Kim Chiu chosen to play lead role in Pinoy version of "My Girl"

"Wala! Wala talaga, as in wala akong idea at all.Pinagpe-pray ko lang talaga na sana magkaroon ako ng bagong project. ‘Taposayun, nagkatotoo nga siya! Naiyak nga ako, ang saya!" beams Kim Chiu about her next project in ABS-CBN.


Hindi napigilan ng young actress na si Kim Chiu ang mapaluhasa katuwaan dahil sa sorpresang natanggap niya during the press conference ofthe new season of Pinoy Big Brother (PBB) Teen Edition Plus and Pinoy DreamAcademy kahapon, March 7, sa 9501 restaurant ng ABS-CBN.

Kasama ni Kim sa presscon si Yeng Constantino. Matatandaangsi Kim ang kauna-unahang winner ng PBB Teen Edition samantalang si Yeng namanang first winner ng Pinoy Dream Academy.

Sa part ni Kim, habang ipinapakita ang AVP ng kanyangpagsisimula sa PBB as housemate at sa mga naging accomplishments niya bilangartista since then, laking-gulat ni Kim nang sa kalagitnaan nito'y ipakita angKoreanovela na My Girl na naipalabas na noon sa ABS-CBN. Si Kim ang napilinggumanap na bida sa Pinoy version ng hit Koreanovela.

THE CHOSEN ONE. Clueless si Kim at sa mismong presscon langdin niya nalaman ang tungkol dito. Bukod sa horror series na Maligno, ang MyGirl pala ang nakalaan na bago niyang project sa Kapamilya network.

"Sobrang saya ko po!" ang bukod-tanging nasambit ni Kimpagkatapos ng ilang segundo na hindi siya makapagsalita nang formally ayi-announce sa presscon na talagang ginawang surprise sa young star ang bagongseries na gagawin niya.

Nang makausap nga ng PEP (Philippine Entertainment Portal)si Kim, wala raw siyang idea sa naturang project. Pero aniya, napanood na rawniya ito sa DVD.

"Wala! Wala talaga, as in wala akong idea at all.Pinagpe-pray ko lang talaga na sana magkaroon ako ng bagong project. ‘Taposayun, nagkatotoo nga siya! Naiyak nga ako, ang saya!" hindi maitago angkaligayahan na pahayag ni Kim.

THANKS TO PBB. Para kay Kim, wala ang lahat ng tinatamasa niya ngayon kunghindi dahil sa PBB Teen Edition.

"Utang ko pong lahat sa PBB family ko, like si Direk Jilmer[Dy]," sabi ng dalaga. "Siya po ang nag-interview sa akin noong nag-o-auditionpa lang po ako, kaya alam niya pong lahat. Masayang-masaya po akong talaga sa lahat ng na-achieve ko, kasi all wishesgranted pong talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sobrang laki rin po ng naitulong ko sa family ko. Ako na poang nagsisilbing mother, father sa mga kapatid ko. Napag-aaral ko po sila atnaibibigay ko po yung pleasure na gusto nila. Ako po kasi before, hindi ko ponagagawa yung like, ‘Mama, Papa, ibili mo ako ng ganito, ganyan.' Kasi alam kopo na hindi po nila maibibigay dahil kapos po kaming talaga.

"Pero ngayon po, sa mga kapatid ko, kapag may hinihingisila, ibinibigay ko kasi lahat naman po ng ginagawa ko, para po talaga sakanila. Masaya po ako. Hindi naman po siguro lahat ng teen, nakakatulong ngganito kalaki sa pamilya nila. At lahat po ng yun, utang ko pong talaga sa PBBTeen Edition," lahad ni Kim.

Ayon pa kay Kim, hindi siya nate-threaten kung magkakaroonna ng bagong season ng PBB na magsisimula na sa March 23. In fact, masaya raw siya na may ganitongvenue para sa mga teenagers na katulad niyang minsang nangarap at nabigyan ngkatuparan through the show.

"Basta ako, gagalingan ko lang, like sa My Girl. Kungmatuloy nga ‘yon, mas magiging masaya ako. At saka may Maligno pa ko. Masayang-masayana ako sa lahat ng naabot ko ngayon, sobrang masaya po talaga.

"At saka, masaya po ako kasi may bagong PBB Teen Edition nanaman. Ibig lang pong sabihin, may bago na naman pong magsa-shine. May mgabagong teen na naman na matutupad ang pangarap. At saka sa tingin ko po, nasaamin naman po kung paano kami mag-i-stay. Pero lahat po ng tao, may sarilingchance sa buhay."

CLAUDINE FAN. After ng Love Spell, ang Maligno ang nextproject na pinagsasamahan nila ng ka-loveteam na si Gerald Anderson. Kaya hinditotoong after their Love Spell, biglang ipi-freeze ang loveteam nila. Asidefrom them, nasa Maligno rin sina Claudine Barretto at Diether Ocampo.

Fan daw talaga si Kim ni Claudine kaya hindi niya itinagongduring their taping, hindi pa rin niya maiwasang ma-starstruck na kasama naniya si Claudine sa isang show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, "Si Ms. Claudine, ang bait! Nahihiya nga ako, e. Atsaka na-starstruck din ako kasi kapag nag-uusap kaming dalawa, nauutal dinako, walang lumalabas sa bibig ko. Hindi ko alam.... Like, tatanungin niya ako,‘Kumusta ka na?' Wala, walang lumalabas sa akin. Sobrang nahihiya ako."

Naitanong din ng PEP kay Kim ang totoong estado sa kanilangdalawa ni Gerald dahil may mga bali-balitang hiwalay na sila.

"Hiwalay? Hindi pa nga po nagiging kami, maghihiwalay nakami?" natatawa niyang sagot.

"Break na ba kami? Hindi pa nga nagiging kami, break nakami?" tawa niya ulit. "Basta okay naman po kami. Good friends. Nagha-hang outkami minsan kasama yung mga barkada niya, mga PBB dati.

"Actually, hindi ko rin po alam kung saan nanggagaling yungisyu na break na kami. Nababasa ko ngarin po. Pero wala lang, nagbibiruan na lang po kami."

Sinabi ng PEP kay Kim na posibleng kaya may isyu ng breakupsa kanila dahil mas marami ang naniniwalang naging sila talaga at patuloylang nila itong idine-deny.

"Ganun po? Hindi po, siguro po, kapag eighteen na ko," angmaikling tugon ni Kim.

KIM TURNS 18. On April 19, Kim is turning 18. Pero wala paraw siyang plano kung may magaganap na debut party on her special day.

"Wala pa pong plano. Matagal pa naman, sa susunod na buwanpa naman yan."

Pero kung siya raw ang tatanungin, wala rin daw siyangkaibahan sa ibang teenager na pangarap ang magkaroon ng debut party talaga.

"Kaso nahihiya ako, e," natatawa niyang sabi. "Kasi walaakong masyadong friends, baka wala masyadong pumunta. Baka wala akong bisita.Siyempre po, lahat naman ng girls, dream nila yung talagang debung-debut. Peroako, hindi ko pa alam... Nahihiya ako, e. Gusto ko, pero nahihiya ako."

Hindi naman itinanggi ni Kim na kung sakaling magkakaroonman daw siya ng party, definitely raw ay si Gerald ang escort niya.

"Opo, si Gerald. Wala naman po akong ibang ka-close, e," sambit niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kahapon, March 7, nag-celebrate naman ng kanyangkaarawan si Gerald. Wakeboard daw ang birthday gift ni Kim sa ka-love team.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN