Snooky Serna: "I have always been fascinated by tattooed people."

"Pinoprotektahan ko rin ang mga anak ko. Kung hindisafe ang procedure, hindi ko sila papayagan. Okey lang naman, e. Yun ay kung gusto nila, atokey nga sa daddy nila," says Snooky Serna on her plan to convince her kids to get their own tattoos.



Napag-trip-an ni Snooky Serna ang magpa-tattoo sa bandang kanan ng likuran niya. Isang Japanese samurai ang nakadibuho roon.Ipinahayag ni Snooky sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na yun ay expressionng kanyang courage.

Mukhang matapang na nga si Kukay (palayaw ni Snooky), at ang sabi niya,"Nakilala ako ng mga tao as the demure former child actress, kaya neverkong naipakita ang side ko na behind this pa-tweetums, may rockstar attitudeako.

"Gusto kong gaya-gayahin noon sina Pat Benatar atDeborah Harry [of Blondie], noong early '80s, pero hindi ko magawa dahil ibaang image ko. Na-stereotype ang image ko, at naging one-dimensional.

"Noon ko pa gustong magpa-tattoo, pero ilang beses dinakong pinigilan, lalo na ng former boyfriends ko," natatawang sambit pa niSnooky.

Ngayon ay loveless si Kukay at nagagawa nga niya ang gustoniya. Higit sa lahat, nakakapagde-decide na siya sa sarili niya, nakasubsob satrabaho, at nagpapakita ng kaseryosohan this time habang tuluy-tuloy ang tapingng Kaputol ng Isang Awit.

"Forty-two years old na ako sa darating na April4," paalala pa ni Kukay. "It's about time to express myself in theway that I really like. Ngayon ko lang talaga nagagawa ito, at hindi ko na rininiisip ang sasabihin ng iba.

"Wala akong nakikitang masama sa pagpapalagay ngtattoo. That's no big deal for me. It's a form of art," diin ng aktres.

TATTOOED DAUGHTERS. Sinubukan lang ni Kukay kung safe nga ba ang magpa-tattoo,at hihikayatin niya ang dalawang anak na sina Samantha at Sachi na magpalagayna rin nito.

"Basta ba safe, kaya inoobserbahan ko pa. Pero 'yun aykung papayag ang ama nila [Ricardo Cepeda]. May karapatan pa rin naman siRichard sa ganoong bagay, pero wish ko lang, pumayag din siya.

"Pinoprotektahan ko rin ang mga anak ko. Kung hindisafe ang procedure, hindi ko sila papayagan. Okey lang naman, e. Yun ay kung gusto nila, atokey nga sa daddy nila," paglilinaw ni Snooky.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Walk-in lang si Snooky sa Eve's Salon sa Glorietta at sakaroon nag-decide na magpalagay ng tattoo. Mukhang nakaka-addict nga raw angmagpa-tattoo, dahil may balak uli si Snooky na magpalagay sa bandang ibaba ngkanyang likuran.

"Maganda ang feeling," sabi pa ng aktres. "Itmay be strange for others, but I have always been fascinated by tattooedpeople. In fact, attracted ako sa kanila."

THANKFUL TO GMA. Masaya si Kukay dahil bukod sa Kaputol ng Isang Awit,she was promised by GMA executives na isasama siya sa isa pang teleserye napang-primetime naman. Aba, mukhang na-impress na nang husto ang GMA-7 samagadang attitude at pagbabago ng isang Snooky Serna!

"At saka sanay na ako sa paghihintay. Noon kasi, walaakong tiyaga sa ganyan. Patience wasn't my virtue. Pero, may nabasa akong quotefrom Peter O'Toole. Sabi niya, 'I'm getting paid for my time, but my acting isfor free.'

"Oo nga naman. Gusto kong maniwalang ganoon nga. Atsaka na-realize ko na, I'm really proud to be a Kapuso. You know what, kasi,kung sa ibang network siguro nangyari yung naging unprofessional ako atnabigyan ko sila ng sakit ng ulo, they would treat me like a plague.

"Sa GMA-7, binigyan pa rin nila ako ng chance.Sinubukan pa rin nila ang pupuwede kong ma-prove sa kanila, at heto,tuluy-tuloy nga at ayaw na nila akong bitiwan. I'm really so thankful tothem," wika ng matibay na Snooky Serna.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN