Lore Reyes returns to movie directing via "Ate"


Matapos ang sampung taon, nagbabalik sa pagdidirek ngpelikula ang batikang direktor na si Lore Reyes sa pamamagitan ng Ate, ang unang production venture ngactress na si Ara Mina sa kanyang A-Mine Productions.

"Ang sarap ng feeling na makapagdirek muli sa pelikuladahil mahigit sampung taon din, ‘di ako nakagawa ng pelikula as a director. Angtagal ko rin naman nagdidirek sa TV pero sa TV, you can do so much kaya sobrangsarap again to work sa pelikula," pahayag ni Direk Lore sa PEP (PhilippineEntertainment Portal) sa presscon ng naturang pelikula na ginanap kahapon ng tanghali, February 22.

Flattered si Direk Lore na siya ang napili ng aktres tobe at the helm of Ara’s first venture as a film producer.

“Gusto raw niya ang style ko. Hindi kasi ako matsika sa set.Hindi ako nagsasayang ng oras at hindi ako nale-late. Alam ko na type niyatalaga ako so hindi naman ako nagulat, but I was flattered that she offered itto me.

"Medyo natakot nga lang ako kasi malaking pera ang ilalabas niya. Kahitna sabihin pa natin na indie style ang pagkakagawa namin ng movie, kasi may mgabagay kaming tinipid. Sinabi ko rin kay Ara na mag-decide na siya if she wantsto release the film as a mainstream project," pahayag ng direktor.

Kahit na-label na indie film itong Ate, hindi naman daw ito ang tipo ng pelikula na gugustuhin langniya na umikot sa mga film festivals abroad. Pinagbuti raw talaga angproduction values ng pelikula at topnotch din ang acting ng mga artista.

In a way, maituturing na Ateis an indie project. According to Direk Lore, their budget did not allow themto pay the stars their usual industry rate. Tinawaran nila ang talent fees,hindi lang mga artista, kundi pati na rin ng ibang taong involved saproduction.

“Pero sa production values, hindi ito indie. Kasi sa Optimakami nag-grading, sa Opticolors nagpagawa ng print. Ngayon, hindi na ito indie.Tuwang-tuwa nga ako kasi nagustuhan ito ng SM, enough for them to offer ourmovie a slot. Sabi ko nga kay Ara, malaking bagay iyon para sa pelikula namin,”paliwanag pa ng direktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman sila basta-basta nag-o-offer ng ganyan saTagalog na pelikula. Even with American films, they [SM] rarely offerexclusives. I am really flattered when I learned that SM expressed interest inour movie."

Inamin ni Direk Lore na malaking challenge para sa kanya ang project na ito. At dahil sa matagal-tagal na rin siyang hindi gumagawa ng pelikula, nakaramdam daw talaga siya ng kaba.

"Para akong mamatay sa nerbiyos. Ang pinakamalakingapprehension ko, ang tagal ko na kasi hindi nagdidirek ng pelikula. Alam monaman sa TV, you hardly direct your actors. TV factor iyan, eh. Sige blockingka…’Pag may bata kang artista o may baguhan ka, saka ka lang makakapagdirek.Pero ‘pag may mga beterano, sige na…halos 'di ka na makadirek," kuwentoniya.

Pero iba raw kapag pelikula.

"Nagkaroon talaga ako ngself-doubt. Kaya ko pa bang gumawa ng pelikulang matino? Iyon ang tanong ko sasarili ko. Sa first day ko, I was really nervous. Hindi ako nakatulog the nightbefore. Hindi talaga ako nakatulog dahil sa nerbyos, pero okay naman angkinalabasan.

"Pero sa cast ko, wala naman akong kinatatakutan nahindi sila makakapag-deliver. Hindi ko pa nakatrabaho sina Paolo [Paraiso] atCristine [Reyes] although I handled her sa StarstruckPlayhouse, eh, ano ba naman lang iyon? Pero dahil nag-workshop kami, nawalaang apprehension ko about the cast."

Pinilit daw ni Direk Lore na mai-cast si Paolo. Alam dawniya na Paolo got bad reviews in his past films. Pero dito sa Ate, wala raw dudangmakakabawi si Paolo sa mga bad reviews na natanggap niya before.

Pinuri rin ni Direk Lore si Cristine. "Honestly, she's one of the most naturally gifted naartista. Sana nga lang hindi siya makahon because she has a sexy image. Sanamagamit niya ang craft niya nang maayos. Grabe siya sa talent. Matalino kasi.Konting instructions mo lang, nakukuha na niya agad. Naiintindihan niya angconcept. She doesn't act. Hindi niya kailangan na umarte. Pasok na pasok siyasa karakter niya. Kaya niya kahit ang mabibigat na eksena, and I amamazed sa performance niya. Napapaiyak niya ang staff sa husay niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba sinapawan ni Cristine si Ara sa mgaeksena nilang dalawa?

"Paano mo naman sasapawan si Ara, eh, napakalakas ngpersonality niya. At saka magaling si Ara. Para lamunin mo si Ara, sangkatutakmuna na bigas ang kakainin mo. Sa totoo lang, nakakatakot ang chemistry ngmagkapatid because they played their roles for real. Natakot ako, parang totoona ito. Ang gagaling talaga nila."

Pero pinakamalaking surpresa raw ng pelikula si Cristine,considering na wala pa naman daw ito masyadong naipapakita in terms of actingability. Saludo si Direk Lore sa husay na ipinamalas ni Cristine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN