FIRST READ ON PEP: Jennylyn Mercado confirms breakup with Patrick Garcia

"Hindi worth it si Pat sa lahat ng ginawa kong pagsasakripisyo, pero worth it sa baby ko," declares Jennylyn Mercado, who confirmed split with Patrick Garcia, the father of her coming baby.



Hindi na maawat ang pagsasalita ng young actress-singer na si Jennylyn Mercado tungkol sa estado ng relasyon nila ni Patrick Garcia, ang ama ng kanyang dinadala. Namugto ang mga mata ni Jennylyn pagkatapos kumpirmahing hiwalay na sila.

Nakarating agad kay Patrick ang pagpapa-interview ni Jennylyn sa mga TV crew kahapon, February 20, sa Friday's restaurant sa may Hotel Rembrandt. Tinawagan daw ni Patrick si Jennylyn, pero dinedma ng young actress ang tawag ng young actor. Nagpasiya rin si Jennylyn na magpalit ng SIM card para maputol na ang komunikasyon nila ni Patrick.

Hinaing ni Jennylyn, simula raw nang mabuntis siya ay wala siyang nakukuhang suporta kay Patrick, emotionally and financially, kundi stress lamang.

"Magbuhat nang magbuntis ako, wala naman siyang ginagawang effort para sa akin at sa magiging anak niya," bungad ni Jennylyn nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng kanyang interview.



Bakit hindi niya kinausap si Patrick na ayusin ang relasyon nila?

"Ilang beses ko nang ginawa ‘yon," sagot niya. "Ilang beses kong sinabi na huwag niya akong iwan. Sobrang na-disappoint ako. Wala na akong makita sa kanya. Umiiwas siya. Kahit magkasama kami nung Valentine's Day, wala naman kaming napag-uusapan.

"Kung kailan ko siya kailangan, saka siya nawala. Hindi ko kailangan ang financial support. Ang kailangan ko ay love, care, at emotional support. Dapat siya na ang lumapit. Ilang beses na akong lumapit," pagtatapat niya.

Bakit sa telebisyon sila nag-uusap? Bakit ito ang ginagawa nilang medium para makapag-usap?

"Hindi kasi kami nag-uusap. Bago pa ang situwasyon na ito, lumayo na siya. Ganoon na siya, malayo na siya. Wala siyang maidadahilan sa akin dahil wala siya. Ni hindi niya nakikita yung malilit na pangangailangan ko," pahayag ni Jennylyn.

Maliit pa rin ang tiyan ni Jen kahit mahigit na siyang three months pregnant. Hindi mo iisiping buntis siya kung hindi mo alam. Tanong daw tuloy ni Patrick noong huli silang magkita, "Is the baby still there?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PATRICK'S INTERVIEW. Ang labis na ikinasama ng loob ni Jennylyn ay nang mapanood niya last Sunday, February 17, si Patrick sa The Buzz, kung saan tinanong siya ng kanyang reaksiyon tungkol sa tsismis na hindi siya talaga ang ama ng ipinagbubuntis ng kanyang girlfriend.

"No comment" ang sagot ng aktor.



Bukod dito, tinanong din si Patrick kung sakaling isang araw ay malaman niyang hindi siya ang ama ng baby. Ang sagot na naman ng aktor, he will take the responsibility daw till someone comes along para umako.

"Wala siyang tiwala. Masakit para paghinalaan niya ako. Panindigan nila ‘yan, basta akin ang bata. Parang ano ba ang tingin nila sa akin? Bakit may ganyang issue?" deklara ni Jennylyn na umiiyak.

"Parang ang pangit na nagdududa sila, ‘tapos biglang aaminin na sa kanila. Siyempre, nasaktan na kung sino ang nasaktan...ang pangit, e. Kung ganun din lang pala, wala na rin tayong dapat pag-usapan pa. Live your life and I will live my life.

"Wala siyang...ayokong sabihin. If you're man enough naman na puwede mo namang sabihin kung sigurado ka, ‘Sa akin ‘yan.' Pero kung hindi ka sigurado, sasabihin mo ‘no comment' o puwede mong sabihin na hindi mo alam. Pero kung alam niya naman na siya ang tatay at alam ko naman sa sarili ko kung sino ang tatay nito...ako, sigurado ako, e!

"Ang ine-expect ko sanang marinig sa kanya is sabihin niya yung totoo. Alam niya na sa aming dalawa ito. Puwede naman niyang sabihin nang diretso na siya ang ama at wala nang dapat pang pag-usapan because yun naman ang totoo," hinaing ni Jennylyn.

MARK HERRAS. May mga nang-iintriga na ang dating boyfriend ni Jennylyn na si Mark Herras daw ang ama ng dinadala ni Jennylyn. Ano ang masasabi ng young actress dito?

"Kawawa naman yung tao [Mark]. Wala siyang kamalay-malay. Ang tagal na naming wala. Bale three years na kaming split. Hindi masyadong nagkakausap, nagte-text-an tapos idadamay. Unfair naman sa tao," pagtatanggol ng young actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tahasan ding sinabi ni Jennylyn na walang katotohanan ang tsismis na si Mark ang ama ng kanyang dinadala. Lalong hindi rin daw totoo ang napabalitang magkasama sila sa isang hotel noong December 2007.

"Yung sinasabi pa lang nila na dates na sinasabing nakita kaming magkasama, iba-iba, hindi consistent. May December 4, 6, 8, 10, 11... So, dun pa lang, alam mo nang hindi totoo," bulalas ni Jennylyn.

BECKY-BING CONFRONTATION. Sa ngayon ay mabigat na mabigat ang loob ni Jennylyn sa nangyayari, lalo pa nga't last Monday (February 18) ay nagkaroon pa ng confrontation sa pagitan ng kanyang manager na si Becky Aguila at ang ina ni Patrick na si Mrs. Bing Garcia.

Ayon sa kuwento ni Jennylyn, may pinapipirma raw kasi sa kanya ang mommy ni Patrick last Monday na insurance and education plan para sa kanyang baby. Hesitant ang young actress sa pagpirma dahil fresh pa sa isip niya ang napanood na pagdududa ni Patrick last Sunday sa The Buzz, kaya tinawagan niya ang kanyang manager para pumunta sa lugar.

Kaagad naman daw dumating si Becky at nag-usap sila ng ina ni Patrick na humantong sa isang heated argument. The manager pointed out na ang mas kailangan daw ni Jennylyn at this point ay ang presence ni Patrick kesa sa anumang pinansiyal na bagay. Pero ang isinagot daw ng ina ni Patrick ay hindi raw niya ‘yon magagawa dahil hindi niya hawak ang isip ng kanyang anak.

Habang nagkakakaroon ng kumprontasyon ang dalawa ay tahimik lang daw na umiiyak si Jennylyn, hanggang sa nasisi pa raw siya ng ina ni Patrick sa mga naglalabasang balita.

SINGLE MOM. Ngayon ay desidido na raw si Jennylyn na buhayin na lang mag-isa ang kanyang anak. Mercado raw ang magiging apelyido ng kanyang baby at pipilitin daw niyang palakihin ito nang maayos.

"Gusto ko na maging masaya alang-alang sa magiging baby ko. Ayoko nang umiyak. Gusto ko nang magtrabaho. Gusto kong mag-move on," sambit ng young actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Dagdag ni Jennylyn, "Hindi na ako naglilihi kaya hindi na ako masyadong maselan. Ready na akong mag-work ulit at kailangan kong mag-work para sa baby ko at sa family."

Ano naman ang mensahe niya kay Patrick, na napabalitang pupunta ng Amerika para mag-aral ng filmmaking?

"Good for him para matupad ang dream niya. Sana ay may chance na magbago siya. Maging responsible. Hindi worth it si Pat sa lahat ng ginawa kong pagsasakripisyo, pero worth it sa baby ko," makahulugang pagwawakas ni Jennylyn.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN