Jake Cuenca did not get big roles in ABS-CBN "on a silver platter"

"This wasn't served to me on a silver platter. Marami akong pagsubok nadinaanan, pero nabigyan din ng malaki-laking roles. Pinatunayan konaman na kaya kong dalhin ang roles na 'yon," says Jake Cuenca about getting prime roles in ABS-CBN shows.



Isa si Jake Cuenca sa more fashionable young men in showbiz these days. May flair sa pagdadala ng damit si Jake na kapansin-pansin, lalo na sa kanyang pagganap sa Palos na kailangang ma-emphasize ang kanyang naiibang style.



Pinagtutulungan ng dalawang designers ang mga kasuotan ni Jake na napapanood sa Palos—sina Joey Samson at Ino Caluza. Sinabi ni Jake sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na importante ang style sa kanyang bagong action series sa ABS-CBN, kaya siya mismo ay metikuloso sa pagpili rin ng kanyang susuotin.



"Nakatulong yung naging model naman talaga ako," sabi ni Jake. "Hindi masyadong naging problema sa akin ang style. Pero there are times, pinababayaan nang ako mismo ang mamili ng costumes ko sa wardrobe na ipine-present sa akin."



JAKE'S CRITICS. Inamin ni Jake na iniiwasan niya ang karaniwang feedback na nakararating sa kanya batay sa performance niya sa Palos.



"I just do the best that I can," sabi ng binata. "Either good or bad, criticisms sometimes make me feel conscious about them. Hindi ko naman talaga mapi-please ang lahat, at kung may nagkakagusto sa ginagawa ko, salamat din lang.



"I don't pretend naman that I'm good. Basta ginagawa ko lang ang makakayanan ko. So far, okay naman ang feedback. Marami na rin ang nagkakagusto, kaya inspired din kami to work harder for the series.



Naitanong namin kay Jake kung mapapangatawanan ba niya ang action image na bini-build up ng ABS-CBN para sa kanya.



"Sila ang nakakaalam on what's good for my career," sagot niya. "I let them decide. The things that I'm doing right now, they base that on my capacity. Inalam nila kung ano ba talaga ako, yung personality ko. Kung ano ako talaga, more or less, hindi nalalayo doon ang character ni Giancarlo [his name in Palos].



"Hindi ko itinatago ang sarili ko. Kasi sa ganitong paraan, gugustuhin ako ng mga tao, kahit ano pa ako. Basta ba hindi ako nakasasakit ng ibang tao. Kung ano ako talaga, sana matanggap 'yon ng mga tao. Kaya kahit ano pang pagsubok ang dumating sa career ko, I will face that."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



CESAR MONTANO. Hanggang ngayon pala'y elated si Jake sa ibinibigay na suporta sa kanya ni Cesar Montano. Dumating daw sa puntong para na niya itong kapatid talaga.



"Hindi naman father, which he's playing in Palos, but more of a brother to me in real life," ani Jake. "Noong promo kasi ng Palos, we toured in different cities sa probinsiya, at kaming dalawa lang ang madalas magkasama. Doon ko naramdaman na he's a caring person, at talagang tinatrato niya akong kapatid.



"Ngayon nga, sa bonding namin, I feel that I can say anything kay Kuya Buboy [Cesar's nickname]. I'm sure, kung ano ang magagawa niya, tutulungan niya ako, e. He's really very supportive, even financially!" at natawa na lang si Jake.



THE BIG BREAK. May mga nagsasabing sobra-sobra ang build-up na ibinibigay ng ABS-CBN kay Jake, to the point na kinukuwestiyon ang kakayahan niya para maging deserving dito.



"I don't look at it that way, na basta ibinigay lang lahat ito sa akin," pahayag ni Jake. "I started very young in the business, like I was 15 then, and now I'm 22 years old. Around six years din ang pinagsikapan ko para marating ito.



"Alam ng ABS-CBN kung sinu-sino ang dapat nilang bigyan ng break. Kanya-kanya ring panahon 'yan. This wasn't served to me on a silver platter. Marami akong pagsubok na dinaanan, pero nabigyan din ng malaki-laking roles. Pinatunayan ko naman na kaya kong dalhin ang roles na 'yon, and I was even included in Natutulog Ba ang Diyos, doon na-prove ng ABS-CBN na hindi naman sila nagkamali.



"Kaya wala akong guilt feeling that I was just given this break. Kung ibinigay nila ang Palos sa akin nang hindi ako ready, I don't think makakayanan ko itong mga ipinapagawa nila sa akin," pagtatapos ni Jake.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN