Brazilian model Mariana del Rio breaks silence on rumored affair with Cesar Montano

Sixteen-year-old Brazilian model Mariana del Rio answers all issues about her rumored affair with actor-director Cesar Montano.



Lumantad na sa unang pagkakataon ang babaeng diumano'y dahilan ng hiwalayan nina Cesar Montano at Sunshine Cruz na si Mariana del Rio. Humarap sa isang exclusive taped interview ang Brazilian model kay Boy Abunda sa The Buzz kahapon, March 9.

Matatandaang lumabas ang hiwalayan nina Cesar at Sunshine noong December last year at agad na isinabit ang pangalan ni Mariana sa kontrobersiya. Itinanggi ng aktor na may relasyon sila ngunit nakumpirmang umalis nga ng bahay nila si Sunshine. Ang balita ay nagkabalikan na raw ang mag-asawa ngunit wala pang opisyal na pahayag mula sa kanila.

BIG NEWS. Sa panayam kay Mariana ng The Buzz, tinanong ni Boy si Mariana kung ano ang naramdaman niya nang lumabas ang balitang siya ang dahilan ng paghihiwalay diumano nina Cesar at Sunshine.



"Sobrang sad po ako. Kasi I was in Brazil, so I couldn't do anything about it. I couldn't even defend myself," lahad ni Mariana.



Ang mga kaibigan daw ni Mariana ang tumawag at nagsabi sa kanya na pinag-uusapan na siya sa buong Pilipinas dahil sa pagkakasangkot niya sa isyung hiwalayan nina Cesar at Sunshine.



"And I was like, ‘Please help me out. Help me to clean this thing,'" dugtong niya.



Ipinanganak si Mariana sa Brazil. Purong Brazilian ang kanyang ama at half-Brazilian, half-Pinay naman ang kanyang ina. February last year nang dumating si Mariana sa Pilipinas. Nakagawa naman agad si Marianna ng mahigit-kumulang na sampung commercials dito sa Pilipinas. Sixteen years old lang si Marianna at 5'10" na ang kanyang height.

THE FIRST MEETING. Idinetalye ni Marianna kung kailan at paano sila nagkakilala ni Cesar.



"Last September, I went to Bohol to visit with my friends. And I just arrived from the airport and he [Cesar] asked my friend if I was a model. Well, if I wanted to join in a movie. He was always talking to my friend and my friend was the one talking to me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"I was surprised, so I didn't answer anything at the moment. So he asked us to join him to merienda at his house sa Bohol. ‘Tapos, we all went there and all of my friends. We had merienda. He's talking what he was expecting for a movie. What he want in my role and stuffs like that. And I was like, 'Okay, I got to think about it before answering now,'" kuwento ni Mariana.

Sinabi raw ni Mariana kay Cesar na isa siyang modelo, pero matagal na niyang gustong maging artista.



"I always wanted to be an actress, so when he came, I thought that's a good opportunity," sabi ng Brazilian model.



Kilala ba niya that time si Cesar?



"No," mabilis na tugon ni Mariana. "My friend told me. She said he's an actor. He's like a respected actor here in the Philippines. And then I just told my friends what they thought about it, they said it's okey because he's like a good actor."



Nag-stay ba siya sa Bohol?



"For like a few days and then we got back to Manila. Then, he asked me to go to do the parang test video. He wanted me to see how do I look in the camera. I went with my friends always. And then he [Cesar] gave me parang script. I memorized some lines and then they just parang shot it," lahad ni Mariana.



Hindi na matandaan ni Mariana kung anong probinsiya ang pinuntahan niya.

"Maybe...bandang Bulacan. We met and then he brought me and my friend there. So I didn't ask where I was. Actually, I don't remember the name."



Ano ang sinabi ni Cesar sa kanya pagkatapos ng screen test?



"He said like it was good," sagot ng teenager.



OTHER MEETINGS. Hindi raw doon natapos ang pagkikita nila ni Cesar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"He wanted me to meet the director of the movie. To show me to the director, what he thinks about me. So we went to his restaurant sa Tomas Morato," kuwento niya.



That was the fourth time na nagkita raw sila ni Cesar.



"He gave me the script with all my lines."



Saan sila nagkita?



"Sa restaurant again."



Nasundan pa raw ‘yon ng ikalimang pagkikita nila.



"When I was about to leave to Brazil, he asked me to go to introduce me to some people from the movie. Also, from the guy who wrote the script," lahad ni Mariana.



Puro prosessional daw ang mga pagtatagpo nila ni Cesar at hindi matatagal na pag-uusap.

"Not long at all. Parang 30 minutes."



MEETING SUNSHINE. Nabanggit din ni Mariana ang pagkikita nila ni Sunshine at ang naging pag-uusap nila sa telepono.



"I met her personally once sa Rockwell," kuwento niya. "I was just with my friend. I went there to watch movie and they were there with Cesar and another friend of them, and then he introduced me to her. She was nice."



Totoo ba tinawagan siya ni Sunshine?



"Totoo po," kumpirma ni Mariana.



Nagalit ba sa kanya si Sunshine?



"Hindi galit siya. Hindi, sobrang galit, pero galit. Hindi like scandalous or shouting, no. Pero galit siya. She's asking me what was going on," aniya.



Ano ang sinabi niya kay Sunshine?



"I told her that I met him in the airport and ask me to do a movie with him. He offered me three movies. I explained her everything and then after we put down the phone. I texted her explaining again everything that really happened and asking her if it was clear. If she was okay with that. She said all good, okay, thank you, and I pretty thought she was okay."



Nilinaw rin ni Mariana ang panliligaw daw sa kanya ni Cesar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"He didn't. Hindi po," tanggi niya.



PURSUING HER DREAM.
Hindi na raw sila nagkausap pa ni Cesar kahit nitong nakalipas na linggo. At hindi matiyak ni Mariana kung sa kabila ng mga pangyayari ay gusto pa rin niyang makatrabaho si Cesar. Pero desidido pa rin siya sa pangarap niya na pasukin ang show business.



"I want because it's something that I wanted since I was a kid. To be an actress, good actress. I want to learn and to be a good actress," pahayag niya.



Hindi ba siya naapektuhan ng kontrobersiya?



"I'm affected but I have to handle it," sagot ni Mariana. "That's why I'm back. Back to show people that I didn't do anything. I want them to understand what really happened and Sunshine too because I don't know if she really thinks that something happened."



Nagbigay siya ng mensahe para kay Sunshine.



"I hope they get together and be really happy because I didn't cause anything and I really hope that they get happy together."



Para kay Cesar, "Get back to Sunshine and be happy."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN