Jennylyn Mercado says breakup with Patrick Garcia is "final"

It's final. Patrick Garcia is so out of Jennylyn Mercado's life. She'll raise her baby on her own. "Final na po 'yon. Kailangan ko na lang pong tanggapin na wala na akong choice kundi mag-move on at tumayong mag-isa para sa aking baby. Alam ko pong lalabas din ang totoo. Kahit po yung hindi pa ninyo alam, lalabas din po 'yon," hints Jennylyn to the press people who interviewed her recently.



Nauna pang dumating sa leading man niyang si Jacky Woo angbuntis ngunit maganda pa ring si Jennylyn Mercado para sa presscon ng Half-BloodSamurai kagabi, February 26, sa Annabel's restaurant, sa Quezon City.

Hindi tulad ng dati na laging nakikitang umiiyak sa mga interviewniya sa TV, nakangiti pang bumati si Jennylyn sa entertainment press na dumalo sapresscon ng pelikula ng Forward Films Entertainment, ang Philippine armng Japan-based film outfit Forward Group of Japan.

Natawa pa si Jennylyn sa biro ng ilang naroon na nagkamali yata ang ob-gyne niyang si Dr. Judy Ann Que ng St. Luke's Medical Center na buntis siya. Hindi kasi halata na three months preggy na ang young actress.

"Pumayat po kasi ako kaya hindi pa po halata ang tiyanko. Ang napansin ko po, lumaki ang boobs ko sa normal size niya,"birong ganti naman ni Jen. "Mas okey na po ang pakiramdam ko at lahat ngginagawa ko ngayon, para sa baby ko.

"Thankful nga po ako kay Mr. Jacky Woo dahil naging veryunderstanding siya. Lalo na nung malaman niyang pregnant na pala ako nungnakabalik na siya sa Japan. Nag-sorry rin po ako sa kanya sa nangyari sa firstpresscon namin noon"

THE FINAL DECISION. "Hindi" ang sagot ni Jen nangtanungin kung payag ba siyang suportahan ng leading man niyang si Jacky sakanyang pagbubuntis. Kukunin na lang daw niya itong ninong after niyangmanganak.

Hindi na rin namin pinalampas na tanungin si Jennylyn tungkol sakanila ni Patrick Garcia. Final decision na ba talaga niya angpakikipaghiwalay niya sa ama ng kanyang dinadala?

"Opo, final na po 'yon," mabilis niyang tugon. "Kailangan ko na lang pongtanggapin na wala na akong choice kundi ang mag-move on at tumayong mag-isapara sa aking baby. Alam ko pong lalabas din ang totoo. Kahit po yunghindi pa ninyo alam, lalabas din po 'yon.

"Tama na po ang mga pressures na ibinigay nila saakin. Totoo po na nag-try at nag-wish po ako na maaayos pa rin ang lahat,pero wala na po talaga. Almost one month na po 'yong hindi kaminagkakausap nang maayos. Nagkikita na lang kami sa church, kapag nagkakasabaykaming um-attend. Pero pagkatapos po nun, hiwalay na rin kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Noong Valentine's Day, natuwa po ako nang imbitahan niyaakong mag-dinner sa Greenhills, pero ganoon lang po 'yon. Pagkatapos namingmag-dinner, kanya-kanya na kaming uwi. Ni hindi po niya ako inihatid sa bahay.

"Hindi po siya talaga nag-effort na makipag-usap. Alamnaman po niya ang bahay ko, ang telepono ko, ang cell phone number ko. Perongayon, ayoko na pong maghabol. Bahala na sila kung ano ang gusto nilang gawin.

"Noon, ayaw po nila akong magsalita kaya tumahimik naako. Pero after po nung mapanoodko ang interview niya sa The Buzz, nagsalita na po ako uli. Dapat konamang idepensa ang sarili ko at ang baby ko.

"May doubts pa rin po pala sila tungkol sa baby. Hindi po baang pangit pakinggan nung sabi nilang, ‘hintayin na lang ang paglabas ng baby'kesa mag-‘no comment' na lang sila? May tanong pa sila kung minsan na, ‘Is thebaby still there?'

"Hindi ko po ito ipalalaglag. Bubuhayin ko itongmag-isa. Kaya po tinanggihan ko 'yong offer nilang education plan daw ngbaby. Ano po 'yon, pagkatapos nila akong sira-siraan, parang batang aalukinnila ako ng candy?"

IT'S MERCADO, NOT GARCIA. Ang surname daw niya angdadalhin ng baby, hindi kay Patrick. Ano ba ang gusto niyang maging baby at maynakahanda na ba siyang pangalan ng anak niya?

"Kung maaari po sana, gusto ko baby boy. Pero kahit poano, basta malusog po ang baby, okay na sa akin 'yon. Kung baby boy,Francisco po ang ipapangalan ko. Sunod sa name ng daddy ni Patrick dahilnaipangako ko na 'yon sa kanya. Nag-iisip pa po ako ng name kung baby girlang isisilang ko."

Ipakikita ba niya ang baby niya kung sakali kina Patrick?

"Depende po. Kung gusto nilang makita, ipakikitako sa kanila. Kung ayaw naman nila, okay lang po sa akin 'yon," sagot niya.

Kanino siya humuhugot ng strength ngayon? At paano niyanakakaya ang stress sa mga nangyayari sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa family ko po, sa friends ko. Thankful po akokay Ma'am Wilma Galvante at sa GMA Network, dahil nag-promise silang hindi nilaako pababayaan. Bibigyan pa rin nila ako ng work, kapag nakapanganak na poako. Meron nga po akong special participation sa Kaputol ng Isang Awitat ilang araw na rin po akong nag-taping.

"Nai-stress lang po ako sa mga nagsusulat ng hindi maganda.Pero wala na po akong magagawa roon. Pakiusap ko na lang po, sana tigilanna nila at maawa naman sila sa magiging baby ko, dahil hindi ko siya pababayaankahit na ano'ng mangyari," pakiusap ni Jennylyn.

Nag-promise si Jennylyn na magiging visible na muli siya saTV sa pagpu-promote ng Half-Blood Samurai. May mall show sila sa SMBicutan sa Sunday, March 2 at 4:00 p.m. May premiere night sila sa Monday,February 3, sa Cinema 10 ng SM Megamall at sa March 5 ang playdate ng movie nanagtatampok din kina Gabby Eigenmann, Paolo Paraiso, Niña Jose, Pocholo Montes,Yoshuke Natsuki, and Rena Komine of Japan. May special participation naman siCesar Montano.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN