Ciara Sotto chosen to sing "Lupang Hinirang" at Pacquiao-Marquez rematch

Ciara Sotto was overjoyed when Manny Pacquiao personally called to tell her that she's been chosen to sing the Philippine national anthem at his fight on March 16.


Kumpirmado na ngang si Ciara Sotto ang napili ng GMA-7 at ng boxing champ na si Manny Pacquiao para umawit ng "Lupang Hinirang" sa rematch ni Manny kay Juan Manuel Marquez sa Mandalay Bay Resort and Casino sa Las Vegas.

Nakausap nga ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Ciara through the Internet, at sinabi nitong si Manny pa ang nagsabi sa kanya ng masaya, at para kay Ciara, nakakakabang balita.

"Kausap ko si Kuya Manny sa phone yesterday and he told me," halata ang kasiyahang balita ni Ciara sa PEP.

Although nakapag-aral sa Conservatory of Music ng University of Sto. Tomas si Ciara, aminado siyang ibayong paghahanda dapat ang gawin para sa pagkanta niya ng pambansang awit ng Pilipinas sa laban ni Manny.

Hindi lang daw kasi ang mga Pilipino sa buong mundo ang tututok sa pagkanta niya sa Vegas sa March 16, kundi lalung-lalo na ang pambansang kamao na si Manny. Dahil sa maayos at magandang pagkanta niya raw ng Philippine national anthem, kukuha ng lakas ng loob at inspirasyon ang mahusay na boksingero.

FEVER. Nasa Las Vegas na si Ciara mula pa noong April 2007. In fact, sa huling laban noon ni Pacquiao kay Erik Morales, kabilang si Ciara at ang all-female group na "Fever Girls" (dahil sa show na Fever na pinagtanghalan ni Ciara together with the girls) na dumating at naki-celebrate sa victory party ni Pacman sa Las Vegas.

Ipinahayag naman ni Manny ang kanyang suporta at nag-promote pa sa party niya ng Fever show nina Ciara sa brand new Melanja Sky Hotel and Restaurant sa Vegas. Kabilang ang dalawang Fil-Ams na sina Carlyn Bayot at Rizza Navales sa grupo.

Yun nga lang, as of this writing, hindi pa rin nakakapagsimula ang Fever dahil ayon kay Ciara, "nagkakaroon kasi ng mga problema concerning the building. Iba kasi rito, talagang matagal pino-process ang lahat."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN