Child star Makisig Morales co-stars with Dolphy and Sharon Cuneta in two separate projects

Child actor Makisig Morales is slated to do a project in which he co-stars with two of the biggest names in Philippine showbiz—Dolphy and Sharon Cuneta.



Wala na talagang makakapigil sa lakas ng kasikatan ng child actor na si Makisig Morales. Pagkatapos niyang mamayani sa telebisyon sa pamamagitan ng Super Inggo, Pedro Penduko at ang mga Engkantao, at Super Inggo 1.5, ngayon naman ay isinasama na siya sa mga bigating artista gaya nina Dolphy at Sharon Cuneta.

Pagkatapos ng isang napakagaling na pagganap sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya kasama ang King of Comedy, muling makakasama ni Makisig si Dolphy sa soap opera na Utoy. Ang Utoy ay sinasabing inspired ng classic children's tale na Pinocchio.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Makisig kagabi, March 6, sa presscon ng pelikulang Supah Papalicious, sinabi ng child actor na masaya siya na muli niyang nakatrabaho si Dolphy.

"Mabait po kasi sa akin si Tito Dolphy kaya po gusto ko siyang nakakasama sa trabaho," sambit ng child actor.

May advice bang ibinigay sa kanya si Dolphy tungkol sa kanyang career?

"Wala naman po," sagot ni Makisig. "Si Tita Sharon [Cuneta] po ang nagbigay sa akin ng advice nung mag-guest ako sa show niya. Sabi po sa akin ni Tita Sharon, mahalin ko daw po yung mga fans na sumusuporta sa akin. ‘Tapos, mahalin ko rin daw po yung trabaho ko."

Speaking of Sharon, makakasama rin ni Makisig ang Megastar sa pelikulang Caregiver ng Star Cinema.

"Sa April 1 na po ang start ng shooting namin sa London. Ako po yung aalagaan ni Tita Sharon sa movie, ‘tapos si Kuya John Vladimir [Manalo] naman po ang gaganap na anak niya," kuwento ni Makisig.

Inamin ni Makisig na pinangarap din niyang makasama sa pelikula ang Megastar.

"Sobrang idol ko po kasi siya saka sobrang idol din siya ng mommy ko. Kaya po talagang natuwa ako nang malaman ko na gagawa kami ng pelikula," sabi niya.

RIVALRY WITH JAIRUS AQUINO. Kaibigan ni Makisig ang kapwa niya child actor na si Jairus Aquino. Nagsimula ang pagkakaibigan ng dalawa nang magkasama sila sa Super Inggo, kung saan gumanap si Jairus bilang si Pareng Jomar na sidekick ni Makisig bilang Super Inggo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ngayon ay nagbibida na rin si Jairus via Kung Fu Kids at hindi rin nawawalan ng project sa ABS-CBN. Sabi tuloy ng iba, mas sikat na raw si Jairus kay Makisig. Ano ang comment ni Makisig tungkol dito?

"Hindi naman po siya mas sikat sa akin, pareho lang po," napakainosenteng sagot ni Makisig.

Natutuwa naman si Makisig para kay Jairus dahil sa magandang nangyayari sa career nito.

Aniya, "Sobrang tuwa ko na meron po siyang Kung Fu Kids. Pinapanood ko nga po yun, e."

Madalas pa rin ba silang nagkikita ni Jairus?

"Hindi na po kami masyadong nagkikita ngayon, e. Nung huli po kaming nagkita, dun sa Supah Papalicious, nag-guest po sila [Kung Fu Kids stars]," saad ni Makisig.

FUTURE ACTION KING? Magaling sa drama si Makisig, pero kung mabibigyan ng pagkakataon, mas gusto niyang makilala bilang isang action star gaya ng idolo niya, ang namayapang King of Philippine Movies na si Fernando Poe Jr.

"Pag minsan po, napapanood ko po yung movie niya [FPJ] sa ABS-CBN. Sobrang galing po talaga niya kaya idol ko siya," saad ni Makisig.

Kasama rin si Makisig sa pinakabagong pelikula ng Star Cinema, ang Supah Papalicious, na pinagbibidahan ni Vhong Navarro.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN