PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jake Cuenca inspired by achevements of "Palos" co-star Cesar Montano

The Palos star is set to prove he deserves the breaks he has been getting from ABS-CBN.
by Archie de Calma
Published Feb 25, 2008
With all the big projects given to him by the Kapamilya network, Jake Cuenca strives to be better at his craft and to serve as a role model. His success has a lot to do with hard work.

Nagbabalik ang character ni Roxanne Guinoo sa Palos, kaya umiinit muli ang usap-usapan na baka naayos din ang mga gusot sa pagitan nila ni Jake Cuenca.

Naging maugong kasi ang bali-balita noon na masyado raw selosa itong si Rox, ang palayaw ni Roxanne, at pati nga si Bangs Garcia na nakasama ni Jake sa ilang maiinit na eksena sa nabanggit na ABS-CBN action series ay pinagselosan din daw niya.

"Okey naman sila at nag-uusap," ang sabi ni Jake. "At saka hindi kami nag-aaway ni Rox. Ewan ko kung bakit ang feeling ng iba, nagseselos si Rox kay Bangs, o kahit sa ibang girls."

Nang usisain ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang estado ng relasyon nila ni Roxanne, binanggit ni Jake ang kakaibang closeness nila ng dalaga.

"Walang halong bola itong sasabihin ko. It's not that my world now revolves just around Roxanne, but it's more of getting most of my inspiration out of our closeness. Yun lang ang masasabi ko," dugtong pa ng binata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aminado si Jake na kung minsan, nagkakaproblema sila ni Roxanne. Hindi raw ito maiiwasan sa dalawang taong very close, but they see to it na inaayos nila agad yun.

"Kaya nasasabi kong hindi kami nag-aaway," Jake points out. "Ang masasabi ko lang, nagkakaintindihan kami ni Roxanne."

Sabi pa ni Jake, he doesn't believe in putting up a front, lalo na sa kanilang dalawa ni Rox. Ang mga nangyayari ay tipong mga adjustments lamang.

"Hindi naman puwedeng kung ano lang ang gusto ko. I just have to hear her side also. Iniintindi ko yun. Nag-uusap kami, kaya kami lang ang nagkakaintindihan doon. So, we don't have to further explain," nangingiting banggit ni Jake.

Pero talaga bang pinormahan niya si Bangs?

Ang sagot ng Palos star, "Professional lang ang namamagitan sa amin ni Bangs at ng ibang female stars na nakakatrabaho ko. That's all I have to say. I don't have to deny that, kasi alam 'yan ni Bangs, na hindi ko talaga siya pinormahan."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hanggang ngayon ay may mga kumukuwestiyon pa rin sa pag-angat ng career ni Jake sa ABS-CBN at sa pagkakaroon niya ng malaking breaks from management, ano ang masasabi niya ukol dito?

"Hindi ko na lang pinapansin. I'm used to that. Yung iba nga, nagdyu-joke. Lahat na lang daw ng shows sa ABS-CBN, naroroon ako, of course not!

"With just Palos, I am full-handed already. Hindi na kakayanin ng katawan ko ang isa pang regular show na madugo ang taping. With this action series, it has been eating up much of my time already. Three times a week ang aming taping," tuloy-tuloy na nasabi na lang ni Jake.

Kung hindi pinaghandaan ni Jake ang stardom, kahit ibinigay diumano sa kanya ang plum role sa Palos, baka sa kangkungan din siya pulutin.

"Hindi ko kailangang kumabit sa kung sino, para lang sa break na puwedeng maibigay sa akin. Hindi naman ako nagyayabang or what. But I wasn't raised by my parents to do just that, to achieve something...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nagtiyaga ako kasi...I was barely 15 when I started it out in showbiz. Kung anu-ano lang ang ginagawa ko, waiting for the right break. Lloydy [John Lloyd Cruz] took him ten years before making it big.

"Piolo has to go back to the U.S. to contemplate on whether to pursue his career here. It took him some time to make a decision, and when he came back, that's the only time that he made it.

Para kay Jake, tiyaga at pagseseryoso sa career ang makapagpapaangat sa katayuan ng isang artista sa showbiz.

"I gathered, experience first. Palagay ko, yun ang dahilan kung bakit maganda ang naging resulta. So far, natutuwa ako sa feedback na natatanggap namin sa show, and how I am delivering," nangingiting dugtong pa ni Jake.

Sa ngayon, ang tingin ni Jake sa mga breaks na ipinagkakaloob sa kanya ay blessings. At gusto rin niyang magsilbing isang role model sa iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ever since naman, I'm trying to be one," aniya pa. "I'm not perfect, pero laging ganoon. Kahit pinagbubutihan mo na, marami pa rin ang gustong humila sa iyong paibaba.

"I am just determined to be myself, and people have to accept me for what I am, despite my attempts of becoming better. Pinagbubutihan ko na lang ang trabaho ko para maging deserving sa ibinibigay na break sa akin," sabi pa ng aktor.

Sa ganitong pagkakataon, nai-inspire siya ng achievements ng kanyang co-star na si Cesar Montano.

"Si Kuya Buboy kasi, despite all those intrigues and controversies, nariyan lang palagi because he has built that kind of respect sa klase ng trabahong nagagawa niya.

"Sa bandang huli, roon ka naman susukatin, at kung gaano ka tatagal. It's because of your achievements, and not for anything else. Siyempre, kailangang okey ang attitude mo sa trabaho.

"Pero, ang bottomline d'yan, like what Kuya Buboy did, nakapagdirek siya ng magagandang films like Panaghoy sa Suba and Ligalig. He has acted in
several significant films like Jose Rizal, Muro-Ami, and Bagong Buwan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"In that manner, alam kong mahirap ma-achieve yun, pero I will try my best na sa katagalan, maabot ko yun, kahit kalahati man lang," pahayag ni Jake bilang pagwawakas.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
With all the big projects given to him by the Kapamilya network, Jake Cuenca strives to be better at his craft and to serve as a role model. His success has a lot to do with hard work.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results