Singer-actor J-R Siaboc upfront in admitting past gay experience

From being a tambay in Cebu, Jay-R Siaboc is now one of the busiest young actors of the Kapamilya network. The Pinoy Dream Academy alumnus is serious about making it big in showbiz.


Pumalakpak kay Jay-R Siaboc ang maraming bading sa pag-aminnitong nagkaroon na siya ng gay experience. Hindi na lang nag-elaborate angsinger-actor sa amin nang kapanayamin ng PEP (PhilippineEntertainment Portal) sa set ng Palos sa may Sandoval Street, PasigCity.

"Ayoko namang magsinungaling, pero siyempre, yung ibangdetalye, hindi yata magandang ikinukuwento ko pa," medyo nadyaheng sabi ngbinata sa amin.

Pagtatapat pa niya, "Alam ng maraming tao ang pinagdaanan ko. Kung itatagoko pa ang tungkol doon, lalabas na sinungaling ako, at baka sabihin nilang yungibang nalalaman ng publiko sa akin ay puro kasinungalingan. Tanggapin na langsana nila kung ano talaga ako."

Sinabi nga ni Jay-R sa amin na dati siyang tambay sa Cebu City bago pa siya sumali sa Pinoy Dream Academy. Ang bahaging ito ng kanyang buhay ay nalantadna't walang dahilan para ikubli pa niya.

"Nanggaling nga ako sa banda, na masuwerte nangtumugtog ng tatlong beses sa isang linggo. Pero most of the time, wala talaga. Nakatulong din naman yun kahit paano. Roon konagawang makakanta, at sumali nga sa PinoyDream Academy.

"Kaya itong pagpasok ko sa showbiz, malaking adjustmentang ginawa ko. Kaya kung magsisinungaling ako na marami ang nakakaalam sasinasabi ko, baka kainisan pa ako. Ayoko namang may magalit sa akin," sambit ni Jay-R.


"May tsismis nga, may gay benefactor daw ako, na siyangsumusuporta sa career ko," nasabi ng binata.

"Hindi na bago ang ganyang balita tungkol sa akin.Kailangan ko pa bang magpaliwanag? Alam ko namang hindi totoo, at iniintriga nalang nila ako," tanging nasabi ni Jay-R.

Kapansin-pansin na mas nalilinya na sa actingcareer ang nakilalang singer.

"Mas nagugustuhan ko na rin ang acting," sabi paniya. "Naglabas na kami ng album ko, pero hindi masyadong nai-promote'yun. 'Tapos, nabigyan ako ng chance para umarte. Dumaming bigla ang projects ko."

Aware si Jay-R sa palagay ng marami na mas mahusay siyangaktor kaysa singer.

"Marami nga ang nagsasabi, marami ang nagsusulat,"aniya. "Natutuwa ako siyempre at nagpapasalamat. Pero, gusto ko pa ringkumanta dahil dito ako unang nakilala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko na maaalis sa sistema ko ang pagkanta. Pero,sa akting kasi, marami akong paghuhugutan ng emosyon. Sa Pinoy DreamAcademy na nga lang, sa workshops pa lang, marami ang nagsabi sa akin namay ibubuga nga raw ako sa akting.

"I must admit, nagagamit ko ang mga napagdaanan ko paramapahusay rin yung akting ko," banggit na lang ni Jay-R.

Paano kung paganapin siya ng sexy role?

"Ah, yung maghuhubad?" inosenteng balik-tanongniya sa amin. "Parang nakakahiya naman. Kasi, wala akong ipakikita. Pero, kung kailangan talaga, siguro, paghahandaan ko.Gaya rito sa Palos, nag-a-action ako rito, nag-aral kami ng martial arts at wushu bago kami sumabak dito.

"Ganoon din siguro, kung kailangang maghubad ako.Alam ko naman ang limitasyon ko, na hindi lalabas na bulgar. Pero kungkailangan talaga, siguro, mag-uumpisa na akong mag-gym ngayon pa lang."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN