Jodi Sta. Maria is not bothered by reviews saying she acts better than Kris Aquino

"Hindi ko naman siguro kailangang mailang kay Kris," answered Jodi Sta. Maria when asked what she felt about reviews saying her performance in Patayin sa Sindak si Barbara was better than lead star Kris Aquino's acting.


Nadatnan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si JodiSta. Maria na nasa masayang mood sa taping ng Palos noong Miyerkules ng gabi, February 20, sa isang warehouse saSandoval Street, Pasig City. Maganda raw kasi ang takbo ng buhay ng aktres sapanahong ito.

"Nagsimula kasi ‘yan last year pa, sa Calla Lily,then, nasundan ng Walang Kapalit, Patayin sa Sindak si Barbara,at ito ngang Palos. Sa Kung Fu Kids nga, meron din akong role,kaya napapanood ako nang madalas lately," banggit ni Jodi.

COMPARED WITH KRIS. Sa katatapos na Patayin sa Sindak si Barbara, some reviews favoredJodi's performance over Kris's portrayal. Ano ang nararamdaman ni Jodi tungkoldito?

"Hindi ko naman siguro kailangang mailang kay Kris," sagot niya. "Teamwork angnangyari sa Barbara, and Kris did a very good job. Let's face it, maspinanood naman ang Barbara dahil kay Kris, dahil siya ang bida doon, andwe just supported her.

"Huwag sana kaming intrigahin ni Kris, kasi even during thetime na nagte-taping pa kami, naging very close kami. Lagi kaming nag-uusap.Ka-text ko siya palagi, and she even sends me nice messages up to now.

"Walang magkakainteres nang ganoon sa Barbara kung wala doon si Kris. Wemust admit the fact na kapag Kris Aquino sa isang horror na palabas, click samga tao. Hindi dapat intrigahin," sabi ni Jodi.


Sa mga ganitong pagkakataon, habang nariyan ang opportunities, nagtatrabaholang daw talaga nang matino si Jodi. Hindi niya raw kailangang magpakakontrobersyal.

"Very nice si Kris. Sobra!" bulalas ni Jodi. "Parang sister nga siya sa akin.Dumadalaw siya sa place ko, ako rin sa place niya, and we talk a lot.

"Ang dami kong natututunan kay Kris, kaya gusto ko siyanglaging kausap. We talk about almost everything. Food, family...very wide angknowledge niya, kaya may naise-share talaga siya."

MARITAL TROUBLES? Nagpapaka-active daw si Jodi sa showbiz dahil sinasabing hindi raw kagandahanang takbo ng married life nila ni Pampi Lacson, anak ng senador na si PanfiloLacson.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko nga maintindihan kung bakit hindi mamatay-matay ‘yang isyung ‘yan nahindi naman totoo," natatawa na lang si Jodi. "Kasi, noon pa ‘yan kumakalat. Pero, hanggang ngayon, heto ako at happilymarried. Recently, na-interview ako ni Ricky Lo, my gosh, yun din ang tinanong sa akin.

"Just like any other couple, hindi palaging smooth ang relasyon namin ni Pampi.Pero hindi naman to the point na nag-aaway na kami at hindi nagkakasundo. Normal sa relationship ang tampuhan, lalo na sa mag-asawa. Pero kami niPampi, hindi naman kami umaabot sa point na talagang nag-aaway na. There's notruth to such rumors," paglilinaw ni Jodi.

AWARD INTRIGUE. Mahusay na artista si Jodi, kaya isa kami sa na-shock nangmakaladkad ang pangalan niya sa dayaan sa isang award-giving body, na kesyo maynaglakad daw para sa sana'y award for her, na napunta kay Sunshine Dizon.

"Sa totoo lang, matagal nang isyu 'yan, at ayoko nang pag-usapan dahil walangmagagawang tulong ‘yan sa pagkatao ko," medyo mariing sabi ni Jodi.

Patuloy niya, "Hindi ako puwedeng maapektuhan, kasi malinis naman angkonsensiya ko, at never akong makikipag-usap o magbabayad para lang magka-awardako. Tama na sa akin yung nomination sa Walang Kapalit, at ginawa ko rinkasi ang lahat ng makakaya ko para mapaganda ang performance ko roon."

Naging policy na ni Jodi sa trabaho ang galingan at gandahan ang bawatpagkakataong ibinibigay sa kanya.

"With or without the recognition, basta sa pakiramdam ko, naibigay ko angmagagawa ko, happy ako. Bonus na lang yung napupuri ako, o nominations.

"Sa totoo lang, ‘yung isyung ‘yan, maaapektuhan lang ako kung mayroon akongginawang masama. Wala nga akong ginagawa, ‘tapos may ganyan. Kung anuman ang opinyon ng iba, wala na akong magagawa pa doon," nasabi nalang niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN