly

Gretchen Barretto (left) and Nadia Montenegro (right) were supposed to fix their problem at the Hotel Rembrandt last night, February 20. But eyewitnesses say that the meeting of the two turned into a confrontation. Claudine Barreto (inset), who had just arrived from Hongkong, rushed to the hotel when Gretchen asked her for support.



Bandang alas-otso kagabi, February 20, nakatanggap ang GMA News at PEP (Philippine Entertainment Portal) ng tip na nasa Hotel Rembrandt sa Quezon City sina Gretchen Barretto at Nadia Montenegro. Ayon sa aming source, nagkakainitan na raw noon ang dalawa.

Matatandaang si Nadia ang itinuturo ni Gretchen na nagkakalat diumano ng mga masasamang balita tungkol sa kanya. Ang pinakahuli ay ang relasyon diumano ni Gretchen kay Dody Puno.

Ang columnist-TV host na si Cristy Fermin ang nag-facilitate para pagbatiin ang dalawa sa Hotel Rembrandt.

Posibleng sa Hotel Rembrandt na dumiretso si Gretchen pagkatapos ng kanyang presscon sa 9501 restaurant ng ABS-CBN kaugnay ng kanyang album na Unexpected. Malapit lang ang Hotel Rembrandt sa ABS-CBN.

TIGHT SECURITY. Dumating kami sa nasabing hotel at tumungo sa ikalawang palapag kung saan umano nagkita ang dalawa. Halatang tight ang security noon sa second floor. Tinanong pa kami kung saan kami pupunta. Hindi tumigil ang mga hindi unipormadong security personnel hanggang makababa kami sa coffee shop sa ibaba. Dito namin naramdaman na may nagaganap nga sa second floor.

Natanggap din namin ang impormasyon na naroon ang bunsong kapatid ni Gretchen na si Claudine Barretto. Agad naming tinawagan si Claudine. Hindi naman nito itinanggi na naroon nga sila.

Ilang minuto pa, bumaba na si Gretchen kasama si Claudine at ang kanyang entourage. Magiliw na humarap si Gretchen sa amin ngunit tumangging magpa-interview dahil pagod na raw siya.

Hindi na namin nakita si Nadia.

Pero napilit naman namin na magbigay ng konting pahayag si Claudine.

Kuwento niya, "Nagulat nga rin ako kasi kagagaling ko lang ng Hong Kong. Kakauwi ko lang sa bahay, as in ngayon yung flight ko. Patulog na ako, basa pa nga ang buhok ko. Tinawagan ko si Gretchen para kumustahin, bigla niyang sinabi, ‘Babe, come here, I need you here.' Siyempre, nataranta na ako kaya pumunta ako dito."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi na rin nakapagbigay ng detalye si Claudine dahil hindi niya raw nadatnan si Nadia. Pinilit pa nga kaming paaminin ni Claudine kung sino ang source namin, pero naintindihan naman niya na iniingatan namin ang identity ng aming source.

"Kaya lang naman ako nagpa-interview kasi kaibigan kita," sabi ni Claudine. "Pero wala talaga akong maibibigay na details ngayon. I really don't know what happened. Kaya nga ako nagpunta dito para malaman ko kung ano'ng nangyari."

EYEWITNESSES' ACCOUNT. Ayon sa mga ilang nakausap namin noon sa Hotel Rembrandt na tumanggi nang magpakilala—kabilang na ang isang kilalang tao at ilang staff ng hotel—may ilang masasakit daw na salita ang nabitiwan sa pagitan nina Gretchen at Nadia. Nauwi raw ito sa batuhan ng baso. Hindi lang nila nakumpirma kung natamaan si Greta.

"Gretchen said something really nasty, Nadia did the same. After that, glasses came flying," kuwento ng isang source.

"Mabilis lang ang mga pangyayari. Ilang minuto lang ang itinagal. Nandun sa itaas si Dody [Puno] at saka si Boy [Asistio]. Binantaan pa ni Nadia na sisirain daw niya si Gretchen," dagdag naman ng isang nagkuwento na noo'y nasa labas daw ng kuwarto kung saan naganap ang kumprontasyon.

Si Dody ang nababalitang karelasyon ni Gretchen ngayon, bukod sa partner nitong si Tonyboy Cojuangco. Si Boy naman ay ang partner ni Nadia na dating mayor ng Caloocan City.

THE ROOT. Marami na ang haka-hakang lumabas. May nagsabing galit talaga si Nadia dahil hindi raw pinahalagahan ni Gretchen ang kanilang pagiging magkaibigan gayong naging isang tunay na kaibigan siya nang kasagsagan ng "kisscandal" kina Gretchen at John Estrada.

May version naman na nagsasabing tungkol sa pera ang pinag-awayan ng dalawa.

Kung anuman ang totoo, sina Gretchen at Nadia lang ang tunay na nakakaalam.

Pero sa column ni Ogie Diaz sa People's Journal ngayong araw, Pebrero 20, inilathala niya ang text message na ipinadala ni Nadia sa kanya. Halatang masama ang loob ni Nadia kay Gretchen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Part of the text reads: "Puro front lang nakikita ninyo kay Gretchen. Diamonds, Jaguar, beautiful face, sexy, milyonarya, pero ang itim ng puso. Grade four pa lang kami puro pagpapasensiya na ang ginagawa ko diyan. Milyonarya rin ako pero pagkakaiba namin, milyon ang kaaway."

At press time, nananatili pa ring tahimik si Gretchen. Nakapatay naman ang cell phone ni Nadia.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN