ABS-CBN executives to be charged for ULTRA stampede

The Department of Justice will file charges of reckless imprudence resulting in multiple homicide and multiple physical injuries against the executives of ABS-CBN.



Nakatakdang magsampa ng mga kaso ang state prosecutors laban sa ilang opisyales at empleyado ng ABS-CBN Brodcasting Corp. kaugnay ng ULTRA stampede na naganap sa first anniversary ng noontime show na Wowowee noong February 4, 2006, kung saan 74 na katao ang namatay at marami pang iba ang nasaktan.

Ang mga kasong isasampa ng Department of Justice (DOJ) laban sa ilang executives ng ABS-CBN ay reckless imprudence resulting in multiple homicide at multiple physical injuries.

Ang desisyon na ito ay naganap matapos ibasura ng DOJ ang motion for reconsideration ng ABS-CBN upang pigilan ang paghahain ng criminal charges.

Kabilang sa sasampahan ng kaso sina ABS-CBN Executive Vice President Charo Santos-Concio, Senior Vice President Cory Vidanes, at ang Head of Security na si Cipriano Luspo.

Kasama rin ang staff ng Wowowee na sina Morly Stewart Nuevo, executive producer; Harold James Nuevo, assistant producer; Norbert Vidanes, director; Francisco Rivera, location manager; Mel Feliciano, assistant director; Jean Owen Garcia, floor director; Rey Cayabyab, assistant location manager; at ang Ultralink Goldlink Security Services, Inc.

Sinabi ng mga akusado, sa pamamagitan ng kanilang mga abogado, na hindi pa kumpleto ang premilinary investigation ng DOJ sa kaso.

Dinidinig pa raw kasi ng DOJ ang iba pang reklamo laban kina former Pasig City Mayor Vicente Eusebio, former City Police Chief Superintendent Raul Medina, at iba pang lokal na opisyales ng pamahalaan.

Sa pamamagitan ng tatlong pahinang order, sinabi ng DOJ na ang isinasagawang hearing sa ibang complainants at ang mosyon ng ABS-CBN sa mataas na hukuman ay hindi makapipigil sa pagsampa ng mga kaso.

ABS-CBN APPEALS. Matatandaan na noong January 29, 2008 ay ibinasura ng Supreme Court ang mosyon ng ABS-CBN na kumukuwestiyon sa resulta ng preliminary investigation ng DOJ kaugnay ng ULTRA stampede.

Ang desisyon na ito ng mataas na hukuman ay magbibigay daan para sa pagpapatuloy ng proceedings, na nangangahulugan na maaari na ngayong isampa ang mga kaso laban sa opisyales ng ABS-CBN sa mababang korte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa 22-page resolution na isinulat ni Associate Justice Conchita Carpio Morales, hindi sumang-ayon ang mataas na hukuman sa argumento ng petitioner na ang preliminary investigation ng DOJ ay "biased and unfounded."

Hindi rin sinang-ayunan ng mataas na hukuman ang opinyon ng petitioner na hinatulan na ni Justice Secretary Raul Gonzalez ang kaso sa pamamagitan ng mga pahayag niya sa media. Ayon sa resolution, ang mga pangambang ito ng petitioner ay "speculatory" lamang.

Hindi rin sumang-ayon ang mataas na hukuman sa claim ng petitioner na walang kapangyarihan ang justice department na magsagawa ng criminal at preliminary investigation nang sabay.

Base sa records mula sa mataas na hukuman, ang National Bureau of Investigation (NBI)—isang ahensiya sa ilalim ng DOJ—ang nagsagawa ng criminal investigation samantalang isang department panel naman ang nagsagawa ng preliminary investigation.

Ngunit ang desisyon na ito ay hindi pa final. May labinlimang araw pa ang ABS-CBN upang mag-file ng motion for reconsideration.

Hindi maaaring magpatuloy ang DOJ sa pagsasampa ng mga kaso hangga't hindi pa final at executory ang desisyon.

UNFAIR AND SUSPECT. Binatikos naman ng ABS-CBN ang desisyon ng DOJ na ipagpatuloy ang pagsasampa ng mga kaso laban sa network executives na inakusahan kaugnay ng ULTRA stampede.

Ayon sa official stamement ng ABS-CBN na inilabas sa media: "We find the DOJ's actions unfair and suspect. There is no logical reason why the DOJ would charge ABS-CBN and exclude government officials from the case. It is painfully obvious to us that we are being singled out and subjected to harassment unrelated to the ULTRA."

Ngunit sa kabila nito, ayon sa ABS-CBN, "we will remain committed to the Truth."

Ayon pa sa ABS-CBN, ang stampede na naganap sa unang anibersaryo ng Wowowee "was a tragic accident that still brings us Kapamilyas untold sorrow and grief.

"But we have faced it the only way we know how: by accepting responsibility and personally offering our profoundest apologies to the families of every single life lost. Even now, ABS-CBN provides aid and lifelong assistance to the relatives of the victims.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi rin ng ABS-CBN na "...through the 71 Dreams Foundation, ABS-CBN provides education and livelihood to the victims' families that have become our own."

Dagdag pa ng Kapamilya network, ang responsibilidad nila ay sa mga pamilya ng biktima at sa publiko.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN