Gabby Concepcion will shoot movie with Jolina Magdangal in Europe

Former matinee idol Gabby Concepcion will be seen once again on the big screen via Love Cruise opposite Jolina Magdangal. Shooting begins in April.



Malapit nang simulan ang comeback film ng dating matinee idol na si Gabby Concepcion. Ito ang Love Cruise na kukunan sa Rome, Italy, at iba pang lugar sa Europe by April. Makakasama ni Gabby rito ang multimedia artist na si Jolina Magdangal.

May lumabas na balita na hinihintay na lang daw ng GMA Films ang pagdating sa bansa ni Gabby para masimulan ang shooting ng pelikula. Pero ang alam namin ay hindi pa puwedeng bumalik ng Pilipinas si Gabby dahil sa kaso niya noon.

Kaya tinawagan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Mr. Jun Magdangal, ang ama ni Jolina, upang kumpirmahin ang naturang balita. Si Daddy Jun kasi ang nakipag-usap kay Annette Gozon-Abrogar ng GMA Films para sa co-production venture nila at siya ring dahilan kung bakit napapirma ng two-picture contract si Gabby sa GMA Films.

ONE YEAR IN THE MAKING. Kuwento ni Daddy Jun, last year pa sana gagawa ng movie si Jolina. Gusto raw kasing mag-produce ng pelikula tungkol sa mga OFW ang producer ni Jolina ng mga shows niya sa Europe at U.S. na si Vic Alcuaz ng Star Events.

Aniya, "Ang gusto ni Vic noon, ang tema ng movie ay ‘yong puwedeng maisali sa Cannes at iba pang international film festivals, at ang makakasama ni Jolina ay isang foreign actor. May script na sana.

"Gusto niyang gawin ito sa Barcelona at gusto niyang mag-aral pa ng Spanish si Jolina. Kaya lang, hindi ito natuloy dahil gumawa na ng movie si Direk Gil Portes na ang title ay Barcelona. ‘Tapos gumawa pa ng teleserye ang ABS-CBN para kina Toni Gonzaga at Luis Manzano sa Barcelona. Gamit na gamit na ang location."

GABBY ON BOARD. "That time naman," patuloy ni Daddy Jun, "may common friend kami sa States na kilala si Gabby Concepcion. Nalaman namin na gusto pa rin pala niyang mag-join ng mga shows, kaya kinuha rin siya ni Vic na maging guest ni Jolina sa mga shows niya sa States. Siya [Gabby] ang kasama namin sa East Coast U.S. tour ni Jolina at naging kapalagayang-loob na namin siya. Mabait siya at hindi siya nahihiyang magbuhat kahit ng mga maleta ni Jolina kapag dumating na kami sa destination namin doon. At guwapo pa rin siya, parang hindi tumanda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tinanong namin siya [Gabby] kung gusto ba niyang gumawa muli ng movie. Sabi niya, nami-miss na nga raw niya ang showbiz. Pero hindi nga lang siya puwedeng umuwi ng Pilipinas para gumawa ng pelikula. Inamin niyang may kaso siya rito na anytime na bumalik siya rito, huhulihin siya.

"Puwede lang siyang gumawa ng movie kung doon sa States or anywhere ang shooting, huwag lang sa Pilipinas. So, naisip namin ni Vic na ituloy pa rin ang movie na gusto niyang gawin. This time, isang cruise movie na isu-shoot sa Athens, Greece. Pero ‘yong kausap naming may-ari ng shipping line, hindi pala nagda-dock sa Athens ang barko nila. ‘Tsaka hindi raw masyadong magandang setting ito ng movie. Maganda lang daw kung historical documentaries ang isu-shoot doon.

"So, inisip na naming sa ibang lugar na lang sa Europe. Pero sinabi ko na kay Vic kung gusto niya, gawin na naming commercial ang movie at maghanap kami ng co-producer na siya talagang magha-handle nito. Pumayag naman siya nang sabihin kong i-offer namin sa GMA Films.

"Nang i-offer ko kay Ms. Annette ang project, nagustuhan niya ang idea at doon na nagsimula ang negotiation namin kay Gabby. Kaya kung natatandaan ninyo, noong birthday ni Jolina sa SOP last November, nag-phone patch na si Gabby sa kanya from San Francisco. Kahit sa birthday ni Annette, bumati na rin si Gabby sa kanya. Kasunod na nga noon ay ang pagpayag ni Gabby at pumirma na siya ng two-picture contract sa GMA Films," lahad ni Daddy Jun.

LOVE BOAT. Napag-usapan na rin daw nila ang istorya ng Love Cruise na magsisimula sa barko. Kuwento pa ng ama ni Jolina, nag-cruise pa raw talaga si Annette at ang kanyang pamilya mula Seattle hanggang Alaska para maramdaman daw nito ang istoryang susulatin niya. Nag-interview rin daw ang GMA Films president ng mga trabahador sa barko para maging realistic ang story.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi muna sinabi ni Daddy Jun kung ano ang magiging takbo ng story ng pelikula at ang mga character na gagampanan nina Gabby at Jolina. Pero kinumpirma niyang kasama rin sa Love Cruise si Rufa Mae Quinto at isa pang aktor, samantalang si Mark Reyes naman ang magdidirek nito.

Baka raw magsimula na ang shooting nila sa April 1. May bakasyon daw kasi na 14 days si Jolina as one of the judges of Pinoy Idol, pero kailangang makabalik sa Pilipinas on April 15 para sa simula ng talent search.

"Magkikita-kita na lang si Gabby at ang cast at production staff ng Love Cruise sa Rome dahil doon magsisimula ang cruise," sabi ni Daddy Jun. "Inaayos pa lang kung saan-saang lugar pa sa Italy ang shooting. Iyong ship na sasakyan namin for the cruise ay iaayos naman ng management noong unang ship na kausap namin."

Totoo ba na may kumakausap daw kay Gabby para siyang mag-manage sa aktor?

"Hindi ko alam kung may napag-usapan na sila ni Gabby," sagot ni Daddy Jun. "Pero hinahawakan na lang namin sa kanya ‘yong sinabi niyang ‘Hindi ako sasagot kung hindi si Daddy Jun ang kausap ko.'"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN