Newcomer Bangs Garcia learning the ropes about showbiz intrigues

After Sam Milby denied having a brief romance with her, Bangs Garcia is now more careful when it comes to answering questions regarding the guys being linked to her. When PEP asked her about Jake Cuenca, the lady just keep her mouth shut.


Naayosna ang anumang problema sa pagitan nina Bangs Garcia at Roxanne Guinoo bago pa manmag-premiere telecast ang Palos.Nakita na silang nag-promote together sa ilang ABS-CBN shows at halatangnag-uusap na.

"Nagingawkward lang kami talaga dahil sa mga intriga," naipahayag ni Bangs."May mga nasabi siya, may mga nasabi ako. Ganoon na lang yun. Nag-usapkami at nagkaintindihan.

"Nangmagkita kami noon sa A.S.A.P. 08, nagkatawanan na lang kami. I think,that's just how showbiz goes."

Tinanongnamin si Bangs kung totoong pinormahan siya ni Jake at kung ito ang pinagmulanng gulo sa kanila ni Roxanne.

"Bakakasi kung magsalita ako, hindi naman pala yun ang ibig sabihin ni Jake. What Imean is, mahirap basta nagsasalita ng ganyan, lalo na't ako ang babae. Ako anglalabas na kahiya-hiya 'pag nag-deny ang lalaki.

"Ihave learned my lessons. Wala akong sinasabi, and I will remain that way,"natatawang sabi pa ng baguhang artista.

Obviously,ang binabanggit ni Bangs ay ang nangyaring pangde-deny ni Sam Milby sa kanya.

"Sinabinaman niyang exclusively dating kami noon, so yun lang yun," sabi niBangs. "Kung yun ang dating sa kanya, na walang commitment, yun naman yun.

"Saakin kasi, I don't think nag-deny si Sam. Iniintindi ko na lang dahil iba naang situwasyon niya ngayon. Nangyari pa yun before he entered Pinoy Big Brother.

"Iwas so busy then with Close Up 2 Fame.I was one of the finalists. Ipinaliwanag ko na yun, 'di ba? Ngayon kasi, isipinna lang natin, mayroon silang relationship ni Anne [Curtis], so inaasahan ko nalang na parang balewala na sa kanya yung exclusively dating na yun," kuwento ng dalaga.

Kahit baguhan pa lang si Bangs, namumulat na siya unti-unti sa totoong kalakaran sa showbiz.

Aniya, "Ganoonna lang. Ayoko nang palakihin ang isyu. Naiintindihan ko na at natuto na akonghuwag maunang magsalita kapag tungkol sa ganyang mga bagay ang tinatanong saakin. Ayoko lang kasi ng nagsisinungaling. Hindi ako sanay."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Medyo traumaticang unang pagsalang ni Bangs sa mga intriga. Itinapat siya kay Rox over Jake,hayun at dinenay-deny naman diumano siya ni Sam.

"Okeylang ako, hindi naman trauma. Pero, kailangang mag-ingat ako. Hindi lahat ngtotoo, would work favorable for me," depensa na lang ni Bangs.

Hindinaman talaga sinabi ni Bangs, in fairness to her, na nag-on sila ni Sam.Exclusively dating nga lang na inabot ng two months or even less.

"Hindiko na kasi matandaan pero totoong hindi inabot ng three months yun. Maiksingtime lang talaga dahil naging busy na ako, at ganoon din siya," lahad nglovely newcomer.

Kung sa kanyaraw ay walang epekto yun, pero sa mga nakakaalam tungkol sa real score sa kanila ni Sam, hindi maiiwasang magtaka o magtanong ang mga ito.

"Ayokonamang ipilit yun sa publiko, pero yung mga kaibigan ko at relatives nanakakaalam, ang feeling nila, ganoon lang yun? Balewala kay Sam yungexclusively dating na yun.

"Siguronga, ganoon na lang yun, and we just have to put it that way na lang, na walangnaging importance pala sa kanya yung phase na yun," pagkikibit-balikat niBangs.

So, ibigbang sabihin ay walang dapat ika-insecure si Anne sa kanya?

"Anonaman ang ikaka-insecure niya?" at natawa na lang si Bangs. "Eh, siyana nga ang gusto ni Sam, 'di ba? Ang sa akin ay napag-usapan lang naman.

"Neverna kaming nagkausap ni Sam since then. Ang huling text niya sa akin, noong bagomag-Christmas. He just wished me 'Merry Christmas.' Ganoon lang," at mulisiyang napangiti.

Angmahalaga, tuloy-tuloy ang exposure ni Bangs. Nagbunga ang kanyang pagsisikap at ngayon ay unti-unti na siyang nakikilala. Una, sa kanyang bagong image sa Palos, at tuloy ang pagpapa-sexy comedyniya sa Banana Split, isang bagonggag show na inspired from that comedy show of
yesteryears, Goin' Bananas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN