Marky Cielo appeals for end to "gay lover" rumor

"Naaawa na nga ako sa taong iyon kasi wala naman siyangginagawang masama sa akin o sa ibang tao. Nagiging matulungin lang siya samaraming tao. Siya ang tinuturing naming tatay kapag may mga problema kami.Pati ba naman iyon nilalagyan nila ng malisya?" complains Marky Cielo about the nasty"gay lover" rumor that has been circulating lately.


Sinabi ni Marky Cielo sa PEP (Philippine EntertainmentPortal) na hindi na siya natutuwa sa kumakalat na balitang meron daw siyang"gay lover" kaya marami siyang trabaho ngayon sa GMA-7.

Pakiusap ni Marky, sana raw ay maging considerate angibang tao sa nararamdaman niya at ng taong sinasabi nilang "gay lover" niya.Hindi na raw kasi nakakatuwa ang mga tsismis dahil may ibang tao na raw nanaaapektuhan.

Pinasinungalingan nga ni Marky ang naturang relasyon na iyondahil ang turing niya sa taong natsitsismis na "gay lover" niya ay parang tataylang.

"Naaawa na nga ako sa taong iyon kasi wala naman siyangginagawang masama sa akin o sa ibang tao.

"Nagiging matulungin lang siya sa maraming tao. Siyaang tinuturing naming tatay kapag may mga problema kami. Pati ba naman iyonnilalagyan nila ng malisya?" diin pa ni Marky.

Noon daw ay dinededma lang ni Marky ang mga usap-usapan namay gay lover siya. Dinadaan pa nga raw niya sa tawa ang lahat. Ang tutok langtalaga ng StarStruck Sole Survivor ay ang magtrabaho nang mabuti.

"Kung may trabaho man ako, kasama kasi iyon sa nagingkontrata ko sa GMA Artist Center. Nagpapasalamat ako na nabibigyan kami ngtrabaho. Ako naman, gusto kong ipakita na seryoso ako sa pinasok kong ito. Kaya hindi kopinapansin ang tsismis. Trabaho lang talaga tayo.

"Pero lately nga,sunud-sunod ang mga nagtatanong, ‘tapos may fans na nagagalit nga sa taong itona ang turing namin ay parang ama. So, unfair naman, ‘di ba? Kaya ako na ang nagsasabi na walang gano'ng relasyontalaga. Please lang tigilan na nila ‘yan."

Pero may usap-usapan pang ang "gay lover" daw niyang ito angpumipigil para manligaw siya ng babaeng type niya.

"Pati ba naman ang 'di ko pagligaw nagiging issue sakanila?" sabay ngiti na ni Marky.

"Choice ko naman po kung manligaw ako or hindi. Sangayon kasi, mas focused ako sa trabaho. Wala naman sigurong masama roon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung ligaw-ligaw rin lang, kaya ko namang gawin iyonat walang pumipigil sa akin. Pero tulad ng sabi ko, it's a choice na ginawa ko.Gusto ko munang trabaho ang unahin kesa sa magka-girlfriend. Habang bata, gustokong makaipon at maging maayos ang future ko.

"Ang panliligaw, kahit kelan puwede mong gawin. Peroang work, habang meron dapat pinagbubutihan para mas marami pang trabaho nadumating, 'di ba? Sa ngayon, inaamin ko na hindi ko kayang pagsabayin angtrabaho at pagkaroon ng girlfriend. Kaya mas pinili ko ang trabaho dahilayokong sayangin ang mga opportunities na dumarating."

Isa nga pala si Marky sa nagbibida sa GMA sine novela na Kaputol ng Isang Awit na magsisimula na ngayong Lunes pagkatapos ng Maging AkinKa Lamang sa GMA Dramarama sa hapon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN