Bianca Gonzalez happy just to be friends with ex-boyfriend Lino Cayetano

"Hindi nga kami nagkabalikan pero it'sa nice thing na magkaibigan kami ulit," declares Bianca Gonzalez when asked about the real score between her and Director Lino Cayetano (inset).


Humupa na ang pamamaga ng pisngi ni Bianca Gonzales. Medyonamaga kasi ang pisngi niya nang makausap namin siya sa dressing room ng EntertainmentLive! last Saturday, February 16, dahil nagpabunot siya ng kanyang wisdom tooth last week.

"Yeah, kaya nasabahay lang ako the whole day nung Valentine's Day. So, I was with my family that day," simula ni Bianca nang muling kumustahin ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

POST-VALENTINE QUESTIONS. Dahil Valentine's Day noon, tinanong tuloy namin kung may nagpadala ba ng bulaklak sa kanya?

"Wala, pero ako ang nagbigay ngbulaklak. Binigyan ko ng bulaklak ang mommy ko last Valentine's Day. Peroako, walang natanggap," tila may hinampo pang sagot nito sa amin.

Uuy, meron kaya siyang taong na-miss dahil Valentine's day?

"Yung kuya ko," hindi namin inaasahang sagot niya. "But in fairness, nag-greet naman kami saisa't isa."

Hearing this, diniretso na namin siya kung binati rin ba niya ang ex-boyfriend niyang si Lino Cayetano? Balita kasing nagkakamabutihan ulit sila matapos makipag-break ni Direk Lino kay KC Concepcion.

"Nag-greet-an din kami nungValentine's Day. Bongga!" May halo pang pagbibirong sagot nito sa aming palusot na tanong.

Hindi ba't nasa Norway si Direk Lino that day?

"No, he's in New York na nungValentine's Day," pagwawasto ni Bianca.



KC QUESTIONS. Related pa rin kay Direk Lino ang sumunod na tanong namin kay Bianca. Napanood ba niya ang first TV drama appearance ng ex-girlfriend na rin ni Direk Linona si KC Concepcion sa Maalaala Mo Kaya?

"No," may lungkot sa boses na pahayag ni Bianca. "But I saw the plug. I wasn't home, e."

Although walang pormal na inamin sina KC at Direk Lino, marami ang nagpalagay na naging magkasintahan ang dalawa, lalo na nang i-announce ni Sharon Cuneta sa birthday concert niya na single na uli si KC, kasabay ng mga tsismis noon na naging mag-on at break na nga ang dalaga ni Mega at si Direk Cayetano. Aware ba siyang naging mag-on nga ang dalawa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"That, I don't know. You have to updateme," birong sagot niya sa amin.

"YOUTH-YOUTH."Wala raw talaga siyang alam na showbiz news for almost a week dahil nasa bahay langsiya.

"Actually, today is my first day to goback to work after ako magpabunot. Almost one week akong nag-rest because ofthis. Kanina nagpunta ako sa party ng mga 'youth-youth.' ‘Tapos later, meronpa uli. So, tinodo ko na ‘yung mga 'youth-youth' appearances ko," kuwento ng co-host ng Y Speak sa Studio 23.

Bukod sa favorite host si Bianca sa mga youth forums sa iba't ibang universities, may sarili rin siyang foundation para sa mga bata. We asked her about it.

"Ah, every Christmas and during my birthday, ginagawa ko ‘yung pagsi-share samga bata. So, every December and March 11 yun. Hindi siya foundation, actually.Basta, I call it lang na may project.



"Basta kapag may tinabi ako na mga savings, bumibili ako ng schoolsupplies for the kids. Pinaplano ko pa sa birthday ko kung ano naman anggagawin ko for my project," bida pa niya.



GOING BACK TO LINO. Matapos na makinig sa mga plano niya about her "project," binalikan namin siya ng mga tanong tungkol pa rin kay Direk Lino. So, kumusta na ba talaga sila?

"Hindi nga kami nagkabalikan, pero it'sa nice thing na magkaibigan kami ulit," sagot niya.

Pero possible ba na maging sila ulit ni Direk Lino?

"Ask me a few months from now, makakasagot na ako," ani Bianca. "‘Yung relationship, parang napaka-big deal niyan. Hindi naman siya basta-basta. No pressure. Magaan lang nacatching up. Peaceful na masaya. Maybe in time, mapag-uusapan. Pero as ofnow, wala talaga."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN