Chx Alcala clarifies last year's nasty rumor about her and Joseph Bitangcol

"Napakabata pa ni Joseph kumpara sa akin. Hindi ko siya papatulan, kung sakali man.At hindi ko po siya type." says ex-Pinoy Big Brother housemate Chx Alcala about Joseph Bitangcol. A nasty rumor spread last year about Chx and Joseph.


Laking-gulat ni Chx Alcala, isa sa mga original Pinoy BigBrother housemates, nang banggitin sa kanya ang tungkol sa diumano'ypagkukulong sa kuwarto at pagtitikiman nila noon ni Joseph Bitangcol sa isangresort sa Palawan, kung saan nagkaroon sila ng isang show.

Naging laman ang naturang insidente ng gossip columns sa mgatabloid. Pero namatay na't lahat ang tsismis, hindi nagkaroon ng pagkakataon si Chxna ipagtanggol ang sarili laban sa mga malalaswang tsismis sa kanila ni Joseph.

CHX CLARIFIES. Sa presscon ng Rated FEntertainment concert na Feel-Ahh (kung saan isa sa guests si Chxng may concert na si Geoff Taylor), binigyang-linaw ng ex-PBB housemateang tsismis na ito.

"Napakabata pa ni Joseph kumpara sa akin," simulangpaliwanag ni Chx sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at sa iba pang presspeople na naroon tungkol sa tsismis. "Hindi ko siya papatulan, kung sakali man.At hindi ko po siya type."

"Totoo po na nagkasama kami sa show na yun, kasi iisa langang aming handler sa Star Magic. Marami kaming shows na pinagsamahan; saTarlac, sa Pangasinan, sa Palawan, at marami pang iba. Totoo rin na nagingmedyo close kami, pero never na totoong may nangyari sa amin," paliwanag panito.

"Yung insidenteng nakatulog sa kuwarto namin si Joseph,totoo po yun. Medyo lasing yata siya. Pumasok siya sa kuwarto at matagal kamingnagkuwentuhan. ‘Tapos nga humiga siya sa isang kama, pero kasama ko si JennySuico. Akala ng mga kasama namin, wala roon si Jenny, kaya may nagkuwento saiba na nagkulong nga raw kami ni Joseph.

"Natatandaan ko na isang araw, may nagtanong sa akin sa StarMagic, kung totoo nga raw na nagkulong kami ni Joseph, sabi ko, hindi totoo.

"Napansin ko rin na no'ng mag-show naman kami, kasama si Sandara[Park]—sila pa noon ni Sandara—parang inisnab ako ni Sandara. Mula sa airport,kahit sa eroplano, hanggang bumaba kami, doon sa mismong show, hindi niya akokinausap. Ni ayaw niya akong tingnan. Nang magkausap kami ni Roxanne Guinoo,siya na lang ang nagsabi sa akin na galit nga raw si Sandara sa akin dahil do'nsa nangyaring tsismis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"After that, wala na. Ni hindi na ako nakapag-explain sakanya until she went to Korea. Ngayon ko na lang naalala yan, nakalimutan ko natalaga," patawa-tawang sabi pa ni Chx.

LOVE-HATE WITH LOVE. Inungkat din kay Chx yung sakanila ng ex-boyfriend niyang Indian model na si Love Thadani. Sa kuwento niChx, sampung taon na ang away-bating relasyon nila ni Love.

"Like, break po kami ngayon, simula noong Valentine's Day,but I am looking forward na magkabati na kami. He called up to tell me hemisses me. Nagdasal daw siya sa maraming simbahan para magkabalikan na kami.

"He told me, he went to Baguio City to visit a shrine ngkanilang religion. Talagang gusto na raw niyang magkabalikan na kami,"nakangiting sabi pa ni Chix.

Isa pang problema nila ni Love ay ang parents nilang dalawa.

"Ayaw raw po nila sa Pinay," tukoy ni Chx sa mga magulang niLove. "Pero sabi ni Love, kaya niya akong ipaglaban. Sa akin naman po, ‘dirin siya gusto ng nanay ko. Ayaw nila [pamilya niya] sa Bumbay, peroipinaglaban ko siya. I love him, kaya nga nagtataka ako kung bakit lagi kamingnag-aaway," natatawang sabi pa ni Chx.

Nasabi tuloy ng ilang reporters na nasa presscon namagkapalaran talaga sila dahil kung hindi talaga sila para sa isa't isa, hindinaman sila aabot ng sampung taon.

"May nagsabi nga po sa akin niyan, kaya nga ponanghihinayang ako talaga.

"Ako po, I am looking forward na kaming dalawa na talaga. Iwish that we end up in the altar dahil mahal ko po siya. Alam ko rin po namahal niya ako. Ang problema lang, wala pa siyang proposal na pakasalanako. But when the time comes and nagtanong siya, walang duda po, papayag agadako," pahayag pa ni Chx.

THANKS, PBB. Tungkol sa kanyang career, nagpasalamatnaman daw si Chx sa pagbigay sa kanya ng Pinoy Big Brother ngchance.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Enough na po yun. I guess hanggang diyan lang talaga ako,but I really enjoyed it," pagwawakas ni Chx sa panayam sa kanya.

Guest si Chx with model Rodney Pablo sa concert ng PinoyDream Academy alumnus na si Geoff Taylor entitled Feel-Ahh atPila, Laguna, on March 14. Produced by Rated F Entertainment and sponsored byBRATT.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN