Say Alonzo on kiss-mark issue: "Kagat ng lamok!"

Say Alonzo has been single for quite some time now. Her last publicized relationship was with co-housemate JB Magsaysay in 2006. The Pinoy Big Brother alumna says she wants to focus on her showbiz career.


Hindi maikakaila na maraming kontrobersyang nangyari nitongnakaraang Nivea Challenge na ginanap sa Pearl Farm, DavaoCity, noong January 24-27. At isa nga si Say Alonzo na hindinakaligtas sa mga isyu dahil napabalita naman na sobrang visible rawang mga kiss marks niya sa leeg.

At ang itinuturong dahilan ng mgakiss marks na yun is a certain guy named Jon Herrera, na napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na isa palang DJ saEmbassy Bar and, at the same time, part-owner din daw ng naturang club.

Nang makausap ng PEP si Say kailanlang, itinanong namin agad sa kanya ang katotohanan sa likod ng kiss-mark issue.

Aniya, “Alam n’yo, hindi ko alamkung saan nag-start yan, eh. Maputi ako, kinagat ako ng lamok, ano ang magagawako?” ang natatawa niyang sabi.

Dagdag pa niya, “Seriously, yun talagaang totoo. Pati saarm, meron siya! At saka, hindi lang ako ang may kagat ng lamok, marami kami,nakakatawa talaga. Kahit sa TV Patrol, ipinakita ko nakapag kinurot mo lang ako ng konti, magkakaroon na agad ng red na mark."

Nanindigan si Say na nag-enjoy lang siya sa Pearl Farm at walang ginawang masama.

"Nakakatawa kasi, sa Nivea naman, we had a lot of fun in Pearl Farm. Sobrang saya ro’n at natutuwa ako dahil pangalawang beses ko nang sumali para sasportsfest nila. At saka, single naman ako, wala akongginagawang masama. Nakakatawa na may mga ganyang isyu na kiss mark and everything…at talagang akopa talaga ha? Nakakatawa lang talaga dahil pati ang mga kaibigan ko, nagtawagansa akin. They are saying, ano ba yang kiss mark thing na yan?” kuwento ng dalaga.

At halimbawa man na nagkaroon nga siya ng kissmark, hindi raw niya ipapangalandakan iyon.

“Kumbaga, kung maynangyaring ganyan, ang tanga-tanga ko naman! Bakit naman, ipo-flaunt ko pa infront of everyone kung talagang kiss mark siya? Eh, hello…I love make-up,eh, ‘di dapat,nag-concealer ako. Kung talagang kiss mark siya, dapatnakatago siya,” aniya pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napansin ng PEP na habang kausap siSay, hindi nito binabanggit ang name ng guy. Katuwiran niya, wala siya saposisyon na magsalita for the guy.
Nahihiya rin daw siya na nadadawit ang pangalan nito sa kiss-markisyu.

Pero ano at sino nga ba sa buhay niya si JonHerrera? Puwede kayang sabihin na ang naturang DJ ang specialguy sa buhay niya ngayon?

“He’s afriend of mine. Actually,we’re schoolmates in C.S.B. [College of St. Benilde]. And he’s one of my goodfriends.”

Ibig ba niyang sabihin, there's nothingreally romantic between the two of them despite the fact na ito ang lalakinginiugnay sa kanya?

“Something romantic? Wow! Ito angmahirap kapag nagiging close mo ang isang tao with the opposite sex, parang maysomething na. Pero with this guy, he’s a friend. Walang halong ka-showbizan, he’s a friend,” ang diretsahan niyang sagot.

Lastly, PEP asked her about the status of her lovelife.

“Ako? Single ako. Single and workmuna kasi, ano eh, kapag nagkakaroon ako ng lovelife parang nadi-distractako. So ngayon, ang priority ko, work. Gusto kong magkaroon ng maramingwork, 'yung hindi na ko makakatulog para hindi ko na maisip na wala pala konglovelife,” natatawa pa niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN