Maureen Larrazabal says fierce network battle is good for artists and viewers

"Kung may kumpetisyon, pinapaganda mong mabuti, inaayos yung acting athindi puwede yung basta-basta na lang at okay na ‘yan. So, healthytalaga 'yan hindi lang para sa mga artista, kundi para sa televiewersna rin," opines Maureen Larrazabal.



Sa patuloy na pagtindi ng network war sa pagitan ng ABS-CBN at GMA-7, ang mga artista ng dalawang giant networks ay either naiipit o talagang nagpapakita ng loyalty sa kanilang respective TV stations.

Isa si Maureen Larrazabal sa inalok na mag-guest noon sa shows ng Kapamilya network, subalit nagpasyang tanggihan ito upang ipakita ang pagpapahalaga sa kanyang mother network (GMA-7), kahit pa ang kontrata niya rito ay per show basis lamang.

"Hindi na kami allowed ngayon. Actually, nagpaalam ako kung puwede sa Wowowee at sa Bahay ni Kuya [Pinoy Big Brother], ‘yon, pero hindi na talaga kami allowed. ‘Tsaka respeto mo na lang kasi ‘yon sa network mo, lalo na ngayon na mainit talaga yung battle ng dalawang TV networks," paliwanag ni Maureen sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Idinagdag pa ni Maureen na ayaw niyang pasamain ang loob ng network na nagbigay sa kanya ng opportunity na magkaroon ng career sa TV.

"Para kasing anak ka, so bakit ka naman gagawa pa ng isang bagay na ikakasama pa ng loob ng mga magulang mo, lalo't inaalagaan ka naman nila nang husto?

"Siguro puwede naman talaga kapag nagpaalam ka nang maayos, e. Kaya lang minsan, hindi ba, papayag ka for the sake na pinayagan ka nga, pero deep inside, baka ma-offend ko pa sila e. So, huwag na lang."

WILLING TO WAIT. Paano kung mag-offer ang ABS-CBN na talagang magandang kontrata kumpara sa per project basis niya ngayon sa GMA-7?

Sabi ni Maureen, "Dapat siguro kapag ganyan, kausapin ang mga bossing ng GMA dahil baka may plano rin silang mas maganda para sa iyo. Pero sa akin kasi, it will not hurt if you're going to wait. Nasanay na kasi ako, yung patience ko na-test na sa ganyan. Ang dami kasing nang-iintriga na bakit ganito, dati binigyan ka ng starring role hindi mo tinanggap, na kesyo bakit hanggang diyan ka lang?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Katwiran ko kasi, ang dami nang dumaan na mga nakasabay ko na sumikat nang todo at ang dami na rin ang nawala. Pero ako, nandiyan pa rin ako, hindi nawala. Trabaho ang gusto ko, e, siyempre maganda rin kung may fame, sino ba naman ang ayaw nun? Pero mas pipiliin ko yung stable, yung nakikita ako, visible ako. Kesa naman biglang sikat tapos ay biglang lubog o biglang mawawala sa eksena."

Palagay niya ba ay mabuti ang matinding competition ngayon sa TV?

"Actually, it's very healthy dahil doon mo ibibigay ang best mo palagi," sagot niya. "Doon ka magpupursige pa para sa mga taong tumatangkilik sa inyo. Kasi kung magiging lax ka, wala kang kalaban at walang kumpetisyon. Ang tendency ay gawa ka na lang nang gawa kahit na ano. Pero kung may kumpetisyon, pinapaganda mong mabuti, inaayos yung acting at hindi puwede yung basta-basta na lang at okay na ‘yan. So, healthy talaga 'yan hindi lang para sa mga artista, kundi para sa televiewers na rin."

Priority niya ba lagi ang GMA 7?

"Oo, siyempre!" mabilis na tugon ni Maureen. "I am proud to be Kapuso, very, very proud.

ARA MINA. Nami-miss ba ng grupo nila sa Bubble Gang si Ara Mina? Sa palagay kaya niya ay posible pang bumalik ito sa naturang gag show after her stint sa Prinsesa ng Banyera ng ABS-CBN?

"Hindi nga namin masyadong nami-miss si Ara, e. Kasi lagi namin siyang nakikita at nakakausap. Like noong birthday ni Ms. Camille [EP ng Bubble Gang] ay nandoon siya.

"Sa amin naman, walang problema si Ara. She's very humble, very nice person, very professional, okay siyang katrabaho. Wala kaming grudges, walang bad blood. Anytime na babalik siya, welcome siya. Actually, sabi ko nga, dumadalaw siya sa amin kaya nakakausap namin siya every now and then. Kasi nga, ang samahan namin ay hindi lang siya co-worker, kaibigan na rin na every time matatawagan mo kapag may problema ka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May nagsabi, on leave raw si Ara, kaya kung on leave siya, anytime ay puwede siyang bumalik. Wala naman siyang kapalit," pahayag ni Maureen.

FROM COMEDY TO DRAMA. Ayon pa kay Maureen, nagpapasalamat siya sa GMA-7 dahil mula sa pagiging komedyante sa Bubble Gang ay binigyan siya ng opportunity na makapag-drama.

"Nagsimula ito sa mga soap na panghapon ni Yasmien Kurdi at ngayon nga ay nasa primetime na rin ako. Kasama ako rito sa Kamandag at kontrabida ang role ko rito.

"Happy akong maging kontrabida, although noong una ay hirap na hirap akong umiyak. Nasanay kasi ako na patawa lang nang patawa, so wala kang paghuhugutan. Kaya sa unang iyakan scene ko, nabigla ako na ngayon na ay kailangan kong umiyak.

"So, lahat na yata ng malalapit sa akin ay inisip kong namatay na para maka-iyak ako, pero ayaw pa rin. Until finally, naiyak na rin ako, siguro dahil sa takot na baka ma-judge ako ng mga tao. Baka sabihin na inilagay pa ako sa drama, hindi naman pala marunong umarte," nangingiting kuwento ni Maureen.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN